DANIELLA "Dani Hija, kanina ka pa tingin nang tingin sa selpon mo, namimiss mo na ba si Dos?" Agad nalukot ang mukha ko dahil sa panunukso ni Manang Hilda. Nagtawanan pa sila na akala mo napakagandang joke ang binitawan ni Manang. Sa totoo nga niyan, gusto ko sanang tawagan si Uncle para tanungin kung kailan siya uuwi kaya lang baka isipin niya namimiss ko siya. Iba pa naman ang hangin niya sa katawan. "Baka mamaya niyan, lumabas na mismo si Dos sa selpon mo." "Tawagan mo na kasi, Hija." Nagpatuloy ang panunukso nila sa akin. Kung siguro katulad sila nung matandang matapobre na iyon, baka kanina ko pa sila nasagot. Buti na lang medyo mas maayos naman ang ugali nila. "I don't miss him. I won't even dare to call him. Never," depensa ko sa aking sarili saka ako umirap, pero mas lalon

