Gaya ng inaasahan ko, nagkalat na nga sa social media ang mga pictures namin ni Jae Hoon. Ang daming kinilig na netizens sa comment section. Naiiling na lang ako habang naka binabasa ang mga iyon. "OMG, Kianne and Chad is totally over. May Oppa na si Kianne!" "Gwapo magnet talaga itong si Idol." "Okay, next ng ikakasal si Kianne!" Inihinto niya lang ang pagbabasa ng mga komento nang tabihan na siya ng Mommy niya. "Ano 'yan? Pictures niyo ni Jae Hoon?" "Yes, Ma." "Wala talagang sariling buhay ang mga pinoy. Mahihilig sa tsismis." komento ng mama niya habang naghihiwa ito ng carrots sa lamesa. "Hayaan mo na sila Ma, duon nga kami mas nagiging popular sa mga issues. Hindi ko alam kung bayad 'yang paparazzi na 'yan ng network kasi nasa eroplano pa lang kasama na natin ang kumuha niyang

