KABANATA 14

2365 Words
Keira's Point of View MANGIYAK-ngiyak akong pumasok sa loob ng classroom na walang katao-tao— masyado pa kasing maaga para pumasok ang mga estudyante. Ganon pa man ay pinili kong agahan para hindi nila ako maabutan sa Mansyon. Sinabihan ko na ang mga maid na wag sasabihing umalis na ako hangga't hindi sila nag tatanong. Dalawang oras akong maaga kesa sa usual time na pumapasok ang mga students pero may mga onting studyante na rin sa school. Tingin ko ay sila yung mga tambay sa library. Ipinatong ko ang mga gamit ko sa upuan ko saka ako marahang umupo. Inihiga ko ang ulo ko sa armchair saka tumingin sa kawalan. Mabigat pa rin ang pakiramdam ko dahil sa nangyari kagabi. Ni-hindi man lang nila ako pinakinggan. Ang sasakit pa ng mga salitang binitawan nilang lahat. -- Halos kalahating oras na akong mag-isa sa loob ng classroom. Damang-dama ko ang daloy ng ihip ng hangin na nagmumula sa bintanang binuksan ko. Pinatay ko kasi ang air-con dahil ako lang naman mag-isa. Pinakiramdaman ko ang tahimik na paligid at mariin akong pumikit. Sa palagay ko ay matagal na nung last na natahimik ang buhay ko. Pagkadating kasi namin sa Pilipinas dumami na agad ang problema ko. Binulabog nila ang nananahimik kong kaluluwa. Lalo na si Toph. Nagtiwala ako kay Topher, binigay ko ang pagkababae ko sa kanya dahil sa init na naramdaman ko. Hindi ko alam kung bakit tuwing siya ang kaharap ko ay hindi ko makontrol ang sarili ko. Nag uumapaw ang nararamdaman ng puso ko, iniisip ko rin na baka infatuation lang ang nararamdaman ko. Gusto kong sisihin ang sarili ko dahil binigay ko sa kanya ang dapat na hindi. Akala ko kasi papanindigan niya ako. "Hmm...you're too early today," sabi ng kung sino, nag taas ako ng tingin at bumungad naman ang nakangising mukha ni Logan. "Good morning, sweetie." Iniahon ko ang aking ulo mula sa pagkakahiga sa armchair ko at hinarap siya. Ngumiti ako pabalik. "Ang aga mo. Ganitong oras ka ba palaging napasok?" pag tatanong ko at tumango-tango naman siya. "Oo, I'm always this early. Ikaw, bakit ang aga mo ngayon?" he asked curiously. Umupo siya sa kaharap na upuan ko at hinintay ang sagot ko ngunit di ako umimik. "Is there something wrong?" Umiling ako ng ilang beses. "You don't have to know." "Of course I have to, you're my wife, remember?" panunukso niya at natawa naman ako ng mahina rito. "Well, I don't know– how should I start it?" hindi ko malaman kung saan uumpisahan ang paliwanag ko. "I-i don't know...I'm sorry," "It's okay kung nag he-hesitate ka ishare sa 'kin, it's not your fault that you don't trust someone you just met." hinawakan niya ang kamay ko saka agad rin itong binawi at ibinulsa. Natahimik ako kaya naman namayani ang katahimikan sa loob ng classroom na agad din binasag ni Logan. Ginawaran niya ako ng kamay na ipinagtaka ko kaya naman matipid siyang ngumiti. "Let's go, I'll take you somewhere you'll like." Hindi ko alam kung anong mahika ang ginawa niya at napapayag niya ang puso ko. Tinanggap ko ang kamay niya at sabay kaming lumabas ng classroom. Pumunta kami sa rooftop at laking gulat ko nang makitang may mga pagkain na nasa tupperware sa gilid non na nakapatong sa tela na ginagamit kapag mag pipicnic. "What are we doing here?" pagtatanong ko at pinat niya naman ang ulo ko. "We're going to eat foods. Dinala ko talaga ang mga 'yan para sa 'yo," ngiti niya ng malawak. "Logan, you don't have to–" "I know. But I