KUMAKAIN ako ng sandwich sa living room habang nagbabasa ng magazine. Pero kahit anong tingin ko at ilang basa ko ng article, walang pumasok sa utak ko. Wala akong maintiindihan. Naipasok na lahat ni Russel ang maleta at dinala sa itaas. I haven't seen upstairs but I am sure it is as beautiful as the ground floor. Hindi ko pala s'ya natanong kung kumain na. Kaya nang makita ko s'yang pababa ng hagdan ay tinanong ko. "Kumain ka na ba?" "Hindi pa," nang makalapit sa akin ay inabot ang kamay ko at kinagatan ang sandwich ko. Napanganga ako sa kanya. Kanina lang ay mainit ang ulo n'ya sa akin pero ang nakikita kong Russel ngayon ay ang asawa ko noon bago ko iniwan... bago ko nasaksihan ang -- ayaw kong isipin dahil nasasaktan pa rin ako. Tumikhim ako ng maupo s'ya sa tabi ko. "May s

