SABAY kaming umuwi ngayong hapon sa ayaw at sa gusto ko. Russel is being an ass at palaging gulo ang ipapanakot sa akin kapag hindi ko sinunod ang gusto n'ya kanina. Mantakin mo, kaya daw ako tumatangging kasabay s'ya pauwi ay baka may usapan pa kami ni Carl? Nang makarating kami sa bahay ay nagdiretso ako sa kwarto at tumambad sa akin ang isang tangkay ng pulang rosas. Walang note pero isang tao lang naman bukod sa akin ang pumapasok sa kwartong ito. Parang hinaplos naman ang puso ko at biglang nawala ang inis ko sa kanya. Marunong din naman pala itong manuyo kapag alam na mali. Ang tanong, alam nga ba n'ya o talagang ayaw na lang n'ya ng cold war. Tinungo ko ang pinto at muntik na akong mapahiyaw ng makita s'yang nakasandal sa gilid ng pinto. "Ano ba!? Papatayin mo ba ako sa takot," na

