SAME bed? Pakiramdam ko ay nawala ang lahat ng antok at pagod ko sa sinabi n'ya kanina. Sa inis ko ay dito ako sa sofa sa salas nahiga at nakaidlip. Pero bakit nang magising ako ay nasa isang silid ako na light gray ang kulay ng dingding at may light peach na kurtina ang malalaking bintana? Paano ako napunta dito? Wala ng araw ng magising ako pero maliwanag pa rin. Nang tingnan ko ang alarm clock sa gilid ay alas singko pasado na ng hapon. Bigla kong naalala si Ross. Nasaan kaya ang anak ko? Saglit akong naupo sa kama at nasapo ang noo ko. Medyo nahilo ako dahil sa biglaang pagbangon. Noon bumukas ang pinto at iniluwa nito si Russel. "Gising ka na pala. Nakapagpahinga ka ba? Ang haba ng tulog mo," sabi nito. Tiningnan ko lang s'ya at hinidi sinagot ang tanong n'ya kanina. "Si Ross

