Chapter 1
Astrid's Point of View
Nangunot ang aking noo habang nakatingin sa aking boss. Hindi ko talaga alam kung bakit niya ako ipinatawag sa office niya dahil wala naman akong natatandaang nagawang kasalanan. Ayaw ko namang mag-isip ng negatibo pero hindi ko talaga maiwasang kabahan. Out of nowhere naman kasi!
Nasa office ko lang naman kasi ako tapos maririnig ko sa telephone na papasok raw ako sa office niya dahil may sasabihin. Ngunit ngayong nasa harap na niya ako, wala naman siyang ibang ginawa kung hindi magbasa ng mga document.
“Sir, I received your command a while ago. May I ask what important matter you’re going to tell?” I inquired. Tumingin lang siya sa akin saglit at tumikhim bago ipagpatuloy ang kaniyang ginagawa.
Hindi ko na talaga alam kung anong klaseng trip ang mayroon siya dahil naiirita na ako. Hindi lang naman ito ang unang beses na tinatawag niya ako sa office niya. Kung tutuusin ay ilang beses na pero hindi ko pa rin talaga maiwasang mainis. Kung hindi ko lang siya boss, baka kanina ko pa siya namura.
“Sir, permission to leave.” Narinig ko naman siyang bumulong pagkatapos kong sabihin iyon ngunit hindi ko naman maintindihan ang sinabi niya. Napailing na lang ako sa aking isip at nagpakawala nang malalim na hininga.
“Sit, Ms. Oliveros,” he commanded. Hindi na ako nagprotesta dahil mukhang wala naman siyang balak paalisin ako sa loob ng office niya.
Naisip ko na lang maupo sa couch kung saan malayo sa kaniya nang kaunti. Hindi ko naman siya narinig magreklamo kaya isinandal ko na lang ang aking likod para naman makapag-relax ako kahit papaano.
Hindi ko rin alam kung ilang minuto na rin ang lumipas dahil nakatulala lang ako sa kawalan. Paano ba naman kasi ako magtatrabaho kung nandito ako sa office niya? Nababagot ako. Wala ba siyang iuutos?
Sa aking pagrereklamo sa aking isip ay narinig ko siyang tumikhim upang kunin ang aking atensiyon. Naiinis pa rin ako sa kaniya. Bakit ba hindi na lang niya ako hayaang magtrabaho nang mapayapa? Kinuha pa kasi niya akong secretary kung wala naman pala akong gagawin. Oo nga at may suweldo ako pero hindi naman iyon puwede. Ang laki pa man din ng sahod ko buwan-buwan.
May pinindot siyang kung ano sa kaniyang desk dahilan kung bakit kusang nag-lock ang pinto ng kaniyang office. Tumingin naman siya sa akin dahilan para kabahan ako. Kabisado ko na ang ganiyang tingin niyang nakapanghihina ng tuhod at ayaw kong bumigay sa kung ano ang ibinibigay ng mga mata niya.
Pagmamahal na may kasamang pagkasabik.
Inilihis ko ang aking mga mata at piniling tumingin na lang sa pintong naka-lock. Bahagya ko pang ipinagkrus ang aking mga braso sa aking dibdib nang maramdaman kong dumapo ang tingin niya rito. Kaya ayaw kong napupunta rito sa office niya sa oras ng trabaho. Imbis kasi na focus siya sa pagbabasa ng documents ay ako ang pinag diskitahan niya. Hindi naman porket guwapo siya ay bibigay na ako.
“Astrid,” saad niya pero nanatili lang akong nakatingin sa pinto at hindi siya tinapunan ng tingin. Bakit ko naman gagawin iyon? Ang suwerte naman niya.
Narinig kong natawa siya sa pagbabago ng timpla ng mukha ko. Marahil ay halatang nairita ang expression ko kaya siguro siya tuwang-tuwa.
“Hey,” he whispered, trying to get my attention. Ang kapal naman ng mukha ng lalaking ito dahil may pagyakap pa sa bewang ko nang makalapit sa akin.
“Tumigil ka, Kazimir!” saad ko na may diin pero ang loko, hindi nakikinig sa akin. Kung saan-saan na pumupunta ang kamay niya. Wala pa namang kami pero ganito na siya umasta. Hindi ba niya alam ang tamang way nang panliligaw ng isang babae?
“Ang bango mo talaga,” bulong nito matapos niyang isubsob ang mukha sa aking leeg.
“Alam mo, Kazimir. Kailangan na nating magtrabaho ngayon dahil kinabukasan, magkakaroon ka ng meeting—” Naramdaman kong kinagat niya nang mahina ang aking leeg na siyang nag patigil sa akin sa pag sermon. Ilang beses akong napakurap habang pilit pinapakalma ang aking sarili. Hindi ko gusto ang ganitong nararamdaman. Nandito kami sa office niya para magtrabaho hindi para gumawa ng kung ano.
“Kazimir, nakikinig ka ba sa akin?” tanong ko sa kaniya at inilapat ang mga palad ko sa magkabilaan niyang pisngi para ilayo sa akin.
Nang lingunin ko siya upang tingnan sana ay bigla na lang akong nanghina sa aking masisilayan. Ang magulong itim at straight niyang buhok, ang mediyo makapal niyang mga kilay, ang mahaba at natural curl eyelashes na sinamahan pa ng kaniyang blue eyes, matangos na ilong, maputing balat, mamula-mulang labi at sharp jaw. Hindi ko na alam kung paano ako hihinga nang maayos. Ganitong mukha ba naman ang bubungad sa iyo. Hindi ka ba manghihina?
“No,” he whispered. Pati boses niyang sobrang lalim na bumabagay sa mukha at katawan niya, hindi ko na alam kung siya ba ang favorite ni Lord. Pati kasi utak niya, perfect. Hindi ko tuloy maiwasang mainggit. Kung sana ay favorite rin ako ni Lord kaso ganda lang kasi ang ambag ko. Kung estado naman ng buhay ang usapan, aatras ako. Hindi naman ako mayaman.
Hindi ko tuloy alam kung paano ko nabingwit si Kazimir. Eh, nagkatuwaan lang naman kami noon ng mga kaibigan kong magpunta sa isang mamahaling bar para sana mag-celebrate kasi nakapagtapos kaming lahat sa college. Dahil minsan lang naman kami mag-celebrate ay naisipan na naming magpunta sa bar bilang regalo na rin sa mga sarili namin.
Hindi ko naman inaasahan na makilala ko ang isa sa mga mayamang businessman. Ang malala pa ay kinuha niya agad akong secretary niya at dinala sa condo niya. As far as I remember, wala naman akong ginawang kung ano para mahulog siya sa akin.
Nagulat na lang talaga ako noong bigla niya akong hinablot noon paglabas ko ng comfort room sa bar para lang kunin ang pangalan ko sa social media account ako.
Ako naman itong natulala na bigla na lang ibinigay. At saka lang ako nahimasmasan noong napansin ko ang nag-send ng friend request sa akin.
Kazimir Zale Monreal
“Astrid, baby. Can I kiss you?” Bigla akong nahimasmasan sa aking pag-iisip nang tawagin niya ako. Bago pa man ako magsalita ay natagpuan ko na lang ang aking sarili na tumutugon sa halik niya.