One Month Later I started to do sound checks when I saw Chad. Nasa Bride's hall na si Kendra at nagbibihis habang ang lahat ay abala sa pag-aasikaso ng mga upuan at ng stage. Ang iba nama'y staff ng Catering service na pag-aari nila Sol at nagse-set-up na din ng buffet tables sa gilid. Ang gwapo ni Chad sa suot niyang puting tuxedo mukhang excited talaga siyang ikasal kasi may dalawang oras pa bago ang seremonyas ay nakabihis na siya. Buhok na lang yata niya ang kailangang ayusin. Ang ganda pa ng ngiti niya nang lapitan ako. "Nagsisisi ka ng pinakawalan mo 'ko?" he asked playfully. Ilang beses na ba niya akong biniro ng ganoon, mag-nobyo pa lang sila ni Kendra. Sa tuwing susunduin siya ng girlfriend niya sa practice, palagi niya akong tinatanong ng ganoon. I snorted. "Sana, okay ka. Si

