“My Quinn, are you done?” he asked. Nasa loob kasi ako ngayon ng bathroom dahil sabi niya ay may date raw kami pero hindi ko naman alam kung saan. It’s also his day off today— no, nag-absent pala siya dahil gusto niya raw maglaan ng oras sa akin ngayon kapalit ng pagiging busy niya ng ilang araw. Well, he’s not that busy dahil nagagawa pa rin niya akong asikasuhin whenever I need his attention pero hindi ko naman siya pinipilit bigyan ako dahil alam kong pagkatapos ng work niya ay ibibigay niya rin naman ang atensiyon niya. Sadyang hindi lang talaga siya mapakali kapag wala ako sa lugar na kung saan ay nakikita niya ako. Napatalon naman ako sa gulat nang biglang bumukas ang pinto ng bathroom. Nang tignan ko kung bakit bumukas ay pumasok pala si Van nang walang suot na damit. “Naligo ka

