Pagkarating namin sa venue ay nagsimula na ang sound checking nila. Walang masiyadong design ang stage dahil mamayang gabi pa nila ito gagamitin. Siguro ay dahil alam nilang maayos naman na ang screen sa kanilang likod kaya hindi na nila ito binuksan o tinangkang gamitin pa dahil sound checking lang naman ang magaganap. Kumbaga iyong mic lang nila, set up ng kanilang mga instruments at earpiece nila ang tinitignan nila kung maayos na ba. Tanaw na tanaw ko ang mga miyembro ng M.C.A.R. sa puwesto namin dahil nasa VIP seat kami. Minsan ay napapatingin sila sa puwesto namin dahil nandito si Van at iba pa niyang kaibigan. Hindi ako pamilyar sa ilan pero sa kaliwang bahagi ni Van ay nandoon si Lance. Nakikipag-usap ito kay Van maging ang ibang kasama nila pero ibang lenggwahe na naman ang gin

