Two

1300 Words
November 2007  I was in the middle of a long walk towards my next class when I saw this gorgeous boy. Muntik na akong madapa dahil napatunganga ako sa kanya. Of course, it was my best friend, Tristan. Tumatakbong nilapitan ko si Tristan nang makita ko siyang naglalakad sa gitna ng campus. He fixed his eye-glasses then smile when he noticed me by his side. Dahil sa mannerism niya na iyon, duon ko lang napagtantong weakness ko ang mga lalaking may salamin sa mata. Haist. I get that back. Weakness ko ang hitsura niyang iyon. I had a seatmate na may salamin din pero hindi naman ako attracted sa kanya. Kay Tristan lang talaga nagiging abnormal ang t***k ng puso ko. Hindi ko na siya kaaway ngayon dahil matalik na kaming magkaibigan. Sa tagal naming magkaaway noon, napagod na din kaming dalawa kaya nagdesisyon kaming maging magkaibigan pagka-graduate ng elementary. Nagsimula iyon nang tulungan niya akong gumanti sa mga bully sa school. Nang maging totoo kaming close, duon ko siya mas nakilala. At iyon ang naging mitya ng kalbaryo ko dahil nahulog ako sa frienemy ko. Idagdag pang nagbibinatang pogi ang ungas. Samantalang ako, ordinaryong Nene lang ang hitsura kahit pa nga ano'ng effort ang gawin ko sa mukha ko, mukha pa rin akong batang-bata. Like around 12 years old kahit na teenager na ako. "Oh, ano na namang kailangan mo?" mabilis niyang tanong sa akin. "Kapag lalapit sa'yo may kailangan kaagad?" nakasimangot kong sagot. Natawa siya. "Defensive." pagkasabi noon ginulo niya ang hanggang baywang kong buhok. Paraan na niya iyon para ipamukha sa aking mas matangkad na siya sa akin ngayon. Itinulak ko siya pero mas ginalingan niya ang pang-iinis sa akin at mas malala ang panggugulo niya ang buhok ko. "Ano ba!" sa inis ko sa kanya sinuntok ko na siya sa braso. Which is normal. Hindi na nga siya nagulat sa tinamo niya. Nasaktan siya pero tawa pa rin siya ng tawa. "Sabog ka ba?" "Bakit nga kasi. Miss mo lang ako eh?" ang galing niya talagang humula. Muntik na akong mapa-OO. Mabuti na lang at pinigilan ko ang sarili ko. I can't be too careless with this smart guy. Don't get me wrong. Hindi siya genius na lalaki. Hindi porque nakasalamin siya, matalino na siya sa lahat ng subject. May mga exam pa din naman siyang hindi naipapasa pero alam ko kasing malisyoso siya at marunong siyang makiramdam. One wrong choice of words or one wrong move, tapos ako. Malalaman niya agad kung ano ang tunay kong nararamdaman para sa kanya. At ayokong mangyari 'yon. Habambuhay na niya akong aasarin at baka layuan pa niya ako. Well, hindi naman siya ganoong klase ng tao lalo na sa akin dahil lagot talaga siya kay Tita Miranda pero I saw how he turn down Lou, classmate ko last year. Literal na niligawan ni Lou si Tristan. Palagi siyang nagbibigay ng food. Palagi siyang sumasama sa akin para mapalapit kay Tristan. At kung anu-ano pang gimmick ang ginawa niya. And well, it worked. Napansin siya ni Tristan. Kaya lang, ang damuhong 'to sobrang ARTE. Noong araw na nagtapat na si Lou ng damdamin niya para sa bestfriend ko, he just said straight to her face na hindi na dapat mag-aksaya ng oras si Lou sa kanya dahil hindi niya ito magugustuhan, kahit kailan. Take note. Sure si Tristan na hindi niya magugustuhan si Lou KAHIT KAILAN. Lou is by the way, one of the pretty face in our campus. Hindi man ganoon katalino pero magaling siya sa sports. Maraming varsity player ang may gusto sa kanya, pero si Tristan... binasted lang siya. Nag-usap sila noon malapit sa Science lab at sa harap ng maraming estudyante, sinabi ng diretsa ni Tristan na walang pag-asa ang kaklase ko at ang kawawang si Lou, napilitang mag-transfer noon dahil sa kahihiyan. Imagine? 'Yung crush ng buong school, binasted siya? I know for a fact na madami ang nagtaas ng kilay dahil babae si Lou at parang lumabas na naghabol siya ng todo sa kaibigan ko. Pero ano ba ang magagawa ni Lou? Tinamaan siya. Sadyang maarte lang si Tristan. Let me just emphasize that. Maarte talaga siya. When I asked him why he did that to my classmate, he just answered that he doesn't like to be fantasized. Isa pa, gusto daw niyang magka-girlfriend na paghihirapan niyang ligawan. I mean, pabor sa akin na hindi niya trip si Lou pero may standard talaga siyang dapat paghihirapan niya 'yung jojowain niya? E wala naman siyang natitipuhan, isa pa wala siyang eksaktong ideal na babae. Ang gusto niya 'yung bigla niyang mararamdaman na gusto niyang ligawan 'yung tao. Paano na? Paano ko ipaparamdam sa kanya na ako ang dapat niyang ligawan? Let me just remind myself that I am just his B.E.S.T.F.R.I.E.N.D. at wala dapat akong pakialam sa mga trip niya, sa kung paano niya gustong magka-jowa. "Ano ngang kailangan mo?" ulit niya sa tanong niya. Mukhang impatient na siya at gusto na niya akong mawala sa paningin niya. May dadaanan ba siya sa library? Obviously, duon siya papunta! At hindi ako papayag! Alam kong may kinababaliwan ang mga binatilyo ngayon na student teacher sa library. Ayokong pati si Tristan, magayuma ng impakta na 'yon kaya lahat gagawin ko para hindi siya tumuloy duon! "Kailangan kong kumain!" I shouted out of nowhere. "Sus! Gagawin mo lang pala akong wallet." dumukot siya ng pera sa bulsa niya saka inabot sa akin. "Oh! Kumain ka!" Hindi niya gets. Hindi ko kailangan ng pera niya dahil kailangan ko siya! At ayaw kong magpupunta siya sa library para duon tumambay dahil may fox duon! "Ayokong bumili sa labas. Ipagluto mo ako!" "Hah? Masaya ka! Madami pa akong ginagawa. 'Wag mo muna akong guluhin." Napasimangot ako habang bumubuntot pa rin sa kanya. "Uy! Umuwi ka na. Hanggang mamaya pa ako dito." pagtataboy niya sa akin. "Ayaw." Nakahalukipkip kong sabi. "Sabado bukas, diba? Uuwi na ang Daddy mo. Matulog ka para makasama ka sa gala niyo bukas." "Ayoko nga! Mas marunong ka pa sa akin! Gusto kong kumain ng spaghetti. 'Yung luto mo." Ilang beses na din niya akong naipagluto at hindi ko talaga siya lulubayan hanggang hindi niya ako pinagbibigyan. Bukod sa hidden agenda ko, totoo naman kasing nagke-crave ako sa pasta na niluluto niya. Natatawa at naiiling na itinapal niya sa mukha ko ang kamay niya habang naka-akbay siya sa akin. "Badtrip ka talaga! Halika na nga!" At nanalo ako. Duon kami dumiretso sa bahay nila. Magkatapat lang naman ang mga bahay namin. Wala pang tao dahil nag-iwan si Tita Miranda ng note na isasama niya sa grocery si Mia Clarisse, ang seven-year-old niyang bunsong kapatid. Si Tito Neil naman ay nasa Dumaguete pa dahil may business trip ito duon. Hindi ko sure kung ako lang ang nate-tense dahil kaming dalawa lang sa bahay o sadyang may pagnanasa kasi ako sa best friend ko kaya parang biglang uminit. Hindi naman na ako bisita sa bahay na iyon kaya naghubad ako ng blouse at palda ko. May suot naman akong puting kamiseta at short na pambahay. At habang tinitingnan ko siya sa tapat ng kalan at nagluluto ng pasta, parang gusto ko siyang yakapin mula sa likod niya. This is all his fault. Aside from growing up so handsome as he is, he also made me fall for him with his simple gestures. Hindi ko naman inakalang tatalab sa akin ang mga moves na ginagawa niya sa ibang babae. Malay ko bang mai-in love ako sa kanya? Nakita kong patapos na siya kaya inagaw ko sa kanya ang pinagsalinan niyang plato ng pasta. Nagulat siya kaya bigla niyang nabitawan ang pinaglutuan niyang kawali. Hindi sinasadyang lumanding iyon sa hita ko. Nailapag ko ang pagkain sa may lababo saka ako napatili at napahawak sa napaso kong balat. "Oh my God! Kianne!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD