Kianne's POV Hindi na ako naghintay ng matagal sa pub kung saan kami nag-iinuman nila Mommy at Jae Hoon. Alam ko namang sila talaga ang magka-date duon. Saling-pusa lang ako kaya, lumabas na agad ako at naupo sa gutter sa labas. Although may fans kami sa Japan, hindi naman halata ng mga tao duon na ako ang vocalist ng paroxysm.Masyadong ordinaryo ang hitsura ko sa pang-araw-araw na buhay ko dito sa Osaka. Wala ngang umawat sa akin na maupo sa gutter. Sabi ni Mama, nag-book na siya ng sasakyan para maihatid ako sa bahay habang sila ni Jae Hoon ay lilipat pa sa ibang pub. Masaya ako na hindi binuburo ng Nanay ko ang ganda niya. Oo nga't matanda na siya pero hindi pa nalalaos ang ganda niya and Jae Hoon is perfect for her. Alam naming may puwang pa ang nasirang asawa ng Koreano sa puso nit

