One

1300 Words
April 2001  May mga bagong lipat na kapit-bahay. I just noticed a lot of boxes and a big truck outside. Nakatingin lang ako sa bintana habang masayang nakikipag-usap si Mommy sa Mommy ng mga bagong lipat sa tapat. I became excited when I saw our new neighbor's mom brought out a pretty doll from the car outside their house and hand it over to my mom, mabilis akong napatakbo pababa. I know it's for me. Wala naman akong sister, so I am sure that the doll is mine. "Mommy, akin po ba 'yan?" sigaw ko habang tumatakbo palapit sa kanila. I ran as fast as I could and just before I can reach my Mom, a bicycle hit me. Naramdaman ko agad ang sugat sa tuhod ko at binti kaya umiyak ako. Tumakbo si Mommy palapit sa akin kasama ang new pretty mommy from our new neighborhood. "Tantan! Ano ba?! Hindi ka nag-iingat!" sigaw ng new mommy. Anak niya siguro ang nakabangga sa akin pero nasa sugat ko pa rin ang atensiyon ko. It was painful. Mom picked me up. "Oh, Kianne tahan na. Remember what I told you? You are a big girl now. Don't cry." she said while drying up my tears. "Halika na bhe, ipasok mo na si Kianne dito sa bahay. Gagamutin natin. Pasensya na sa kulit ng anak ko ha?" malambing ang new mommy sa amin ni Mommy pero sumigaw ulit siya kay Tantan. "Ikaw talagang bata ka! Umuwi ka na nga! Sinasabi ko sa'yo, sisirain ko 'yang bike mo!" "Hindi ko naman sinasadya eh!" sigaw din ni Tantan. And I hate him for that. Porket hindi niya sinasadya, hindi na niya kasalanan? Ang sakit kaya?! May sugat pa ako! Sabi ni Lola, mag-a-artista ako kaya dapat maganda ang balat ko. Pero dahil sa kanya, mukhang hindi na iyon mangyayari. Malaki na ako para buhatin ni Mommy dahil eight na ako pero hindi ko talaga kayang maglakad dahil nagdudugo ang tuhod at binti ko kaya nakarating kami sa loob ng bahay nila nang buhat ako ni Mommy. "Okay lang 'yan, ganyan naman talaga ang mga bata." mommy answered smiling. Masyado kasing mabait ang Mommy ko at hindi niya kayang magalit sa mga bata. Tumahan lang ako nang gamutin na ng new mommy sa tapat ng house namin ang tuhod ko. "Sorry, Kianne. Pasaway lang talaga 'tong si Tantan." sabi niya sa akin. She's pretty and she doesn't deserve an ugly son like Tantan. He's ugly because he's rude. He sticks out his tongue to annoy me. And Lola said that it's rude doing that. Obviously, he is a brat. Umiyak na naman tuloy ako. "Inaasar mo pa? Hampasin kaya kita d'yan?" natatawang umilag siya sa Mommy niya at tumakbo paakyat. "Ilang taon na nga si Tantan, Miranda?" naka-smile na tanong ni Mommy. I think she's just being nice. "Eight. August 17, 1993. Ang alam ko, nauna lang si Kianne ng fifteen days sa kanya." "Oh yeah. And it has been eight years mula noong huli tayong magkita. Kinailangan ko kasing sa US manganak." Paliwanag ni Mommy. "Hah? Sa US ka ba nanganak? Naku, nakakatampo ka talaga ah. Hindi ka na nga tumupad sa usapan, nilayasan mo pa pala ako. Talagang sumama ka na kay Arthur noon. Ang akala ko pa naman magtatayo tayo ng negosyo sa bayan." Tristan's Mom sounded like she knew my mom even before. Are they friends? Mukha nga dahil kilala ni Tita Miranda si Daddy. "E diba nga nagpadala ako sa'yo ng sulat? Ang sabi ko, si Arthur ang nagpumilit na sa America ako manganak. Masyadong delikado ang pagbubuntis ko kay Kianne kaya hindi na siya nag-atubili nung ino-offer-an na kami ng Ninang niyang OB. Alam mo naman na matagal naming hinintay si Kianne." That's I get to live. Sa US ako ipinanganak dahil andu'n si Lola Ninang. She helped my mom care for me when I was still in her tummy. "Aysus, alam mo, mukhang hindi ko natanggap 'yang sulat mo kasi wala akong kaalam-alam. Kung hindi mo nga ako nakilala kanina