MUKHANG nagulat si Russel na alam ko ang tungkol sa pangloloko nila ni Corina sa akin. Paano kong hindi malalaman kung sa mismong apartment at mismong kama namin sila nagsiping? Russel looked confused and lost. Para bang wala s'yang maalala sa sinasabi ko. "Ano? Bakit naman ako makikipag-s*x sa kanya?" takang tanong nito. Ako pa talaga ang tinanong? "How should I know? Ikaw ang may katawan hindi ba?" sarkastikong sabi ko. Pumormal ang mukha nito. "Look, hindi ako makikipag-s*x sa kanya dahil may asawa na ako. Hindi ko s'ya type at isa pa, mahal na mahal kita. How could you think such a thing?" "Kitang kita ng dalawang mata ko, Russel. Gusto mo bang i-detalye ko pa sa 'yo kung paano umindayog ang katawan n'ya sa ibabaw mo?" gigil kong sabi sa kanya. Napangiwi ito. "Max --" "Anong

