❀⊱Althea's POV⊰❀
Naglalakad ako patungo sa bahay ng mga mangagawa ng hacienda farm. Hinahanap ko ang asawa ko... kasama niya si Ozias kanina, at hindi ko na alam kung saan na sila banda napunta. Ang sabi niya, pupunta siya sa mga trabahador para kausapin ang mga ito, so duon ako papunta ngayon.
Hindi naman kalayuan ang bahay ng mga mangagawa mula sa main house... ilang minutong lakad lang, pero sapat para maramdaman mo 'yung init ng araw. Tahimik ang paligid kahit may mga taong kumikilos, may mga nagtatrabaho, at mahinang nag-uusap. Napapatingin pa sila sa akin at bahagyang nagyuyukod ng ulo sabay ngiti nila. Ngumingiti naman ako pabalik.
Habang naglalakad ako, medyo distracted pa rin ang isip ko. Ewan ko ba... parang ang dami kong iniisip kahit wala naman dapat isipin. Pero natigilan ako nang marinig ko ang tawag sa akin ng ina ni Pearl.
"Hija..."
Napalingon ako at nakita ko si Tita Aida, ang tiyahin ni Marcus. Every time na nakikita ko siya, nakikita ko rin ang mukha ng ina ni Marcus. Same eyes, same aura... parehong strong, pero may lambing kung tumingin. Mas close ang asawa ko sa ina ni Pearl kaysa sa sarili niyang ina. Hindi naman siya galit sa nanay niya, pero hindi rin niya ito madalas puntahan o kausapin.
"Hinahanap mo ba ang asawa mo?" Tanong ni Tita Aida, nakangiti, kaya ngumiti rin ako at tumango.
"Yes po, tita. Sabi niya pupunta siya sa mga trabahador, so I'm heading there." Nakangiti kong sabi. Tumango naman siya at saka naglakad palapit sa akin, at hinaplos ako sa braso.
"Pinuntahan nga niya ang mga trabahador niya. May mahalaga daw siyang sasabihin sa mga 'yon, kaya sinadya niya ang mga ito. Baka gutom na 'yon, kanina pa siya nagpunta duon." Sabi niya.
"Oo nga po eh. Kaya ko nga po siya pupuntahan duon ay para tanungin kung sasabayan ba niya akong kumain." Nakangiti kong sabi.
"Pero ikaw hija... kung nagugutom ka na, magsabi ka lang sa akin. I'm cooking lunch for everyone. Masama sa'yo ang magutom, kaya dapat kainin mo lahat ng gusto mo." Sabi niya, kaya napakunot ang noo ko. Masama sa akin ang magutom? Hindi ba at masama naman sa lahat ng tao ang magutom? Hindi lang sa akin, kahit naman sa kanila ay masama ang malipasan ng gutom.
"Ha? Bakit naman po masama sa akin?" Tanong ko, medyo nalilito pero napapangiti pa rin.
Napangiti lang siya, 'yung tipong parang may alam na hindi naman niya sinasabi sa akin. Ngumiti ako, pero ang ngiti ko ay alanganin na. Wala naman akong nararamdaman na kahit na ano sa katawan ko. Hindi ako nahihilo, hindi naman ako mainit, at lalong hindi naman masakit ang ulo ko.
"Hay naku hija... malalaman mo din 'yan, anak. Soon, nararamdaman ko na ang asawa mo ang magsasabi sa'yo." Sagot niya. Nagulat naman ako. May sakit ba ang asawa ko? O may sakit ako na alam ng asawa ko, at hindi sinasabi sa akin?
Napatawa ako ng mahina, kahit hindi ko gets kung anong ibig niyang sabihin. Before I could even ask more, niyakap na niya ako ng mahigpit... 'yung yakap na parang may halong pag-aalaga.
"Mag-ingat ka sa paglalakad mo ha. Bablik na ako sa kusina, marami pa akong lulutuing pagkain na gustong-gusto ng asawa mong kainin." Sabi niya, kaya napangiti na lang ako at tumango. Si Tita Aida talaga, kung ano-ano ang sinasabi.
"Thank you po, Tita, sarapan nyo lang po ang pagluluto ninyo, ha." Sagot ko, nakangiti lang ako sa kanya.
Pagkaalis niya, nagpatuloy ako sa paglalakad, pero hindi pa rin mawala sa isip ko 'yung sinabi niya. Malalaman ko din daw... soon.
Ano kaya 'yon? Hindi pa ako nakakalayo nang marinig ko ang mabilis na yabag sa likod ko. Bigla tuloy akong napalingon.
"Uy... wait! Mrs. Dux, hintayin mo ako." Natawa ako kay Nato na halos hinahabol ako para masabayan ako sa paglalakad, kaya huminto na lang ako at hinintay siya.
"Mrs. Dux, talaga? Nakakaloka ka." Sabi ko, kaya maging siya ay tawa na rin ng tawa.
"Hahanapin mo ba si Marcus?" Tanong agad niya, medyo hinihingal pa habang tumatawa. Akala mo naman ay napagod sa kaunting pagtakbo, samantalang kapag may hinahabol silang kalaban... parang hindi napapagod.
"Oo eh. May itatanong lang ako sa asawa ko." Sagot ko, at nagsimula na kaming maglakad.
"Kailangan ko rin siyang makausap. May mahalaga akong sasabihin sa kanya." Sabi niya kaya tumango ako.
"Oo, nanduon daw siya... kausap 'yung mga trabahador. Tara, sabay na tayo. At least may kasama akong maglakad." Wika ko habang mabagal akong naglalakad.
Habang naglalakad kami ni Nato... natigilan kami ng may marinig kami sa nadaanan naming kubo. Nagkatinginan pa kaming dalawa habang palakas ng palakas ang ungol na naririnig namin.
"Ang ganda mo talaga Sunshine... ang sarap mo." Boses ng isang lalaki na kilalang-kilala namin ni Nato. Halos lumuwa ang mga mata ko habang naririnig namin ang boses niya.
"Shiiiit, ang sikip mo... akin ka na lang, Sunshine... aalagaan kita... mamahalin kita..." Halos hinihingal na sabi ng boses na 'yon. Mahina namang tumatawa si Nato.
"Si Alvaro ba 'yon?" Gulat na gulat kong tanong, isa 'yon sa mga tauhan ng VENUM, at isa sa mga kaibigan ni Ozias na namumuno ng mga tauhan ng VENUM.
"Wala ng iba pa." Mahina niyang sagot. Pagkatapos ay bigla niya akong hinila sa braso palapit sa kubo. Pilit kong inaalis ang kamay ko sa pagkakahila niya sa akin, pero tawa siya ng tawa ng mahina para hindi kami marinig ng dalawang tao na naglalampungan sa loob ng kubo.
"Bilisan mo pa, Alvaro... aaaahhhh... ang sarap... ang sarap-sarap..." Boses 'yon ng kaibigan ni Pearl. Oh my gosh... si Sunshine nga.
"Ikaw na lang ang sumilip... ayoko. Huwag mo na akong idamay pa." Mahina kong sabi na halos ako lang yata ang nakarinig, sabay palo ko sa braso ni Nato, pero nahila pa rin niya ako sa may bintana. Baliw talaga ang best friend ng asawa ko. Dinamay pa ako sa paninilip niya. Ayoko nga, kaya ipinikit ko ang mga mata ko. Pero siya, nakasilip sa butas.
"Shiiit, nakatuwad ang babae, kinakabayo siya ni Alvaro." Mahina niyang sabi, kaya bigla akong umalis. Ayokong may makahuli sa kanya, tapos damay pa ako. Baka kung ano pa ang sabihin sa akin ng asawa ko. Baka pagbintangan pa ako ng aking asawa na naninilip. Hindi ko 'yon gawain.
"Aaaaahhhhh... ang sarap mo Alvaro... ang laki ng batuta mo. Ang haba ng batuta mo... ang sarap..." Sabi ni Sunshine, halos lumuwa ang mga mata ko sa narinig ko, kaya bigla kong tinakpan ang tainga ko. Susmaryosep silang dalawa, ang aga-aga, bakit dito sila nagkakabayuhan? Paano kung biglang may magpunta dito? Jusko!
"Sa iyo lang ang batuta ko kung hahayaan mo akong angkinin ka lang. Hayaan mong maging akin ka lang at hinding-hindi ko pahahawak sa iba ang batuta ko."
Langyang dalawa 'yan. Talagang batuta pa ang pinag-uusapan nila habang nag-aararuhan? Napatingin ako kay Nato, tuwad na tuwad, makasilip lang talaga siya sa maliit na butas ng bintana.
"Aaaaahhhhh, idiin mo pa... mas bilisan mo pa ang pagbayo."
Bigla akong natawa, at para hindi ko na marinig pa ang mga ungol nila ay mabilis akong tumakbo sa kabilang side upang hindi nila marinig ang mga yabag ko. Kailangan kong magmadali, iiwanan ko na si Natong bosero. Buti na lang at hindi niya katulad ang asawa ko.
Nang makarating ako sa mga bahay ng mga manggagawa, nakita ko duon ang aking asawa. Nakatayo at kausap ang mga taong nakatira sa mga bahay-bahay na 'yon. Hindi pa niya ako nakikita. Naupo lang ako sa isang upuan na mahaba na nasa ilalim ng puno.
"Ang gwapo talaga ng asawa ko." Bulong ko. Nakangiti pa rin ako, pero biglang nawala ang ngiti sa labi ko ng makita ko si Monique na papalapit sa aking asawa, may dalang isang basong tubig at iniabot niya ito kay Marcus. Tumaas ang isang kilay ko. Nakaramdam ako ng selos na hindi ko maipaliwanag. Lalo pa akong nainis ng bigla niyang pinunasan ang pawis sa noo ng aking asawa, pero agad na inilayo ni Marcus ang mukha niya. Pero makulit ang babaeng 'yon, pilit na inaabot ng panyo niya ang noo ng aking asawa na umiiwas na.
"Babe!" Malakas kong tawag. Nakatayo lang ako, titig na titig sa kanila. Nagulat ang asawa ko at napatingin pa kay Monique. Kasama nito ang nakababatang kapatid ni Pearl na si Rochelle Ellaine Sheng at ang isa sa kaibigan ni Pearl na si Mica Alonzo.
"Ate Althea!" Tuwang-tuwang tawag sa akin ni Rochelle habang kumakaway. Ngumiti ako sa kanya at kumaway din ako, habang si Monique naman ay nakatingin lang sa akin na akala mo ba ay karibal niya ako. F Y I, wala akong karibal dahil akin ang asawa ko. Akin lang, at ako lang ang tanging nasa puso niya.
"Hi, Ate Althea." Sabi naman ni Monique. Tumaas ang isang kilay ko, pinapakita ko na hindi ko gusto ang nakita ko. Ang asawa ko naman ay nagmamadali sa paglapit sa akin, at agad niya akong niyakap.
"Babe, wala akong ginagawang masama. Kasama ko sila Ozias, sila ang magpapatunay na kararating lang nila." Depensa agad niya. Hindi ako nagsalita, gusto kong maramdaman niya na hindi ko gusto ang nakita ko.
"Nang-aasar lang 'yan. Baka napansin ka niya kaya niya 'yon ginawa. Promise, walang kahit na sino ang makakaagaw ng puso ko sa'yo." Sabi ng asawa ko. Humugot ako ng malalim na paghinga at saka ako humarap sa kanya. Tinaasan ko siya ng isang kilay ko, pero isang halik sa labi ko ang ginawa niya.
"I swear." Bulong niya.
"I know. Nandito lang naman ako para tanungin ka kung gusto mong sumabay sa akin sa pagkain. Hindi pa kasi ako kumakain ng breakfast kanina, pero nagugutom na ako kaya nandito ako. Pero kung busy ka pa ay..." Hindi ko na natuloy pa ang sinasabi ko ng bigla niya akong binuhat ng pa-bridal style.
"Sabay na tayong kakain." Sabi niya sabay dampi ng halik sa labi ko.
"Ozias, ikaw na ang bahala sa kanila. Tapusin mo ang mga gusto kong sabihin sa kanila. Alam mo na kung tungkol saan ang mga 'yon." Malakas na sabi niya habang naglalakad na palayo. Hindi tuloy mawala ang ngiti sa labi ko.
"Huwag mong intindihin si Monique, mapang-asar lang talaga ang isang 'yon. Trust me babe, kapag nakilala mo ang mga 'yan... malalaman mo na puro lang sila kalokohan. Nakita ka niya kaya niya 'yon ginawa, siguro ay para pagselosin ka. Alam na alam mo na hindi kita lolokohin, hindi ba? Baliw ako sa pagmamahal ko sa'yo, at alam na alam mo 'yan." Sabi pa niya, kaya natawa ako. Alam ko naman 'yon at ganuon din naman ako sa kanya.
Kinausap na naman ako ni Pearl tungkol kay Monique. Sinabi niya sa akin na talagang mapang-asar lang ang kaibigan niyang 'yon, kaya hindi na lang ako mapipikon.