KUNG bakit s'ya ang sumundo sa amin ay hindi ko alam. Wala namang nabanggit si Darlene sa akin na hindi s'ya makakasundo. Tahimik n'yang ipinalagay ang maleta namin sa SUV n'yang itim. S'ya na rin ang nagbigay ng tip sa porter bago ito umalis. At nang buksan n'ya ang pinto ng back seat ay tumambad sa harap ko ang isang child seat. May anak na rin ba s'ya? Isa lang ito sa mga bagay na ipinagtataka ko ngayong araw. "Gusto mo bang ako ang maglagay sa kanya o ikaw?" sabi n'ya na malamig ang boses at hindi ko mawari kung may tampo o galit o pareho. "Ako na lang, hindi ka n'ya kilala. Baka manibago at mag-iyak," tugon ko. Mahina man ang pagkakasabi n'ya ay narinig ko pa rin. Whose fault is that? Hindi ko 'yon pinatulan at akmang tatabi na ako sa aking anak sa likod ng marinig kong magsalit

