MOA 2026 Matiyaga kaming nakapila ni Kristal sa book signing ng paborito niyang Webtoon Artist, si Strawberry Scent. Adik na adik ang anak ko sa webtoon nito at kahit ako naman din ay naaliw sa mga nabasa ko ng akda niya. Limang taon pa lang siya nang mawili sa pagbabasa ng webtoon. Iyon lang naman ang hobby niya lalo na't wala naman siyang kapatid pa na pwedeng kalaruin. Now, she's blaming me for not getting pregnant for a second child while she's still a toddler. Hindi na daw niya pwedeng maging playmate ang magiging kapatid niya dahil pitong taon na ang tanda niya kay Kristan kapag lumabas na ito sa tyan ko next year. Bilang pambawi, sinusuportahan ko na lang ang pagiging fan girl niya sa illustrator ng mga paborito niyang webtoons. Katulad ngayon na may book signing. Inuna pa namin i