want to." Napako ang mga mata namin sa isa't-isa. Ang weird niya, kagabi lang naman kami nakapag-usap dalawa kaya bakit parang matagal niya na akong kilala? Habang kumakain kami ay hindi ko naiwasang magtanong. "Bakit mo ba ginagawa 'to?" puno ng marshmallows ang bunganga kong tanong sa kanya. Kinuha niya ang kutsara na puno ng chocolate at sinubo itong lahat. "Because I want to get to know you more." sagot niya habang kumakain. "But why?" "Because you're different." sagot niya at tumingin ng diretso sa mata ko. "And I...I want to be your friend, because you're perfect. You're my type." "Eh bakit hindi mo ako idate kung type mo pala ako?" sarkastiko kong tanong at nabulunan naman siya rito. "I can't date, I'm...I'm already going to marry someone." sagot niya dahilan para ako naman ang mabulunan. "Ano?! Masyado ka pang bata ah?!" bakas sa tono ng boses ko ang gulat sa nalaman. Hindi ako makapaniwalang ikakasal na siya. Kinuha niya ang baso ko at nilagyan ito ng tubig. "Well, it's our family tradition. I can't say no to them, or else they are going to cut my inheritance." Ganoon pala kaimportante sa kanya ang mana? I mean, hindi naman na nakakagulat dahil mayaman sila at may-ari pa nga ng isa sa mga pinaka maganda, sikat, at elite na school. Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit takot siyang mawalan ng mana? With the help of his face and intelligence for sure mahihigitan niya pa ang kikitain ng parents niya sa future. "So, you don't have a choice but to love your fiancee?" nagtunog dismayado ako na siyang ikinatawa niya. "Why do you sound so dissapointed?" tatawa-tawa niyang saad, halos mawala na ang mata niya sa pagkatawa. "I don't have to love her, ang usapan lang naman ay papakasalan ko siya. Hindi mahalin. Suwerte nalang kung mahulog ang loob ko sa kanya someday," "Do you know who she is?" I asked. He looked at me straight in the eye and he let out a deep breath. "I can't tell you who she is, it's a secret until the wedding." "Alright then," Sandali kaming binalot ng katahimikan na agad ko namang binasag ng isa pang tanong. "Tungkol sa sinabi mo kanina..." pag-umpisa ko at umiling naman siya, naghihintay ng sunod kong sasabihin. "You said i'm your type..." "U-huh," tumango-tango siya. "What do you think type of person I am?" I asked him curiously. "Don't get me wrong, I just want to know if someone would like me too just like how you did." "Uhmm...Do you have someone in your mind right now?" balik na tanong niya naman sa 'kin. "A question shouldn't be answered by another question, Logan." masungit kong tugon na pinaningkitan niya lang. "Actually–" naputol ng isang tao ang sasabihin niya nang lumapit ito sa gawi namin. "Hanggang ngayon ba umaaligid ka pa rin sa kapatid namin?!" nagulat kami nang hablutin ni Topher ang kuwelyo ng polo ni Logan. "Bro, stop it." pagpigil sa kanya ni Chase. "...don't make a scene here, Topher. Banatan mo sa labas." "Chase!" pabulong kong suway sa kanya. "Listen, Dean's grandson." seryosong baling ni Topher kay Logan. "One more time I saw you with my sister, I'm going to shoot your fvcking head." "Wow, that's very scary, Mr. Garcia." sarkastiko ang pagkaka sagot ni Logan. Nakangisi niyang tinapik ang balikat ni Toph. "Don't tell me what to do, I'm not one of your stupid puppets." Nag mistulang magbubuga ng mainit na apoy si Topher na agad ko namang inawat sa pamamagitan ng pagkaladkad sa kanya pababa ng rooftop at sinundan naman kami ni Chase. Nang makababa na kami ay agad ko siyang hinarap. "What the hell are you doing here this early?" nakapamewang kong tanong. Tumawa siya ng mapakla. "Diba dapat ikaw ang tinatanong ko nyan? Bakit hindi ka sumabay sa 'min?" hindi naaalis ang tingin niya sa mga mata ko. "I'll leave you guys alone," paningit ni Chase saka naglakad paalis sa gawi namin. Nang kami nalang ang matira ay hindi ko maiwasang mapaiwas ng tingin sa umaapoy niyang mga mata. Hindi ko siya kayang titigan. Ilang minuto na kaming nasa puwestong iyon pero hindi siya nag-abalang mag salita kaya naman hahakbang na sana ako paalis, ngunit pinigilan ako ng kamay niya. "A-ano pa bang kailangan mo sa 'kin?" masungit kong tugon sa naging aksyon niya. Sandali siyang natahimik dahilan para mapabuntong-hininga ako. Hinilot ko ang sintido ko saka siya hinarap. "Sagutin mo nga ako, Toph. Ano pa ba ang kailangan niyo sa 'kin? Hindi pa ba enough yung mga pinagsasasabi niyo sa 'kin kagabi? May balak ka pa bang dagdagan?" sunod-sunod kong sabi na halatang nagpainit sa ulo niya. "Kung ganon, edi go! Sigawan mo ako ulit, sabihin mong malandi ako! Pero kung inaasahan mong mapapatawad pa kita matapos ng lahat, pwes hindi–" Namalayan kong idinampi niya ang kanyang malambot na labi sa 'king labi dahilan para manlaki ang mata ko. Mabilis akong kumalas roon at malakas na idinampi sa pisngi niya ang palad ko. "What the fuc–" napahawak siya sa parte ng pisngi niyang sinampal ko. "Why did you slap me? Baliw kana ba?" saad niya. "Ikaw ang baliw! Bakit mo 'ko hinalikan ha?!" bahagya ko siyang tinulak at tinaasan niya naman ako ng kilay. "So what? As if I haven't seen your whole body yet." ngisi niya, proud na proud pa ang mokong. 'Hindi siya nakakatuwa, baka kung sino pa ang makarinig!' "Hoy matandang lalaki, itape kaya natin 'yang bibig mo? Kalat ng lumalabas sa bunganga mo eh." He squeezed my cheeks. "Calm down, Miss. I wonder why ang lakas-lakas ng boses mo pero ang liit mo naman." pangangasar niya. 'Aba aba! Loko-loko pala 'to eh! Anong maliit! Matangkad lang siya!' Tinaas ko ang kilay ko saka umirap sa kanya. "Masaya kana nyan?" Tumawa lang siya ng nakakaloko na pinagtaka ko naman. Lagpas na siguro siya sa due date nung nilabas sa tiyan ni Tita Elisse, parang may sayad eh. "I'll go ahead," hinaplos niya ang buhok ko saka humakbang paalis. "Take care, Miss. Wag ka nang lumapit pa kay Logan, he's nothing but a coward." pahabol niya pa. Ganon nalang siguro ang galit niya kay Logan, balak pang hamunin ng away kanina. Ano ba kasing problema nila sa isa't-isa? Paalis na sana ako nang bigla kong makita si Logan na nakasilip sa may bintana sa pwesto kung saan kami nag-usap kanina ni Topher. "Coward huh?" tatawa-tawa niyang sabi habang nakapamulsa. Ikinaway niya ang kanang kamay nang makitang nakatingin ako sa kanya. "Hey there, sweetie." 'What the– narinig niya ba yung tungkol sa–' "K-kanina ka pa ba d'yan?" napapalunok kong tanong at marahan naman siyang tumango. "Yes, I enjoyed your conversation." he replied with a smirk. "So, narinig mo yung–" "You don't have to worry," ngisi niya. "I'm a great secret keeper." Nakakaloko siyang kumindat saka ako tinalikuran. "I'll see you later, sweetie. Breathe some fresh air." nakatalikod niyang winagayway ang kanang kamay niya sa ere para mag paalam sa 'kin. Eerah's Point of View Napaaga kami ng pasok nang malaman namin sa mga kasama sa bahay na maagang umalis si Ate Keira. Pagkagising ko kasi ay chineck ko agad ang kwarto niya kaya nalaman ko agad na maaga siyang pumasok. Habang hinihintay namin sila Kuya Topher at Son Goku ay tumambay muna kami nila Nathan at Ethan sa playground. Pinagtitinginan na kami ng ibang mga estudyante pero tila wala lang iyon kanila Nathan kung umasta sila. Nabigla ako nang hawakan ni Nathan ang kamay ko. Inilagay niya ang isang piraso ng plastic na singsing sa palad ko na ikinagulat ko naman. Binigyan niya ako ng nagtatakang tingin nang makita ang reaksyon ko. Pilit akong ngumiti. "P-para s-saan naman 'to?" nauutal kong tanong sa kanya. Sandali siyang suminghap ng malalim na hangin saka ako sinagot. "Nakita ko sa daan," "H-huh?" "Ayaw mo ba? Akin na!" umasta siyang babawiin ang singsing ngunit mabilis ko itong sinuot kaya natigilan siya. "Ang cheap, pero ang sweet mo ah?" pilit kong tinago ang malaking ngiting gustong ipakita ng labi ko. Hay nako, Nathan, kung alam mo lang kung gaano ako kahirap na pigilan ang sarili ko na tumili sa kilig. Feeling ko anytime mawawasak ang dibdib ko sa sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko ngayon eh. "Hoy, ano yan ha?" agad na lumapit sa gawi namin si Ethan at umakbay sa 'kin. "Anong ginagawa niyo?" Sinubukan kong alisin ang pagkakaakbay niya ngunit masyadong mabigat ang braso niya. "Hoy Ethan, ang bigat ng braso mo!" sabi ko na tinawanan niya lang. Ilang minuto na kaming naghihintay pero wala pa rin sila Kuya Topher kaya naman nag presenta na si Ethan na sundan sila habang si Nathan naman ay umalis saglit para magpasa ng requirements sa guro niya. Tahimik akong naghintay sa may duyan habang tinitignan ang ganda ng paligid nang may biglang humila sa buhok ko. "Who the hell do you think you are?" asik ng babaeng hila-hila ang buhok ko. Hindi ako makalingon nang maayos ngunit naaninag kong tatlo silang babae. "S-sino ba kayo? A-ano bang problema– aray!" Sinampal ako ng isa pang babae dahilan para mapahawak ako sa pisngi ko. Ano bang problema ng mga babaeng 'to? Wala naman akong ginawang masama para gawin nila sa 'kin 'to ah?! "Malandi ka! Lubayan mo si Chase! Stop flirting with my man!" dagdag pa ng babaeng kulot ang buhok. "S-sino ba kasi kayo? Anong mga pinagsasasabi niyo?" naiiyak kong tanong at mas lalo naman silang nainis dahil rito. Nang sa wakas ay bitawan nila ang buhok ko ay nadapa ako sa lupa. Hinablot ng babaeng maikli ang buhok ang necktie ko. "Leave my man, freak. Hindi namin alam kung saang lupalok ka nanggaling kaya hindi mo kami kilala. Pero hindi mo kami gugustuhing makalaban." banta niya na mas lalong nagpanginig sa 'kin. Susubukan ko na sanang tumakas pero nahuli ako ng isang pamilyar na babae. Siya iyong Penelope. May kung anong nagbigay sa 'kin ng pag-asa nang makita ko siya. Akala ko ay ililigtas niya ako ngunit doon ako nagkamali. "Tulungan m-mo ako, pinagtutulungan nila ako..." pag susumbong ko at ngumisi naman siya. Tinulak niya ako saka ako napadapang muli. "I'm sorry to disappoint you, honey. But I hate people who act like they own someone that I originally own." Inapakan niya ang uniform ko dahilan para madumihan ito saka siya may kinuhang kung ano sa bag niya. Saka ko lamang nalaman kung ano iyon nang simulan niya nang guntingin ang buhok ko. "That's what you get when you're–" "Take your hands off her, lady!" To be continued. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD