Pagkatapos ng halik na iyon, hindi na kami masyadong nag-uusap na dalawa. At ayaw ko ng ganoon. Parang hindi ako mapakali nang hindi kami nag-iimikan. Isa pa, hindi ako sanay na wala si Tristan sa paligid ko. At naiinis ako kasi parang iniiwasan na niya ako dahil lang sa halik na 'yon.
Dahil sa pagiwas niya sa akin, mas napalapit siya sa mga kaibigan niyang lalaki sa school at madalas na nakikipaglaro na siya sa mga ito ng basketball kahit hindi naman siya ganoon dati. He's acting differently now. 'Yung tipong halatang iniiwasan niya lang ako kasi tuwing lalapitan ko siya, saka siya biglang nagiging busy.
Katulad sa araw na ito.
Inabangan ko na siya sa labas ng classroom niya para wala na siyang kawala. Hindi na baleng nag-cutting class ako ng ilang minuto para lang mahintay siya duon dahil hindi naman kasi kami magka-klase kasi nga mas matalino siya sa akin, alam mo na, ranking crap and stuff. Nang makita niya akong papalapit na sa kanya, saka siya biglang sumama sa tatlo niyang new friends. New kasi ngayon ko lang nakitang sinamahan niya ang mga iyon.
Nakakapanginig talaga siya ng laman.
Napuno na talaga ako sa ginagawa niyang pag-iwas. Kung iniisip niyang kagaya ako ng ibang babaeng binasted niya, nagkakamali siya dahil hindi ako basta susuko.
Sinundan ko silang apat sa school gymnasium kung saan ko sila nakitang pumasok. Hindi pa nga sila nagbihis ng panlaro nagsimula na sila agad mag-dribble ng bola. Nakakaloka.Looks like he is determined to ignore my presence.
Pero hindi ako basta iiwas na lang din. "Tristan!" sigaw ko mula sa bleachers pero parang walang narinig ang kumag. Nakakairita! Imbes na sayangin ko ang boses ko dito, bumaba na ako sa mismong pinaglalaruan nila at bumalandra ako sa court.
Pagkatalbog ng bola mula sa ring, pinilit kong makuha iyon at hinarap silang apat habang nasa bisig ko ang bola nila.
"Uyy." Naririnig kong nagbubulungan ang tatlong kaibigan ni Tristan at nagsisikuhan habang nakatingin sa akin.
"Kianne. Akin na." sabi ni Tristan, mukhang seryoso siya pero wala akong paki.
"Iniiwasan mo ba ako?" deretsahan kong tanong.
Natawa siya saka pinunasan ang pawis niya sa mukha. "Bakit naman?"
"Come on, 'wag na tayong magpanggap, Tristan." Hindi ako magpapatalo sa pagsusungit niya!
"Ang kulit mo!"
"Hindi ako makulit."
"Alis na kami, dude." Mabuti naman at nakaramdam na ang mga kalaro niya. Nagpaalam na sa kanya ang mga ito saka nawala sa paningin naming dalawa.
Pinabayaan niya lang na lumabas ng covered court ng school ang tatlo niyang kasama saka niya ako tinitigan. Iyong titig na parang gusto niya akong pagpira-pirasuhin. Pakiramdam ko tuloy matutunaw ako anumang oras.
Ano bang kasalanan ko sa kanya? Nagalit ba siya na hinalikan ko siya? Sa pagkakatanda ko, tinugunan din naman niya ang halik na iyon kaya hindi lang ako ang may mali.
"Ano, bakit hindi ka pa magsalita?" sabi niya na parang naiinip talaga siyang marinig ako.
"Iniiwasan mo ba ako kasi hinalikan kita?" walang preno ang bibig kong tanong sa kanya. Walang filter.
Nag-iwas siya ng tingin.
"Ano? Magsalita ka!" I demanded.
"H-Hindi." He looked away again as if I'm a sore in his eyes.
"E bakit hindi mo na ako kinakausap? Ni hindi mo nga ako kayang tingnan!"
"Dapat ba palagi kitang pinapansin? Dapat ba palagi tayong magkasama? Aba naman, Kianne hindi na tayo mga bata."
Naiinis ako sa inaasal niya. "Diba best friend mo ako?" that was just my excuse.
"Oo nga. Best friend kita, pero hindi ibig sabihin noon na hindi na tayo pwedeng makipagkaibigan sa iba."
Hindi ako nakasagot sa sinabi niya.
"Umuwi ka na." napipikon niyang utos.
"Hindi ako uuwi." Pagmamatigas ko.
"Umuwi ka na nga! 'Wag kang makulit."
"Ayoko nga! Ikaw ang makulit!"
Naiinis na nilapitan niya ako. At promise, hindi ako makahinga ng maayos nang yumuko siya para tawirin ang pagitan ng mga height namin at para lang matitigan ako sa mukha. He's looking into my face intently. Umiwas ako ng tingin kasi baka kapag nagtagpo ang mga mata namin, bigla na lang akong himatayin. "Ano kayang gagawin ko sa'yo para mapasunod kita?" he playfully said. Nagdala ng libu-libong electric current ang mga sinabi niyang iyon. Hindi naman sa nag-iimagine ako pero parang nadugtungan sa isip ko ang una naming halik.
Tinulak ko siya kaya nabitawan ko ang bola. Natawa siya duon. "Bakit parang na-tense ka?"
"Okay ka lang? Ang lapit mo kaya sa akin!"
"Para kang si Lou. May crush ka ba sa akin?"
"Ang kapal naman ng mukha mo. Hindi kita gusto 'no?"
Natawa siya. "Wow. So, imagination ko lang pala 'yun? Bakit mo ako hinalikan? Diba nga mag-best friend tayo? Why did you do that?"
Ano bang sasabihin ko? Naakit kasi ako sa lips niya noon? O hindi ko alam?
"Bakit hindi ka na nakasagot?" malapad ang ngiting tanong niya.
Ako naman ang tumawa. "So, bothered ka nga sa kiss?"
"Bakit, ikaw ba hindi?"
I snorted. Saka mas nilakasan ko ang pagtawa ko. "Sus naman, Tristan! Para ka namang paslit! Hindi mo ba alam 'yung curiosity? Kapag hinalikan ka, gusto ka na agad? Pwede kong halikan kung sinuman ang gustuhin ko nang walang feelings kaya 'wag ka ngang ano d'yan!"
Hindi ko alam kung ano'ng klase ng ekspresyon ang ipinakita niya dahil saglit lang iyon tapos naging cool na ulit ang awra niya.
Nakahinga ba siya ng maluwag nang malamang wala naman pala akong gusto sa kanya?
Ouch. Parang mali yatang hindi pa ako umamin.
Pero alam ko, kapag umamin naman ako, baka tuluyan na siyang lumayo. Baka nga gawin niya din sa akin ang ginawa niya kay Lou at sa iba pang babaeng nagtangkang mapalapit sa kanya. Tama na sigurong mag-best friend kami.
Nakahinga ako nang maluwag nang akbayan niya ako. "Para kang tanga d'yan. Iniwan na tuloy ako ng mga kalaro ko."
"Edi tayo na lang ang mag-basketball."
"Tss... Hindi mo ako kaya."
"'Wag kang mayabang d'yan. Baka nga hindi ka maka-shoot sa'ken." Sinimulan kong patalbugin ang bola. Hindi naman ako magaling mag-basketball pero dahil walang anak na lalaki si Dad, ito ang bonding namin sa US tuwing nagbabakasyon ako duon, kahit ngayong naka-uwi na siya kaya nagugulat si Tristan na kaya ko siyang sabayan sa larong ito.
"Nice."
I just smiled while still dribbling the ball. "Kapag ito, na-shoot ko, hindi mo na ako ulit iiwasan kahit sa ano'ng dahilan, okay?"
Tumango siya.
Sapat na assurance na iyon. Hinayaan niya akong ma-shoot ang bola at nagawa ko nga iyon mula sa 3-point marker.
Pagkatapos noon, nakapamewang siyang humarap sa akin. "Ano, pwede na tayong umuwi?"
I
nodded.
Nakahinga na ako nang maluwag pagkatapos ng araw na iyon. Paunti-unti, bumalik kami sa dati, pero ang puso ko, hindi na nagbago.
Hindi ko na ba talaga dapat na ipaglaban ang feelings ko para sa kanya kung gusto ko siyang manatili sa buhay ko? O baka may chance naman at takot lang akong sumubok. Baka takot lang din siya at parehas kaming natatakot sumugal.
Hay, masyado pa akong bata para i-stress-in ang sarili ko sa love. Mag-aaral muna ako.