noong naghahakot ako ng gamit sa labas, iisipin kong kinalimutan mo na ako." nagtatampo siya kay Mommy. "Hay naku, Miranda. Na-miss ko 'yang pagiging matampuhin mo!" my Mom laughed. "Nakakatuwa naman na magkapit-bahay na tayo ngayon. At least, hindi na ako mahihirapang hanapin ka. Balak pa naman sana kitang dalawin sa San Dionisio." "Hay, wala ng oportunidad duon! Mabuti at nagkaroon ng magandang trabaho si Neil dito sa Manila at nakalipat kami. May maliit pa ako sa taas. Natutulog. Dalawa na ang anak namin kaya, kailangan na talaga ng mas kumayod. Hindi na sapat ang buhay sa probinsya." "Ay talaga bang may isa ka pang baby? Dalhin mo mamaya sa bahay pagkagising ah! Sayang nga lang at hindi babae ang panganay mo. I remembered our plans to have girls as our first born. Anong nangyare?" "Naku, bhe. Akala ko din madadaan sa dasal. Kaya lang," bumuntong hininga si Tita Miranda habang inaayos ang bandage sa binti ko. May mga hindi ako naiintindihan sa naririnig ko pero halata na friends na sila dati pa. "Hindi talaga nadaan sa dasal. Ayan. Lalaki ang panganay ko na sobrang kulit! Nangungunsumi na nga ako, akala mo ba? Kung hindi lang talaga ako pinigilan ni Neil noon, isosoli ko talaga 'yan sa ospital, e." Ang lakas ng tawa ni Mommy kaya pati ako natawa. Parang kagaya ng tawa niya kapag nag-uusap sila ni Daddy. "Sira ka. 'Nga pala, duon mo na lang siya i-enroll sa school ni Kianne para magkakasama tayo palagi." "Oo naman! Saan ba 'to? Sa Houston Academy?" "Actually, matagal ko ng gustong ilipat siya ng school kasi si Arthur lang naman ang may gusto na sa private school siya mag-aral." "'Wag mo na ilipat. Sa totoo lang, nakapag-enquire na kami sa Houston. Maganda naman duon, kaya ngayong alam ko ng duon nag-aaral si Kianne, duon ko na ie-enroll si Tristan." I was shocked to hear that. Magiging iisa lang school namin ng Tristan na 'yun? Bago pa ako makaangal, ngumiti na sa akin si Tita Miranda. "Oh, ayan na little princess, tapos na ang sugat mo." Hinaplos pa niya ang mukha ko. "'Wag ka ng umiyak huh?" then followed by her not so quiet comment, "Napakagandang bata." Tumango ako. "Okay po." I answered nicely dahil sinabi niyang maganda ako. Habang nagkukwentuhan pa sila, binigyan ako ni Tita Miranda ng pasta at cake at tinulungan niya akong maupo sa dinning table. Ang dami kong naririnig na kwento at nag-eenjoy akong pakinggan ang mga 'yon kahit marami akong hindi naiintindihan. Masaya na ako habang kumakain e, hanggang sa dumating na naman ang Tantan na 'to. Kumuha din siya ng pagkain at tumabi sa akin habang umiirap. Hindi ko nga siya pinansin. Masarap ang kain niya sa spaghetti na halos kamukha na niya si Otto na palaging madungis kapag tapos kumain ng cat food kaya natawa ako. "Bakit?" naiinis na tanong niya sa akin. "Bakit ka rin? Masama bang tumawa?" "Diba iyakin ka? Bawal tumawa ang mga iyakin!" dinilaan na naman niya ako. May pagkasalbahe talaga siya. Sabi sa akin ni Lola, hindi daw dapat ako nandidila kasi masama 'yun. It is disrespectful. "Ang bastos mo!" "Bakit ako bastos? Hindi naman ako naghuhubad?!" "Dila ka ng dila!" "Patulan kita d'yan e!" Mabuti at narinig siya ni Tita Miranda ang sinabi niya sa akiun kaya sinaway siya pero imbes na tumigil kinuha niya ang pagkain ko. Nakakairita talaga! Hindi ako umiyak. Hinayaan ko lang siya. Kung ayaw niya sa akin, mas ayaw ko sa kanya. This hate-hate relationship began when we were still kids, kaya nga hindi ko na-enjoy ang elementary days ko. Nagbago lang ang lahat nang magsimula na akong ma-in love noong high school. And unfortunately, I fell in love with the same boy I hate when I was an eight-year-old girl.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD