bc

My Hot Billionaire Sugar Daddy

book_age18+
636
FOLLOW
8.8K
READ
billionaire
love-triangle
contract marriage
family
HE
forced
opposites attract
friends to lovers
playboy
badboy
heir/heiress
bxg
office/work place
small town
cheating
lies
love at the first sight
assistant
like
intro-logo
Blurb

Daniella Huson, isang sikat na supermodel na sanay sa glam life, OOTDs, at unlimited likes. Pero isang matinding scandal ang tuluyang nagpabagsak ng kanyang iniingatang kasikatan. Nang gumuho ang mundo ni Daniella Huson, na dating reyna ng runway at social media... wala siyang ibang mapuntahan kundi ang probinsyang matagal na niyang tinalikuran.

Diego Owen Sandoval na mas kilala bilang Dos, isang tahimik ngunit supladong haciendero na inakala niyang simpleng magsasaka lang, ngunit siya pala ang may ari ng lupang kaniyang tinatapakan. Dahil sa utang na loob ng kanyang pamilya, napilitan siyang maging personal assistant ni Dos pansamantala.

Ngunit ng kinailangan ni Dos ng sagot sa kaniyang problema, hindi na siya nagdalawang isip pa. Inalok niya si Daniella. Fake marriage.

Pumayag si Daniella sa gusto ni Dos, ngunit sa isang kondisyon... tutulungan siya nitong bumalik sa kasikatang nawala sa kaniya.

For fame, fortune, and a second chance.

Pero habang tumatagal ang kanilang pagpapanggap, parang hindi lang followers ang dumadami kay Daniella — pati na rin ang nararamdaman niya.

My Hot Billionaire Sugar Daddy

---

chap-preview
Free preview
SIMULA
DANIELLA "Perfect, Queen D! Hold that pose! Isa pa! Chin up. Fierce. There! Perfect! Fabulous!" Sunod-sunod ang click ng mga camera. Bawat click nito ay mas lalong nakakapagbigay kasiyahan sa aking sistema. Everyone really likes me... not just because I'm good at everything but also because I'm the most gorgeous model they ever had. Sanay na sanay na ako sa ganitong eksena. Supermodel Well-loved endorser Social media icon It girl Queen D Ilan lang ang mga iyan sa mga nag t-trending sa tuwing naririnig ang pangalan ko. Lahat ng photographer gustong ako ang kunan. Lahat ng brand gustong ako ang mukha. Nagkakagulo ang lahat sa tuwing makikita ako. Shucks! Napakasikat ko! At ang kasikatan na ito ang iingatan ko habang buhay. "Queen D, you're glowing as always," nakangiting sabi ng stylist ko habang inaayos ang gown ko. I smiled a little. Para naman hindi nila isipin na suplada ako kahit na hindi ko na matagalan pa ang pagtitig sa mukha niya dahil sa mga pimpless nito. Kadiri! Irerequest ko talaga sa manager ko na palitan siya. Baka mamaya mahawa pa ako sa mukha niya. Tingin ng mga model na nakakasama ko ay mayabang ako, well isipin na nila ang gusto nilang isipin dahil kahit na anong gawin nila ay hindi nila maaabot ang tuktok kung nasaan ako ngayon. I worked for this. Blood, sweat, tears, and with high heels. Marami akong tiniis para makarating dito na hindi alam ng karamihan dahil akala nila nakuha ko ang spotlight na ito dahil sa isang indecent offer. Gutom, puyat, body shaming, rejection... I turned all of that into fuel. They don't know what I've been through to get into this spotlight. Lahat ng photos ko na may nakalagay lang na “#QueenD”, kahit wala akong ginagawa — trending. A single selfie once i-upload it in my social media account... it could immediately hit a million likes in less than an hour. Kahit anong isuot ko, nauubos agad sa stores... kahit basahan nga lang ang ipost ko ay ubos din agad. Kapag dumaan ako sa red carpet — automatic headline. Kapag ngumiti ako sa camera? Viral. The most beautiful smile that ever shown. Kapag nga binabanggit ko ang isang brand? Sold out. Nakadugtong sa pangalan ko ang salitang — famous. Pero nakakagulat kung paano pwedeng gumuho ang lahat sa isang click. Kung paano gumuho ng mabilis ang kasikatang buong buhay kong pinagpaguran. Habang nakaupo ako sa sulok ng dressing room, may hawak na tubig, nanginginig ang kamay. I closed my eyes. Pero bumalik sa isip ko ang gabing iyon — ang video. Ang scandal. Wala akong ideya kung sino ang nag leak nito, pero sigurado ako... isa iyon sa pinagkakatiwalaan ko. Sa isang iglap, binitawan ako ng mga brands na noong una ay sila ang nagmamakaawa sa akin. "Sorry, we need to protect our image." "We need to terminate your contract. You're no longer good for our brand image." "Let’s reschedule indefinitely." Fucking Indefinitely. That’s just a nice way of saying we will never get back to you again. Matapos kong tulungang iangat ang brands nila, iiwan lang nila ako na para bang ako ang pinakamasamang tao sa mundo. They don't know the full story. "Akala mo kung sinong classy, kabit na pala ang gaga! Isa kang higad! Mang-aagaw!" "Katawan pala ang pinambayad sa kasikatan!" "Deserve mo ma-cancel. The downfall of the great Queen D." Reading their harsh comments to me... all I feel is one thing — nothing. I let them harass me in the comment section. I let them post edited photos of mine... I let them do what they want to destroy me more. I locked myself in my room for five days. Walang makeup. Walang camera. Walang filter. Just me... wanted to be alone. Kahit alam kong masasaktan ako sa mga nababasa ko ay patuloy pa rin ako sa pag search ng pangalan ko at pag check sa social media account ko. I just realized one thing… na kahit ilang million followers meron ako... walang sinuman ang mananatili para ipagtanggol at ilaban ako. Mas dumami ang followers ko, pero hindi dahil gusto nila ako... kung hindi dahil nandiyan sila para tumingin ng mas ikakasira ko. "Lol! Fake pala ang donation niya sa charity. Forda clout naman pala ang kabit na ito." #QueenDExposed #CancelFakeD #KillerMonster #TrustDestroyer “Dani, tama na sa kadramahan mo. Sa tingin mo malilinis ang pangalan mo sa pag-iyak mo?" “M-Ma?!” Lumapit sa akin si Mama na mukhang konti na lang ay susukuan na rin niya ako. "Wala na tayong magagawa. Kahit na anong labas mo ng statement mo, wala namang naniniwala." Tama naman si Mama. Kahit anong PR statement na pinost ng team ko, wala na. Lahat ng dating kumakapit sa akin para sa clout — umalis, parang hindi nila ako kilala. Ang kakapal ng mukha nila. “Hindi ko na matiis makita kang unti-unting nawawala. Kasikatan lang iyan, katulad nga ng sabi ko... hindi iyan pang habambuhay." "Mama, you don't understand me. You know... this is my life. I can't live without this. Like... people love me... they will surely welcome me back again." Napahagulgol na ako, pero dapat maganda pa rin. Marahan kong pinupunasan ang luhang pumapatak sa aking clear skin na pisngi. "Kung maraming nagmamahal sa iyo, nasaan sila ngayon? Mas marami pa nga atang may galit sa'yo." Masamang tingin ang ibinaling ko sa kapatid kong ngayon na nga lang magsasalita, ang pangit pa ng lalabas sa bibig niya. "May nakausap na akong tao na tumulong din sa iyo noong nasa probinsiya pa tayo." Nagtaas ng bahagya ang kilay ko. "Makakatulong rin siya ngayon. "Ate, magandang caption iyon From cover girl to probinsya girl," pang-aasar ng kapatid ko na tumawa pa ng malakas "Tantanan mo ako River! Ipapaagos kita diyan makita mo," pagbabanta ko sa kaniya pero mas lalo lang siyang tumawa. "River, huwag mo ng inaaasar ang ate mo," ani Papa na focus lang sa pag d-drive. I really don't have place to go now... lahat ng mga tao rito mapanghusga nila akong tinitingnan na para bang alam nilang lahat ang kuwento ko. This can’t really be happening. Hindi ako puwedeng basta na lang mawala sa spotlight. I am Daniella Huson. A brand. A goddess. A lifestyle. The Queen. I used to wake up to the sound of camera clicks, notification pings, and my assistant saying “Queen D, naka-line up na po ang glam team n’yo for your 12AM shoot.” Ngayon? Ang naririnig ko lang ay ang mahinang pag-uusap ng magulang ko tungkol sa utang na kailangan kong byaran. Lahat ng savings ko ay nawala dahil kinailangan kong bayaran ang mga kontrata na nasira dahil sa eskandalong nangyari. Ngayon ay papunta na kami sa probinsiya. Ugh. Just the word makes my skin crawl. Dati, puro mukha ko ang nakikita ko sa billboard... ngayon sa isang iglap napalitan na ako ng isang queen wannabe. "Ate, ang ganda ni Denise 'no?" Masamang tingin ang ibinaling ko sa kapatid kong mukhang manghahamon na naman. "Tsk. Lahat naman sa kaniya gawa. Yung labi niya, yung ilong... lahat!" Dahil nawala ako spotlight, siya ang pumali sa puwesto ko. "Ate, tingnan mo!" Tiningnan ko ang selpon niya. 'The Real Queen D is here' Bago pa man maubos ang pasensiya ay shinutdown ko ang selpon niya. "Ate!" singhal niya. Umirap lang ako. "River, tantanan mo ang kapatid mo," ani Papa na lagi kong kakampi. Panigurado akong tumatawa na ang wannabe na iyon. Tsk. Sa tingin ba niya, malalampasan niya ako? Nagkakamali siya. Hintayin niya lang ang pagbabalik ko... tatapakan ko siya. "Huwag muna ng isipin ang kung ano man ang maiiwan mo rito. Makakabuti sa’yo ito.. Tahimik doon. Makakahinga ka ng maayos." Tahimik? I don’t need peace, I need a comeback! I need my spotlight back! Pagdating namin sa ancestral house, napatakip ako ng ilong — amoy luma, amoy kahapon, halos ayaw ko na ngang bumaba ng sasakyan dahil hindi ko maatim ang nakikita ko. Wala man lang warm lighting. No scented candles. Just... old air. "Sure po ba kayo na safe ako sa bahay na iyan? Parang isang ihip lang ng hangin ay tutumba na siya," pagmamaktol ko. Para itong bahay kubo, upgraded version. Nasa gitna ang bahay... maraming puno, halaman, may duyan... Hindi ko naiwasang mapangiti. "Annie!" May lumabas na matanda sa bahay. Agad namang lumapit si Mama sa kaniya. "Natatandaan niyo pa ba si Nanay Rosa?" tanong ni Papa. Nanay Rosa? Sinundan namin si Papa. Pumasok kami sa loob. Agad naglabas ng selpon si River para kuhanan ang loob ng bahay. Grabe, wala pa ring pinagbago ang bahay na ito. Parang kailan lang. "Siya na ba si Dani?" Lumapit sa akin si Nanay Rosa. Napangiwi ako nang humalik ito sa aking pisngi. Bakit kaya ganito na amoy ng matatanda? Sensitive pa naman ang ilong ko. "Napakagandang bata talaga. Ito na ba si River?" Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Matatagal ko kaya ang lugar na ito? "Kumusta naman po kayo rito, Nanay? Wala naman po bang problema?" tanong ni Mama na akala mo hindi nakangiti ng ilang araw dahil sa pagkakangiti nito ngayon. "Maayos naman ako rito, tumutulong din minsan si Dos para mag-ayos kung ano man ang aayusin dito." Dos? "Kaya nga po dinala muna namin si Dani rito para kahit papaano ay makabawin man lang kay Dos." Agad nagsalubong ang aking kilay. “Wait—what kind of help are we talking about? Me? O freaking come on, did you just bring here to freaking work for that oh-so-called Dos?" “Hindi ko ba nasabi sa iyo? Habang nandito ka sa probinsiya ay mag t-trabaho ka bilang isang personal assistant niya," ani Mama na akala mo sobrang ganda ng sinabi niya. "What? Me? No! Excuse me?! Ako? Assistant? Ako nga ang ina-assist, not the other way around!" giit ko. I was about to protest when I heard the sound of a truck pulling in. A black pickup. Rough and rugged, just like the man who stepped out. Kadiri naman ng person na ito. He was tall, sun-kissed, serious-looking — wearing simple clothes, boots pa yata. "Sakto ang dating ni Dos." Dos. So this is him. Kahit hindi pa man siya inaaalok na pumasok sa bahay ay pumasok siya. Mukha siyang mabaho sa itsura niya. Mukha siyang maasim na hindi naliligo. Yuck! Siya ba ang ia-assist ko? O freaking come on! Nagkamustahan lang sila saglit bago ako hinila ni Mama paharap sa mabahong nilalang na kung makatingin sa akin akala mo wala siyang pakealam sa existence ko. “Simula bukas, mag-uumpisa ka na. Huwag kang malate.” Napamaang ako. Iyon na 'yon? No hello. Apakayabang naman nito. "Mauna na po ako." At bigla siyang naging magalang. He turned and walked away. Like I was nobody to his eyes. Ramdam ko ang pagkakakulo ng dugo ko. Ang pinakaayaw ko pa naman sa lahat ay ang pinaparamdam sa akin na hindi ako mahalaga. "I won't work for him," pagmamaktol ko. "He's so rude! Ang yabang! Ayoko sa kaniya." "Ate, tingin mo ba gusto ka niya?" Ugh. Isa pa tong letse na ito. "Basta! I said what I said, I won't work for him..." "Mabait si Dos, Hija." Bumusangot ako. "Mabait? Not convincing po ah." "Siya ang tumulong sa iyo nang muntikan kang malunod sa ilog noon, kung hindi dahil sa kaniya ay baka hindi ka nakaligtas," ani Papa. "Kaya nangako ako sa kaniya na kahit na anong tulong man ang hingin niya ay ibibigay ko." "Tsk. Hindi ko naman sinabing sagipin niya ako." Tumayo ako. Tinungo ko ang magiging kwarto ko. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. This is not the life I have. This is not the room I used to sleep before. This is not happening to me. I want may life back. I want my fame back! I want it so badly. Bakit kailangang mangyari ito? I didn't even do something bad... I just did what I think is right. Bakit kailangang mangyari iyon? Nakuha ng aking atensyon ang aking selpon. A message from the company that manage me. 'Daniella, you should take a rest for now. We will just contact you if everything is already fine.' In just an instant... everyone turn their back at me. ---

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.0K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

His Obsession

read
104.8K
bc

ISAGAD MO, OH ISMAEL (SSPG)

read
5.8K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook