“Hoy! Ikaw na babae ka! Porket nakabingwit ka ng bilyonaryo ay hindi mo na kami kinakausap,” saad ni Eisley. Kasalukuyan kaming nagvi-video call kasama ang iba pa naming kaibigan. Ngayon na lang kasi ako nagkaroon ng free time dahil naging busy ako. Ganoon din naman sila dahil may kaniya-kaniya na silang trabaho. Minsan ay maingay ang group chat namin dahil nagra-rant sila kung gaano ka-toxic ang environment. “Tama! Masiyado mo kaming kinalimutan. Masarap ba masiyado, ha?” biro ni Mira na ikinatawa naman ng dalawa naming kaibigan na sina Eisley at Linnea. “Sira! Ano ba ang akala niyo sa akin? Tuyong-tuyo?” Napahagalpak ng tawa si Eisley sa sinabi ko habang ang dalawa naman ay minura ako. Hindi naman porket nahulog sa akin si Kazimir ay hayok na hayok ako sa ganoong klaseng tao? Hindi ba

