Chapter 8 -Marcus-

1831 Words
◄Marcus's POV► Bakit kaya ganito ang pang-amoy ko? May sakit kaya ako? Parang may mali. Bakit parang nababahuan ako sa asawa ko kahit naligo naman siya? Tang-na... this doesn't make sense. Napasinghot ako nang bahagya habang nakatayo ako sa tabi ni Julian, hindi ko pinapahalata na may kakaiba akong nararamdaman. Malinis ang asawa ko sa katawan, always 'yan. Siya pa nga ang maselan sa lahat... lahat ng gamit namin, from body wash to perfume, siya ang pumipili. Lahat high-end, lahat tested niya. Kaya bakit ngayon... bakit parang may mali sa pang-amoy ko? Hindi naman siya mabaho. Pero sa pang-amoy ko ngayon, parang may hindi tugma. Parang may scent na hindi ko maipaliwanag, at mas lalo akong naiirita dahil hindi ko ma-pinpoint kung ano. Tang-na... kung sasabihin ko sa kanya na parang may mali sa amoy niya, baka hindi ako maka-kadyot sa kanya ng isang taon. Hindi pa ako nagkaka-anak ng babae, kaya hindi ako pwedeng tumigil sa pagkadyot. Hindi pwedeng masira ang plano ko kung bakit kami nandito upang magbakasyon dahil lang sa ilong ko na biglang nag-iinarte. So no... hindi ko sasabihin sa asawa ko at baka isang taon nga niya akong hindi patabihin sa kama. Pero baka naman kaya lalagnatin lang ako. I think I'm coming down with something, maybe the flu. Kaya siguro heightened 'yung senses ko, kaya parang lahat ay naaamoy ko. Napalingon ako sa kanya habang kausap niya si Nimfa. Nakangiti siya, relaxed lang, parang walang problema sa mundo. And damn... she looks good. Damn gorgeous. "Okay ka lang, bro? Bakit parang namumutla ka?" Tanong ni Julian, napansin yata 'yung expression ko. Hinawakan pa niya ang noo ko, kaya biglang napatingin sa akin ang asawa ko. "Yeah... I'm fine." Sagot ko. Suminghot pa ako, at akala ko ay maduduwal ako. Tang-na. Ano ba talaga ang nangyayari sa akin? "Okay ka lang ba babe?" Tanong niya, ngumiti naman agad ako. Pagkatapos ay saglit akong nagpaalam, at ng tumango ang asawa ko. Mabilis akong tumakbo sa loob ng malaking bahay, at saka ako dumiretso sa loob ng silid namin. Pumasok agad ako sa loob ng banyo, at tinignan ko ang body wash na gamit niya. At ng inamoy ko ito... bigla akong napangiwi at parang nasusuka pa ako. Langya, ang mahal-mahal nito pero hindi ko gusto ang amoy. Baka expired na kaya ganito ang amoy. Agad ko itong itinapon sa basurahan, at saka ko binuksan ang cabinet, at namili ako ng okay na body wash. At hindi nagtagal... napangiti ako ng makakita ako na sakto sa pang-amoy ko. Pero ang weird. Ano ba itong nararamdaman ko? Anong nangyayari sa akin? Baka nga lalagnatin ako... masama na rin ang pakiramdam ko kanina pa. Ang bigat ng katawan ko, parang may nakadagan sa akin na hindi ko maipaliwanag. Tapos 'yung antok ko ay hindi normal. Kahit kumpleto ang tulog ko, parang gusto ko pa ring pumikit at humiga at matulog lang maghapon. Hindi naman ako ganito. Malakas ang katawan ko. I don't get sick easily. Kahit pagod, kahit puyat, I can push through. Sanay ang katawan ko sa pagod. Pero ngayon... iba. Parang may mali na hindi ko masabi. Ang sensitive pa ng pang-amoy ko, tang-na. 'Damn... what the hell is going on with me?' Bulong ng isipan ko. Huminga ako nang malalim, saka ako lumabas ng pinto, pilit inaayos ang sarili ko... 'yung suot ko, 'yung buhok ko, at 'yung tindig ko. Paglabas ko, agad kong nakita si Hugo na nakatayo sa hallway, nakasandal sa dingding habang nakatingin sa akin na mukhang hinihintay ako. Wala ang asawa niyang si Joyce, kaya kasama ko siya dito sa hacienda ko, nasa England para sa isang malaking fashion show ng isa sa mga modelo nila, kasama si Celestina. "Okay ka lang ba?" Tanong niya agad. "Kanina ka pa namumutla. Pero mukhang okay na ulit ang kulay mo ngayon. Kanina, habang kasama mo ang asawa mo, para kang naubusan ng dugo. Akala ko tuloy ay may sakit ka." Wika niya. Nakikita ko ang pag-aalala sa mukha niya. Lumapit siya sa akin at agad inilapat ang kamay niya sa noo ko, parang tatay ko lang ang dating ng sira ulong ito, kaya napaatras ako nang bahagya, at tinabig ko ang kamay niya. "Wala. Tatay ba kita? May pahawak-hawak ka pang nalalaman. Mukha ba akong batang paslit?" Sagot ko, medyo iritado ako. "Malakas ang isang King Venum. Hindi ako basta-basta nagkakasakit." Dagdag ko pa. He smirked. 'Yung tipong alam niyang may tinatago ako pero hinahayaan lang niya. Umiling pa siya, parang hindi naniniwala sa sinabi ko. "Yeah, sure... keep telling yourself that." Sabi niya, habang napapailing siya ng ulo. Napatingin ako sa kanya, medyo iritado talaga ako kapag may isa sa kanila na parang tinatrato akong bata. Ako si King Venum, hindi nila ako dapat itrato na parang batang may sakit. Kapag ako nainis, pipitikin ko ang itlog nito. Humugot ako ng malalim na paghinga, saka ako nagsimulang humakbang upang puntahan na ang mga bisita namin na mag-asawang Howard at ang dalawa nilang anak. "Are you sure na okay ka lang?" Muli niyang tanong habang sinasabayan na niya ako sa paglalakad. Natawa tuloy ako ng mahina, napahinto ako sa paglalakad at tinapik-tapik ko siya sa balikat. "I said I'm fine. Don't worry about me." Sagot ko. Pero damn... I know, I don't feel fine. "Okay, if you say so." Sabi niya. Natawa ako at saka ako muling humakbang. Pagkarating namin sa unang palapag, nasa living room na si Julian, kasama si Nimaro na kalaro ngayon ng anak kong si Mathayus, habang ang panganay kong anak na si Ellizar at si Julia ay hindi ko makita. "Nasaan si Ellizar?" Tanong ko. Tumingin ako sa paligid, maging ang asawa ko at si Nimfa ay wala. "Si Ellizar ay nanduon sa labas, mukhang nakabantay sa anak kong babae. Ang asawa mo at asawa ko naman ay nasa kusina, maghahanda daw sila ng hapunan. Inaaya kami ng asawa mo na dito matulog, pero nasa sa asawa ko kung papayag siya. Sa akin ay walang problema, sanay akong matulog dito." Sagot ni Julian, kaya napatango ako. "Oh okay. Dito na lang kayo matulog, medyo matagal-tagal ang bakasyon namin dito dahil sa kahilingan ng asawa ko, at iyon din talaga ang plano ko para naman makaiwas muna tayo sa gulo ng mundo natin. Makapag-relax man lang tayo. Ikaw naman Hugo, bakit hindi mo dalhin dito ang mga anak mo habang wala si Joyce?" Wika ko. Umiling siya. "Nasa lolo at lola nila. Duon muna raw sa kanila ang mga anak ko." Sagot niya. Tumango lang ako at nagsimula na akong humakbang palabas ng bahay. Hinanap ng mga mata ko ang anak ko. Hindi ko sila makita kaya naglakad-lakad ako patungo sa kuwadra ng mga kabayo, at hindi nagtagal ay naririnig ko na ang dalawa na nag-uusap, kaya huminto lang ako sa paglalakad. "My dad said I'm going to be your husband when we grow up." Natawa ako, at naglabas ako ng isang sigarilyo at naupo ako sa isang malaking ugat ng puno. Hindi naman nila ako nakikita. Pero kailangan ko silang bantayan dahil habang lumalaki si Ellizar, nagiging maloko. Marahil ay dala ng kaniyang kabataan. Pero may takot sa akin ang dalawang anak ko. Dapat lang. Dapat lang nilang malaman na ako pa rin ang dapat na sinusunod nila. "I don't care." Natawa ako ng mahina sa sagot ni Julia. Sinindihan ko ang sigarilyo ko at saka ko ito hinitit. "Why? There's a girl in my class who likes me, but I said no because of you... and you don't care?" Nagulat ako sa sinabi ng anak ko. Mukhang nagbibinata na nga ang panganay ko. Pero I like that. Naka-focus siya sa kung ano ang itinakda para sa kanila. "Yeah, I don't care. Can you go away? I'm playing." Sabi ng anak ni Julian. Napangiti ako. Para siyang si Nimfa. Straight to the point at palaban, at ang anak ko naman ay parang ako. Kung ano ang alam kong akin... dapat ay akin lang. "Ano ba kasi 'yang tinatago mo sa likod mo? Patingin nga." Tahimik lang ako. Nakikinig ako sa kanila. Gusto ko lang makasigurado na hindi magsasalita ng hindi maganda si Ellizar sa anak ni Nimfa. Hindi ko siya pinalaking nambabastos ng babae, kaya huwag niyang susubukan na gawin 'yon sa anak ng kaibigan ko. I trust him anyway, pero dahil iba na ang kabataan ngayon... kahit na may tiwala ka sa anak, kailangan pa ring bantayan. Pero masaya ako na ang dalawang anak kong lalaki ay may pakakasalan na sa tamang panahon. Katulad ni Mathayus na ipinagkasundo ko sa anak ni Josh at Celestina. "Gusto mong makita?" Napangisi ako. Ano naman kaya ang nasa likuran ni Julia? Pero biglang nanlaki ang mga mata ko, at bago pa ako makatayo upang lumapit sa kanila... narinig ko na ang sigaw ng anak ko. Naghi-hysterical, kaya halos madapa ako makalapit lang sa kanila. "Shiiiit." Mura ko ng makita ko ang isang maliit na bayawak na nakapatong sa tiyan ng anak ko. Halos nakahiga na siya sa lupa at sigaw ng sigaw, habang ang maliit na bayawak ay dahan-dahan gumagapang palapit sa mukha niya. Hindi naman ako makalapit, tang-na, kailangan kong matanggal ang bayawak na nasa tiyan ng anak ko. Mabuti na lang at mabilis na lumapit sa amin si Ozias dahil sa lakas ng sigaw ng anak ko, at saka niya kinuha ang maliit na bayawak, kaya agad kong itinayo si Ellizar. Yumakap ito sa akin habang nanginginig ang katawan. Nakaramdam tuloy ako ng awa sa anak ko. Nakuha niya ang takot ko sa mga lizard, lalong-lalo na sa bayawak. "Julia Grace Nirra Howard!" Sigaw ni Julian sa anak niya na mabilis na nakalapit sa amin. "Dad, I'm sorry. Pinakita ko lang naman po sa kanya 'yung pet ko." Naiiyak na sabi ni Julia. "It's okay bro. Hindi niya sinasadya. Gustong makita ng anak ko kung ano ang nasa likuran ng anak mo, pero late na bago ako nakalapit. Marahil ay tumalon ang bayawak sa katawan ni Ellizar. It's okay, Julia, wala kang kasalanan." Mahina kong sabi. Nilapitan naman agad ni Julian si Ellizar at tinanong kung okay lang ito. Tumango ang anak ko at ngumiti. Matapang naman si Ellizar. Katulad ko lang siya na may takot sa mga lizard. "Babe, ano ang nangyari?" Tanong ng aking asawa. Sumenyas ako ng iling sa kanya. Napatingin pa siya kay Ozias na hawak ang maliit na bayawak, kaya simple siyang napangiti, at napatingin sa anak namin. Tila ba alam na niya kung ano ang nangyari. "Sorry po, Tita Althea. Hindi ko naman po sinasadya." Paumanhin ni Julia. Hinawakan naman siya sa kamay ng asawa ko at saka siya niyakap. Sinadya man ni Julia o hindi. Wala pa rin siyang kasalanan dahil bata lang naman sila. Pagdating sa tamang edad nila... damn... baka malaking bayawak na ang ibigay niya sa anak ko. Tang-na. Dapat maghanda ng malaking kulungan ang anak ko para sa mga pets ni Julia. Sa isiping 'yon ay bigla akong natawa, kaya lahat sila ay nakatingin lang sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD