Three

1300 Words
Mabilis niya akong binuhat at dinala sa CR. I can feel his chest. Ang lakas ng kabogu ng dibdib niya. Parang akala mo naman nasaksak ako or nabaril. Masakit ang balat ko dahil sa pagkakapaso pero hindi pa naman ako mamamatay dahil dito. Napangiti na lang ako ng palihim dahil alam kong nag-aalala siya sa akin. Iyong klase ng pag-aalala na parang gusto niya akong laging protektahan. Sinaway ko ang sarili ko sa pagpapantasya. He's naturally kind to me because our mothers are friends. He grew up with me at dahil sa medyo nagmamature na siya, alam kong alam na niya ang moral code na tinatawag nating respeto sa babae. Iyon lang 'yon. Walang ibang ibig sabihin. Pigil na pigil ako sa sarili kong yakapin siya habang pinupuno niya ang bathtub nila ng tubig saka niya ako inilagay duon. That's when I felt the searing pain. Pinilit kong huwag maiyak sa sakit. "Tsk. Hindi kasi makapaghintay. Tingnan mo tuloy 'yan! Napaso ka!" I am sure he's just angry because I was hurt. Hindi naman niya ako laging sinisigawan ng ganoon. "Nasaktan na nga ako, pinapagalitan mo pa!" nakalabi kong sabi. Duon biglang lumambot ang awra niya. Halata nga sa mukha niyang naaawa siya sa akin. "Haay, pasaway ka talaga. Yari na naman ako sa Lola mo niyan! Kapag nakitang may peklat ka, babatukan na naman ako!" "Deserve." Kinurot niya lang ng bahagya ang tungki ng ilong ko dahil sa isinagot ko sa kanya saka siya lumabas sa CR. "D'yan ka lang. Kukuha lang ako ng damit mo sa taas saka ng ointment." bilin niya. Well, may damit naman kami sa bahay ng isa't isa kaya hindi na ako nagulat nang isampay niya sa hanger na naroon ang malinis na short at t-shirt ko. Nilapitan niya ako. "Patingin nga!" sabi niya saka sinipat ang napaso kong hita. "Tsk. Paano ka na niyan mag-aartista?" Inirapan ko siya, pero napadako ulit ang tingin ko sa kanya nang pumaskil sa labi niya ang pinakapamatay niyang ngiti. Iyon ang klase ng ngiting kinahuhumalingan nang lahat ng babae sa school namin. Isa na ako duon. Ngayon ko lang din napansin na perpekto pala ang hugis ng mga ngipin niya at pa-hugis puso rin ang lips niya at nakakaakit ang mga iyon. Mayroon din siyang pares ng singkit na mga matang bagay sa kayumanggi niyang kulay. Parang gusto kong pagsisihang hinayaan ko siyang lumapit sa akin ng ganoon. "Magbihis ka na." Pagkasabi ni Tristan noon, akmang tatayo na siya nang bigla ko siyang hilain. Napasubsob siya sa akin sa loob ng bathtub at para akong isang uhaw na gagang siniil siya ng halik sa labi. By the way, that was my first kiss. Parang nawala lahat ng hiya ko sa katawan dahil sa nagawa ko, pero naroon na ang mga labi namin e. Magkahinang na. Naiintindihan ko kung medyo awkward sa kanya ang ginawa ko pero wala akong pakialam. Lahat ng cell sa katawan ko, inutos na halikan siya. Sumunod lang naman ako. Medyo nag-aalangan siya pero tumugon din siya sa halik. Kahit iyon ang unang beses na naranasan ko iyon, alam kong gumanti siya sa mga galaw ng labi ko. Mga fifteen seconds yata kaming naghalikan. At iyon ang pinakamatagal na fifteen seconds sa buong buhay ko. Sana nga hindi na lang natapos 'yon. But every good things will definitely gone to an end. That wonderful first kiss ended when he stepped back. Seryoso ang mukha niya nang lumayo sa akin. Hindi ako makatingin sa kanya dahil sa pagkapahiya kaya pinili kong magpatay-malisya. Kinuha ko ang dinala niyang tuwalya at nagpunas. Hinayaan ko siyang magdesisyon kung mananatili siya duon o aalis habang nagbibihis ako, pero sa huli, mas pinili niyang lumabas ng banyo. I get it. Iyon din siguro ang first kiss niya. Wala pa naman akong nababalitaang naging nobya niya sa school at masyado kaming close para ilihim niya sa akin kung may babae na siyang nahalikan. We are literally together 24/7. Since parehas naming first kiss ito, normal lang naman siguro ang naging reaksyon niya. Habang ako, kilig, kaba, takot at saya ang mga nararamdaman ko sa mga oras na iyon, nang magkakahalo. Wala siyang ideya kung ano ang naging epekto ng halik na iyon sa akin. Mas lalo akong na-addict sa kanya. Oo nga't fourteen pa lang ako pero sigurado na akong gusto ko siya. Sana lang gusto niya rin ako. Lumabas ako sa banyong bihis na pero wala na si Tristan duon kaya napilitan akong umuwi na lang. Knowing him, hindi siya agad humaharap sa mga awkward na sitwasyon. Ako lang naman itong kaya pang magpatay-malisya. Present Nakabalik lang ako sa kasalukuyan mula sa pagbabalik-tanaw nang tanungin ako ng waiter. "Do you want some bourbon, Miss K?" ang gwapo pati ng waiter. Ano bang klaseng restaurant 'to? Mula sa may-ari hanggang sa mga staff, good-looking. Napangiti lang ako. "Yes, please." Magkausap na kami sa chat ni Mia and her plans are insanely plotted. Masyado yatang lulong sa mga TV dramas ang batang ito. Yes, I wanted Tristan back, pero hindi naman sa puntong tututol ako sa kasal. Ang gusto ko sana, makausap muna si Tristan bago siya mag-I do sa harap ng babaeng 'yon at ng mga bisita nila. Hindi sumasang-ayon si Mia sa akin dahil sinubukan na daw nilang kausapin ang kuya niya at walang nagawa ang mga pakiusap nila. Hindi naman daw buntis si Helga pero atat ng makasal sila. Mas lalo tuloy nagdududa ang bata. Sa tingin niya, may ginagawang salamangka si Helga para ma-kontrol ang kuya niya ng ganoon. "Okay ka lang ba, Kianne? Kanina ka pa nakatungo d'yan sa cellphone mo. May problema ba?" tanong ni Chad sa akin. It was an after-party dinner. Party na namin iyong concert sa Arena, at ngayon lang kami nakakain ng maayos sa buong tour. Nabuhay kasi kami noon sa mga ordered food. Chinese, Japanese, Italian, Pinoy. Pero iba pa rin talaga ang steak at bourbon. Ito lang ang pinaka-luho ko. Pagkain. "I'm good." "Nakita na siguro niya 'yung mga pre-nup photos nung chef." sabi ni Gil. Napansin kong tumahimik silang lahat. Sinadya kong huwag ng tingnan ang mga 'yon pero alam ko ng may post na si Tristan na pre-nup pictures nila ni Helga. "Guys, chill. Hindi ako malungkot." "Talaga? E bakit nakakaapat na baso ka na ng bourbon? Akala mo ba hindi namin binibilang 'yang tinutungga mo?" Red is being ridiculous. Paano niya naman nabibilang ang iniinom ko, e kanina pa siya busy sa asawa niyang si Shaye. "Gusto mo ba, bumalik muna tayo sa Japan?" "Paano ang fiancee mo?" I asked Chad. Akala niya yata pwede pa rin 'yung mga ginagawa niya noon para lang magaan ang pakiramdam ko. Isasama niya ako sa mga lugar na madaming magagandang tanawin tapos, iiyak lang ako habang naroon siya para takpan ang pangit kong mukha kapag umiiyak ako. "Okay lang ako." Hindi pa rin nila alam ang tungkol sa pakiusap ni Mia. Kapag nalaman siguro nila, ngayon pa lang itatali na nila ako para huwag na akong makagawa ng kabaliwang pagsisisihan ko sa huli. I won't lie. Gusto ko rin ang ideya ni Mia na tumutol sa kasal. I wanted to speak now before it gets too late. Pero nagtatalo pa rin ang matinong parte ng utak ko at 'yung parte na baliw pa rin kay Tristan. Hindi ko alam kung sino ang magwawagi sa diskusyon, pero sana, kung anuman ang mangyari, maging masaya si Tristan. Iyon ang deserve niya. Kung ako talaga ang magpapasaya sa kanya gaya ng sinasabi ni Mia, edi mas maganda. Pero kung sa huli, mas pipiliin niya 'yung babaeng sumalo sa kanya pagkatapos ko siyang iwan, hindi naman ako magdadamdam. Tama lang naman na gawin niya iyon. Pero 'wag naman sanang umabot sa punto na pati ang pamilya niya, sila Mia, tatalikuran niya para kay Helga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD