Epilogue
Kianne’s POV. January 2023
I was busy memorizing my lyrics while my team is giving all their effort to prepare for our Manila Tour. Ang dami na kasing tao sa labas They are all excited to see us.
Ang laki ng banner sa labas ng concert hall.
Welcome back to Manila, Paroxysm.
Napangiti na naman ako nang maalala ko ang magulong labas ng arena kanina bago ako palihim na pumasok dito sa dressing room. Everyone wears outfits like us. Ang style ko ang ginagaya ng mga babae at ang mga kabanda ko naman ang inspirasyon ng iba. Hindi ito ang pinangarap ko noon ngunit mukhang mas sikat na kami ngayon kaysa sa mga naging plano namin noon bilang banda.
It was a comeback concert after four years.
Ganoon na pala katagal kaming lumilibot sa buong mundo. Akalain mo 'yon? Sa sobrang abala ko sa career ko, hindi ko na din namalayan na tumakbo ng ganoon kabilis ang panahon. Kaliwa't kanang shows, pictorials at guesting.
Parang dati lang, nababaliw lang ako sa gitara at sa pagsulat ng kanta. Ngayon, isa na kami sa pinipilahang banda sa buong mundo.
But it was never an easy journey.
Ang dami kong isinakripisyo.
Ang dami kong tinalikuran.
Kasama na duon ang lalaking kaisa-isa kong minahal at ang lalaking una at huli kong pag-ibig. Yuck. Corny, 'no? Nakakadiring pakinggan lalo na kung pati sila Sol maririnig akong nagsesentimiento na naman ng ganito dahil sa ex kong chef na ngayon. Nasaan na nga kaya siya?
“Kianne, in five minutes, the show will start.” Paalala ng floor director. Si Ali. Tumango ako saka humuling-sulyap sa repleksyon ko sa salamin.
Palagi na lang akong kinakabahan tuwing concert. Siguro dinibdib ko lang ang palaging sinasabi ng manager namin na dapat kapag nagpe-perform, ituring kong iyon ang una para hindi kami maging relax at maging over-confident. Nag-work naman ang sinabi niya. Kaya lang, kakaiba ang kabog ng dibdib ko ngayon.
“All good?” napalingon ako kay Chad nang lumapit siya sa akin. Akala ko, hindi ko na makikita ang ngiti niyang iyon pagkatapos ng lahat ng nangyari.
I simply nodded.
"Mabuti naman. Now, rock that stage with us. Welcome back to Manila." His words were really comforting.
Mapait nga lang talaga ang ngiting ibinalik ko sa kanya.
How can he be so cool with this?
Dahil ba naka-move on na siya at ako, hindi?
Hay, moving on. Kailan mo ba ako kakaibiganin?
Pagkatapos ni Chad, dumagsa na din ang tatlong itlog naming tropa. Kami ang Paroxysm, and we have been banging the whole world with our music since 2012.
Kung tinalikuran ko siguro ang grupo na ito kagaya ng gusto ni Tristan four years ago, baka nagsisi ako. Our achievements are the most wonderful thing happened to me. Pero aaminin kong malungkot sa tuktok. Kasi habang mahal ka ng lahat, 'yung nag-iisang taong pinangarap mo noon na ibigin ka, iba na ang kasama sa mga panahong pinagkakaguluhan ka ng fans.
Hindi lang ako pala-post sa Twitter kagaya ng ibang celebrity pero shet. Masaket. Lalo na noong makita kong lahat ng pinangarap niyang puntahan naming dalawa, nalibot na nila ng babaeng 'yon.
Hindi ko naman siya masisi. Pinili ko iyon.
Ito ang pinili ko.
Masayang tugtugan, hiyawan ng fans, nakakapagod na head bang, epic na guitar exhibition at high fives. Madalas na album signing, song recording, music awards and events at kung anu-ano pang pwedeng gawin at ipagawa sa amin bilang isang banda.
Sa totoo lang, sa una lang pala masaya.
Dahil habang napapalapit ka sa mga tao, napapalayo ka naman sa mga taong mahalaga talaga sa’yo.
“Ate Kianne! Ate Kianne!” Namumukod tangi ang boses na iyon sa crowd. Patapos pa lang ang pangatlo naming kanta nang marinig ko ang babaeng 'yon.
Natapos ang pangatlong kanta at bumati si Red sa lahat. Siya ang bassist namin. Nabaliw ang mga tao dahil sa gwapo niya. Wala akong kilalang babae na hindi siya ang unang napapansin sa banda namin.
“Salamat sa pagpunta, Manila!” sigaw niya. The crowd went wild kaya nawala na ang boses ng babaeng tumatawag sa akin kanina. “Alam niyo... Hindi namin inaasahan na pagkatapos ng apat na taon, ganito niyo pa rin kami kamahal. Salamat!”
Nagsigawan na naman ang mga tao. Idinikit ni Red ang daliri sa labi niya para patahimikin ang crowd dahil may sasabihin pa sana siya nang bigla na namang sumigaw ang babae. “Ate Kianne!” mas lumakas ang tili niya na pati si Red ay napansin na.
“Oh, Kianne, ‘yung kapatid mo tinatawag ka!”
Napangiti ako. Baka kasi fan lang iyon dahil wala naman akong kapatid sa Pilipinas. Sinubukan kong hanapin siya sa crowd at mula sa VIP section, may naaninag akong pamilyar na mukha.
"Ate Kianne! Please! Notice me!"
Sinaway siya ng mga ushers pero hindi siya nagpaawat.
"Ate, please!" Nakita kong nilapitan na siya ni Donna, ang assistant ko. At sa pagkakataong iyon, nasiguro ko na kung sino ang babaeng iyon. Si Mia.
Nagpalusot na lang ako at kumaway sa mas maraming tao para hindi na siya pagtuunan ng pansin.
Pagkatapos ng ilan pang kanta, nagkaroon ako ng pagkakataon na magpunta sa backstage.
“Donna, si Mia ba 'yon?” I still asked though I am already 100% sure.
“Oo. Kakilala mo ba 'yung batang 'yon? Ang kulit niya. Ibinigay niya 'to. Tawagan mo daw siya.” Naiinis na sabi ni Donna saka siya may iniabot na papel sa akin.
“Okay. Salamat. Balikan mo siya. Sabihin mo, tatawag ako. Ha?”
“Sige. Sige. Basta tapusin mo ng maayos ang concert. No distractions.”
Tumango ako.
I did what she asked me to do.
Kaya pagkatapos ng concert, nagawa kong magamit ang cellphone ko.
Nakahinga ako ng maluwag nang sagutin niya agad iyon.
“Ate? Ate Kianne, ikaw na ba ‘to?” nasa boses niya ang frustration na may kalakip na tuwa nang maisip pa lang na baka ako nga ang tumawag.
“Yes. Ako nga. Mia, ano’ng problema?”
“Ate. Mabuti naman at nakontak na din kita!”
“Sorry, medyo ang dami kasing ginagawa.”
“Alam ko po.” Sa tunog sa background niya, ang hula ko’y nasa labas pa siya ng Arena.
“Bakit gusto mo akong makausap?”
“Ate, please. Help me.” Halata sa boses niya ang desperasyon.
Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Sana naman walang nangyaring masama sa Kuya niya kasi baka hindi ko na din siya matiis. Baka sa hinaba-haba ng diskusyon, at pag-aaway namin ni Tristan, ako din pala ang titiklop. Ayoko nu’n. At hindi pwedeng mangyari ‘yon!
Ilang beses na ba akong nag-adjust? Hindi ko na gagawin ulit ‘yon.
“Paano ba kita matutulungan?”
“Si Kuya, napipilitan siyang magpakasal kay Helga. Hindi mo siya pwedeng hayaang magpakasal sa babaeng 'yon! Kailangan mo siyang makausap, Ate. Ikaw pa rin ang mahal ni Kuya. Maniwala ka sa akin. Kaya bawiin mo siya. Ate, please... I can't let my brother marry the wrong girl.”
“Kung gusto niya si Helga, bakit mo siya pipigilan? Saka, kuya mo lang ang makakapagsabi kung maling babae ba yu—”
“Nakikinig ka ba sa akin, Ate? Hindi niya nga mahal si Helga. If you will come with me. I can prove it to you.”
Kilala ko si Mia, baby pa lang siya stubborn na siya tulad ng Kuya niya. At kahit ayaw kong aminin, kilala ko din naman ang sarili ko. Alam kong ayaw ko ding magpakasal si Tristan sa iba hanggang hindi kami nagkaka-usap. Kung sinasabi ni Mia na ako pa rin ang mahal ng kapatid niya, I guess I don't have much option. Isa pa, ilang beses ko na bang napagtanto na mahal ko pa rin ang kuya niya? I want to get him back. I have to get him back.