Chapter 16

1017 Words

Pagkauwi ko sa condo ni Mira ay agad bumungad sa akin ang kaniyang mukha na halos malukot na. Pakiramdam ko ay may cravings ito at hindi siya makalabas ng condo niya dahil marami ang magtataka sa pagbabago ng katawan niya. Hindi pa naman halata ang baby bump niya pero ang hubog kasi niya ay mas sexy kumpara noon. Kung tititigan nila ito nang maigi ay paniguradong maraming magtataka. “Bakit?” tanong ko kay Mira upang kunin ang kaniyang atensiyon. Ngumuso siya nang marinig ako at inilapag ang kaniyang cellphone sa kaniyang hita. Hindi pa niya nasasabi sa management niya na buntis siya pero ang kaniyang manager ay alam na ang tungkol dito. Naghihintay na lang sila ng tamang oras para masabi sa management. Napagdesisyunan din ni Linnea na sabihin kay Tita na pupunta sila ni Mira sa New Zea

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD