Chapter 10 -Buntis?-

1806 Words
┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ "Babe, bakit ba para kang lumalayo kapag katabi mo ako? Ano ba ang problema mo sa akin, ha?" Inis na sabi ni Althea, sabay bato ng unan diretso sa mukha ng asawa niya. Hindi naman malakas, pero sapat para makuha ang atensyon nito. Ilang beses na niyang napapansin na paulit-ulit na lang... na palagi na lang umiiwas ng kaunti si Marcus tuwing kakaligo lang niya, or kapag bagong spray siya ng pabango. Hindi niya tuloy alam kung may mali ba sa kanya. Naiisip tuloy niya na baka weird na ang amoy niya o mabaho na siya kahit nag-spray naman siya ng pabango, at lalong pumapasok sa isipan niya na baka hindi na siya attractive para sa kanyang asawa kaya ito lumalayo sa kanya. The thought alone irritated her even more. "Tinatanong kita... sumagot ka." Dagdag pa niya na tila ba gumaralgal pa ng bahagya ang boses niya habang naka-cross arms na siya at nakatitig nang diretso sa kanyang asawa. Napatawa lang si Marcus, mahina lang dahil kapag nilakasan niya, baka magwala na ng tuluyan ang asawa niya. Then, he scratched the back of his neck, parang nag-iisip kung paano sasagutin ang kaniyang asawa, pero hindi pa rin siya lumalapit. Actually, mas lalo pa siyang umatras ng kaunti, which only made things worse dahil halos magliyab na ang mga mata ni Althea. "Wala namang problema, babe." Sagot niya, trying to sound casual, pero halata sa boses niya na may tinatago. Hindi niya lang talaga masabi sa asawa ang dahilan kung bakit lagi siyang lumalayo. Paano ba naman kasi ay ayaw niyang masaktan si Althea just because of something as petty as perfume. Talagang nasusuka siya sa amoy ng perfume na ginagamit ng kaniyang asawa. Dalawang linggo na siyang nakakaramdam ng kakaiba sa kanyang katawan. Hindi lang simpleng ayaw niya sa pabango na gamit ng kaniyang asawa, pero talagang sumasakit ang ulo niya sa amoy, minsan nahihilo pa siya, at may moments na parang nasusuka siya for no reason. Tinatanong na nga niya ang sarili niya kung ano ba talaga ang nangyayari sa kanya. Kung hindi lang siya lalaki, baka napaisip na rin siyang buntis siya. The symptoms were just... weirdly specific. Kaya every time na lalapit si Althea na bagong ligo, fresh, and smelling like that same perfume... automatic, his body reacts. Hindi niya mapigilan 'yung instinct na umiwas kahit ayaw niyang gawin. Mahal na mahal niya ang kaniyang asawa, pero aminado siya na nasusuka siya sa amoy ng pabango nito, o sa shampoo, at body wash na gamit nito. Pinalitan na nga niya ang body wash, pero inalis 'yon ni Althea at ibinalik ang tinanggal niya sa shower room. Iyon kasi ang paborito ng kaniyang asawa, pero masyadong sensitive ng ilong niya ngayon sa body wash na 'yon. "Wala? Eh bakit ganyan ka?" Althea shot back, her brows furrowing. Mas lalong napakamot sa batok si Marcus, tila ba nag-iisip kung ano ang sasabihin niya sa kanyang asawa. "You've been acting weird lately, Marcus. Don't tell me na hindi mo na ako mahal? Don't tell me na ayaw mo na sa akin at may iba ka na." Naiiyak na sabi ni Althea. Nagulat naman si Marcus, kaya bigla na lamang ay iniisang hakbang niya ang pagitan nila, halos hindi nga siya humihinga ng niyakap niya ang asawa niya, pero bigla din niyang nabitawan ng halos bumaligtad ang sikmura niya, kaya tumakbo agad siya sa banyo, at pilit na sumusuka kahit wala namang inilalabas ang sikmura niya. Gulat na gulat naman si Althea na sinundan ang asawa niya sa loob ng banyo, kaya mas lalong naduduwal si Marcus. "Fuuuuck! Ano ba ang nangyayari sa akin? Bakit ganito ang nararamdaman ko?" Sigaw niya. "Babe, ano ba ang nangyayari sa'yo? Magsabi ka nga sa akin... may sakit ka ba?" Nag-aalalang sabi ni Althea, at naiiyak na talaga ito. "Lumayo ka muna sa akin, babe... nasusuka talaga ako sa amoy ng gamit mong sabon at pabango. I don't know what's happening, pero iyon talaga ang nararamdaman ko. Nasusuka ako every time naaamoy ko 'yon." Wika ni Marcus, hindi na maitago pa ang nararamdaman niya at aaminin niya na medyo nahihirapan na rin siya. Ayaw niyang magalit sa kanya ang asawa, pero kailangan nitong sabihin ang dahilan kung bakit ganuon na lang ang nararamdaman niya. Bigla namang napaatras si Althea at saka niya tinitigan ang asawa na bahagyang nakayuko sa sink habang nakadiin ang dalawang kamay nito sa counter top ng banyo, searching his face, trying to process everything. Then slowly... parang may kung anong bumulong sa tainga niya, kaya bigla na lamang ay natulala siya. Nakatitig habang kung ano-ano na ang pumapasok sa utak niya. Unti-unting napaawang ang labi niya habang kusang napunta ang kamay niya sa tiyan niya, as if her body already knew something her mind was just starting to catch up with. Nanginginig ang labi niya ng bumuka ito upang bigkasin ang salitang tila ba hindi siya sigurado, pero may posibilidad. "B-buntis ba ako?" Halos pabulong na tanong niya sa sarili, pero sapat na iyon para marinig ni Marcus ang sinabi niyang 'yon. Parang nag-slow motion ang lahat kay Marcus. The way her voice cracked, the way she held her stomach... everything hit him all at once. Dahan-dahan siyang lumingon sa kaniyang asawa, his brows knitting in confusion and disbelief. "W-what? A-ano ang sinabi mo?" Tila ba nauutal na tanong niya sa kaniyang asawa na nakatayo lang sa may pintuan ng banyo. "I think... I think I'm pregnant." Nanginginig ang boses na sabi ni Althea, as her eyes started to well up with tears. "I think... i-ikaw ang nakakaramdam ng symptoms ng pagbubuntis ko. More than a month na akong hindi nagkakaroon... pero wala akong nararamdaman na kahit ano, kaya hindi ko pinansin. Akala ko simpleng delayed lang katulad ng mga nakaraang hindi ako nagkakaroon ng isa hanggang dalawang buwan, pero... pero babe... sa nakikita ko, sa nangyayari sa'yo... I think... I think I'm pregnant." Sabi pa niya habang nakatulala na yata si Marcus habang titig na titig sa kanya. Napailing naman si Althea, still trying to piece everything together. Tinitigan niya ang asawa niya. Ang pagsusuka nito... ang pamumutla, at ang mga pagkaing hinihingi nito. At ngayon... ayaw na ayaw nito ng amoy ng sabon na ginagamit niya, ng pabangong paborito dati ng asawa niya at hinahalikan pa siya sa leeg kapag iyon ang gamit niya... pero ngayon ay nasusuka ito at ayaw na ayaw ang amoy ng mga ito. "Look at you. 'Yung pagsusuka mo, 'yung hilo, pati 'yung cravings mo na sobrang weird... lahat ng 'yan, I think ikaw ang naglilihi sa ipinagbubuntis ko." Sabi pa niya at napatawa siya ng mahina kahit naiiyak, remembering all those random food combinations Marcus had been asking for. Ngayon ay nauunawaan na niya kung bakit. Akala niya ay pinagtitripan lang siya ng asawa niya, pero ngayon ay tila ba alam na niya kung bakit ganuon ang nararamdaman nito. Pati ang sinabi ng Tita Aida ni Marcus... lahat ngayon ay nagtutugma na. "I think... I think buntis nga ako." Sabi pa niya, pagkatapos ay unti-unting tumulo ang luha niya habang hinahaplos ang tiyan niya, her fingers trembling. "W-what... b-buntis ka na ulit?" Hindi makapaniwalang tanong ni Marcus. His heart was racing, and for the first time in weeks, nawala sa isip niya 'yung pagkahilo at pagsusuka. Napalitan iyon ng isang overwhelming na pakiramdam... hope, nervous, excitement... all at once. Ito na 'yon. The thing they've been waiting for. "I think buntis nga ako, babe... oh my God... bakit parang bigla kong naramdaman na may buhay sa sinapupunan ko?" Nanginginig na sabi pa ulit ni Althea, sabay takip ng dalawang kamay niya sa bibig niya, her eyes wide in disbelief. "Buntis na ulit ako." Tuluyan na siyang napaiyak. Hindi makapagsalita si Marcus. Titig na titig lang siya sa kaniyang asawa, at pilit niyang isinasaksak sa kaniyang utak na hindi siya gino-good time lang ni Althea, na ang sinabi nito na buntis siya ay totoo. Pagkatapos ay dahan-dahan siyang lumapit kay Althea, at wala na siyang pakialam pa kahit na nasusuka pa siya sa amoy nito. Maingat niyang hinawakan ang kamay ng kaniyang asawa... at saka niya ito hinalikan. Then slowly, inilagay niya ang kamay niya sa tiyan nito at saka pumatak ang luha niya. "A-are you... are you serious?" Mahina niyang tanong, tumutulo ang mga luha niya. Ngumiti si Althea at saka siya tumango ng sunod-sunod bago siya nakasagot. "I think so... I really think so." "Oh God... ito na 'yon... babe ito na ang pinakahihintay natin. Sana... sana matupad na ang pangarap natin na mabiyayaan tayo ng isang anak na babae. Magpapabili agad ako ng pregnancy test, at kapag nalaman natin na positive ang resulta ay pupunta na agad tayo sa doktor upang sila na mismo ang kumimpirma sa atin na magkakaroon na tayo ng panibagong anak." Sabi ni Marcus, at tango lang ng tango si Althea. Pakiramdam niya ngayon ay sigurado na siya na may laman ang kaniyang sinapupunan. "Kaya pala pakiramdam ko ay tumataba ako, iyon pala ay may... may laman na ang sinapupunan ko. Akala ko napaparami lang ako ng kain pero sa tingin ko ay may laman na nga ang sinapupunan ko." Umiiyak na sabi ni Althea. Agad na binuhat ni Marcus ang kaniyang asawa at maingat niya itong inihiga sa kama. Hinaplos niya ang mukha nito at saka niya ito hinalikan sa labi. "Dito ka lang... pupuntahan ko lang si Tita Aida." Mahina niyang sabi, at paglabas niya ng silid, hinanap agad niya ang kaniyang tiyahin, at ng makita niya ito... agad siyang nagtanong kung sino ang pwedeng utusan na bumili ng pregnancy test, pero tila ba naka-ready ang kaniyang tiyahin, dahil hinila siya patungo sa silid. nito, at ng makarating sila, may kinuha lang ito sa drawer at saka inabot ang dalawang kahon kay Marcus. "Hinihintay ko talaga ang araw na ito. Sa tingin ko ay naglilihi ka para sa asawa mo." Sabi nito, kaya halos nanginginig ang buong katawan ni Marcus na niyakap ang tiyahin niya, at saka siya nagpaalam upang balikan na ang kaniyang asawa dala ang dalawang kahon ng pregnancy test, at makikita sa mukha ng kaniyang tiyahin ang labis na katuwaan. Lumipas ang sampong minuto, pagkalabas ni Althea ng banyo ay nakatitig na sila sa isa't isa. Naghihintay si Marcus sa sasabihin sa kanya ng asawa niya, pero hindi ito nagsasalita, at sa halip... iniabot sa kanya ang dalawang pregnancy test na may dalawang guhit. Nanginginig ang kamay ni Marcus na niyakap ang asawa niya. Tuwang-tuwa siya dahil buntis nga ang asawa niya. Buntis na at magkakaroon silang muli ng panibagong anak. "Magbihis ka mahal ko at pupunta tayo ng hospital ngayon din." Sabi ni Marcus. Tango lang ng tango si Althea, at masayang-masaya siya na madadagdagan pa ng isa ang dalawa nilang anak na sina Ellizar at Mathayus. -To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD