Eerah's Point of View
NANGHIHINA man ako ay hindi ko maiwasang mapatingala at silipin kung sino ang taong nagsalita. Tingin ko kilala siya sa school dahil napatigil niya ang mga bruha sa pag to-torture sa 'kin.
"Kalix, y-youre back?" nauutal na usal ni Penelope. Hindi siya makatingin nang diretso sa lalaking kaharap.
May kakaibang awra ang lalaking ito. Matangkad lang naman siya at mukhang patpatin pero bakit ba ang lakas ng dating niya?
Tinanggal ng lalaki ang kanyang salamin saka ito ikinabit sa polo shirt niya at hinarap ang tatlong babae. "Alis na, baka kung sino pa ang makakita sa inyo."
Maka-ilang beses akong napapikit nang dahil sa sinabi niya. Sinunod siya nila Penelope saka matulin na nawala sa paningin ko.
Ilang minuto pa ang lumipas at nabaling naman sa 'kin ang atensyon ng lalaki. Inilahad niya ang kamay niya sa 'kin at tinulungan akong tumayo.
Ramdam ko ang lambot ng kamay niya at ang sweetness ng pabango niya, bago ito sa 'kin. Halos lahat ng lalaki na kilala ko ay matatapang ang pabango, ano't parang candy ang amoy niya?
Nang tuluyan akong makatayo ay pinagpag ko ang dumi sa aking damit at agad niya naman akong pinaningkitan.
"Binubully kana nila, bakit hindi ka lumaban?" kunot-noong tanong niya at napanguso naman ako.
"Hindi naman kasi ako war freak tulad nila. Hinding-hindi ako mang-aaway ng babae nang dahil lang sa isang lalaki, hindi ako makakapayag na ibaba ang dignidad ko para sa kanila." pag sagot ko sa tanong niya.
Bahagya siyang tumawa na ipinagtaka ko. May kinuha siyang kung ano sa bulsa niya saka ito iniabot sa palad ko.
Isa iyong panyo na may nakaburdang pangalan. "TKM"
"Use this," tinanggap ko ang panyo. "You look like a mess, may extra shirt ka ba sa locker mo?"
Umiling ako. "Wala eh. Hindi ko naman kasi inexpect na mangyayari sa 'kin 'to."
Ngumiti lang siya saka umastang nag-iisip. "Uh-huh! As far as I can remember, they have extra shirts at the clinic. Kung gusto mo, I can go with you, baka balikan ka ng mga 'yon eh."
Hindi ko alam kung bakit ang bait niya sakin, pero pumayag pa rin ako na samahan niya. Natatakot din kasi ako na baka nga balikan ulit ako ng mga 'yon.
Nang makapunta kami sa clinic ay si Kalix ang nakisuyo ng t-shirt, bumili na rin siya ng sanitary napkins just in case kailanganin ko raw.
Nang matapos akong magbihis at magpunas ng dumi sa katawan na dulot ng mga kampon ni Penelope ay agad akong lumabas ng female's comfort room. Wala na roon si Kalix kaya bigla akong nagtaka.
Hinanap ng mga mata ko si Kalix ngunit wala talaga siya sa paligid. Aalis na sana ako nang bigla akong lapitan ng isang janitor.
Malaking ngiti ang iginawad nito sa 'kin. "Pinapasabi po ni Sir Kalix wag niyo na raw po siya hanapin, may klase pa ho raw siya."
Hindi na ako nakaimik pa saka tinanguan ang janitor at umalis na roon. Hindi manlang siya personal na nag paalam sa 'kin. Hindi naman yata tama iyon.
Ilang oras na ang lumipas at ilang klase na rin ang naganap. Lunch break na namin pero hindi siya nagpakita.
Kinalabit ako ni Ate Keira dahilan para magtaka ako. "Is there any problem? Kanina pa iba ang kinikilos mo ah?" takang-tanong niya.
Umiling ako. "Wala po, ate. CR lang ako ha? Hanapin mo nalang yung table nila Kuya Topher."
Mukhang nag aalinlangan pa siya ngunit sinunod niya ang sinabi ko. Umupo siya sa may table na madalas ay inuupuan ng apat na magkakapatid, wala pa rin sila, siguro ay nasa kanya-kanya pa nilang classrooms.
Patuloy kong hinanap ang lalaking iyon sa paligid. Bumalik ako sa mismong pwesto namin sa playground at comfort room pero hindi ko siya nakita roon.
Habang pabalik ako sa canteen ay hindi ko inaasahang makikita siya ng mga mata ko. Mayroon siyang kasamang babae.
Maingat kong sinilip ang bahaging iyon ng isang classroom. Nakaupo sa teacher's table ang babae habang nakatayo naman sa harapan niya si Kalix. Nakakapit ang dalawang braso ng babae sa leeg ni Kalix at sabay na gumagalaw ang mga katawan nila.
Nanlaki ang mga mata ko nang dahil doon at hindi ko inexpect na mapapaatras ako dahilan para masagi ko ang isang vase na nakapatong sa maliit na table malapit sa pinto.
Nang dahil sa nangyari ay naagaw ko ang atensyon nilang dalawa. Nagkasalubong ang mga mata namin ni Kalix at napaayos naman siya ng damit at umastang lalapit sana sa 'kin ngunit mabilis akong tumakbo paalis doon.
'Susmiyo! Hindi ako makapaniwala sa nakita ko, hindi ko inexpect na ganong klase ng tao si Kalix.'
Nang makabalik ako sa table namin ay hindi ako makaimik. Natrauma ata ako sa nakita ko kanina. Hindi ko lang magets ay bakit parang kumirot ang puso ko?
Keira's Point of View
Habang hinihintay naming bumalik si Eerah ay gumilid ako sa kabilang dulo ng table kung saan ang likod ay tanging pader na lamang.
Ang buong canteen ay napupuno ng mga sosyalin na mga studyante. Naghahalo ang matatapang at matatamis nilang pabango sa paligid.
Sari-saring ingay ang maririnig, at kahit hindi mo balingan ng tingin ay malalaman mo agad na pinanganak silang may gintong kutsara dahil sa ganda ng mga accent ng mga ito.
Ilang minuto pa akong naghintay at unang dumating si Ethan. Umupo siya sa left side ng table at si Nathan naman ay naupo sa right side ng table.
Hindi mapakali ang bunganga ni Ethan at dumaldal na naman. "Free ba kayo bukas? Holiday naman eh, bar tayo." bulong niya na sakto para kaming tatlo lang ang makarinig.
"Ano bang sinasabi mo d'yan?" irap ko, ininom ko ang tubig sa basong hawak ko saka mahinhing pinunasan ng tissue ang bibig ko at hinarap siya. "Hindi tayo papayagan ni Daddy at Tita Elisse."
Ngumisi siya ng nakakaloko. "Who said we're going to tell them?"
Sabi ko na eh, hindi talaga tumino kahit isang araw ang batang 'to.
"Ethan, you're insane." irap ni Nathan sa kanya. "I'm not free tomorrow, I have a lot of things to do."
Sabay non ay nagsi-datingan na sila Toph at Chase. Umupo si Chase sa tabi ni Nathan, habang si Topher naman ay nanatiling nakatayo. Ayaw na ayaw niyang pinagtitinginan ng mga nasa ibang table at tanging tabi ko at tabi ni Ethan nalang ang natitira. Sa tabi ni Ethan, expose na expose ang uupo dahil walang kahit anong pader na haharang dito.
Bahagya akong nagulat nang maupo siya sa tabi ko. Kakaiba parin talaga ang nararamdaman ko sa kanya. Feeling ko mas lalo akong lumalakas pag nakikita ko siya.
"So, what are you guys talking about?" tanong ni Topher sa mga kapatid habang sumesenyas sa tindera ng canteen.
Isa-isang inilapag ng tindera ang mga pagkain sa lamesa na mukhang inorder nila kanina.
Bahagyang inilapit ni Ethan ang ulo niya kay Topher saka bumulong. "Pinag-uusapan namin kung pwede ba tayong lahat bukas."
"Oh, anong meron? Bakit?" tanong naman ni Chase na tila sobrang interesado. Kumikindat pa siya sa mga babaeng dumadaan, kadiri.
"Pupunta tayong bar," saad ni Ethan.
"Ethan Joshua," may awtoridad ang tono ni Toph habang hinihilot ang sintido niya.
"Sige na, tanda. Holiday naman eh," ngumuso si Ethan. "Please, ang tagal na nating hindi pumupunta ron. Stress na stress ako sa acads these days, kailangan ko ng stress reliever."
Mukhang hindi natutuwa si Topher. Hindi niya iyon pinansin at kumain na lamang, pero sadyang pinaglihi sa kakulitan si Ethan.
"Ethan! I can't, okay? I'm busy. Kung gusto niyo, kayo nalang." napupunong sagot ni Topher sa kapatid.
Nagtatampong ngumuso si Ethan saka bumaling sa 'kin. "Eh ikaw, Keira, sasama ka ba?"
Nabigla ako hindi dahil sa tanong niyang iyon ngunit dahil mabilis akong nilingon ni Toph na para bang naghihintay ng sagot.
Tumango ako. "Mhmm, wala naman akong masyadong ginagawa eh. Kaya sige, sasama ako."
Animo'y nanalo sa lotto at tuwang-tuwa ang isip-bata na si Ethan.
Dumating na ang oras ng uwian at nakatanggap ng text si Ethan mula kay Tita Elisse.
"May swimming daw tayo bukas."
"So, hindi tayo tuloy sa bar?" malungkot na ani Chase. "Sayang naman."
"Tara, umuwi na tayo." pagyaya sa 'min ni Topher.
Habang naglalakad ay biglang nagsalita si Nathan na nagpatigil sa 'min. "Eh kung ngayon kaya tayo pumunta sa bar?"
---
Hindi ko alam kung bakit pero mukhang tinamaan ng bait si Topher at pumayag na sumama sa 'min. Si Eerah naman ay sanggang-dikit kay Chase, naiilang raw kasi siya dahil sobrang daming tao.
"Oh, since we're already here, let's all have fun." usal ni Ethan. "Wag niyo munang iisipin ang mga problema niyo, magpakasaya kayo hanggang kaya niyo. Kalimutan ang problems!" kumuha siya ng baso ng alak at nakipag cheers kay Chase.
Ang kanina pang lasing na si Chase ay umalis sa table namin at nagsayaw ng iba't-ibang babae. Amoy na amoy ang alak sa buong paligid at sobrang lakas ng tugtog.
Napatingin ako sa paligid at tanging ako, si Eerah at Nathan na lamang ang nasa table namin. Sa sobrang busy ko sa pagtingin sa direksyon nila Chase ay hindi ko napansing umalis si Topher.
Nilapitan ko ang kanina pang balisa na si Eerah. "Ayos ka lang?"
Marahan siyang tumango at pilit na ngumiti. "O-opo, magpakasaya kana roon ate. A-ayos lang naman ako dito."
Tumingin ako kay Nathan at mukha namang nakuha niya agad ang pinapahiwatig ko. "Don't worry, I'll take care of her. I won't drink."
Nginitian ko siya saka hinanap sa paligid si Topher. Nakita ko siyang nakasandal sa pader habang nainom ng alak sa maliit na babasaging baso.
Nagtama ang mata naming dalawa at agad naman akong napaiwas ng tingin. Umupo ako sa may harapan ng bartender at binigyan niya naman ako ng baso ng alak.
Ipinag-cross ko ang mga kamay ko ngunit ngumiti siya. "Don't worry, it's on the house."
Tumango na lamang ako at kinuha iyon saka nilagok ang laman nito. Ang pait! Why does it taste like that?
Naka-ilang dagdag sa baso ko ang bartender na hindi ko naman matanggihan dahil sabi niya ay libre naman ito.
Nagsimula nang umikot ang paligid sa paningin ko ngunit sinikap ko paring tumayo ngunit natumba parin ako.
May lumapit na lalaki sakin upang mag offer ng tulong ngunit agad naman itong hinawi ng kung sino. "Stay away from my sister."
'Oh, si Topher lang pala.'
Muling nag salubong ang mga mata namin, ngunit ngayon ay walang nag-iwas ng tingin. Mas matapang lang siguro ako ngayon dahil sa dami nang nainom kong alak.
Unti-unti kong naramdaman ang palad ni Topher sa parteng bahagi ng hita ko. Napatingin ako sa labi niya at kinagat niya naman ito.
"You're so hot, Keira." saad niya.
Ipinatong ko ang dalawa kong kamay sa leeg niya saka tinitigan siya ng nakakaloko. "I've missed this."
To be continued. . .