bc

Minsan na kitang Inibig

book_age18+
1
FOLLOW
1K
READ
badboy
powerful
heir/heiress
bxg
lighthearted
campus
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Sa edad na disi-syete ay na-inlove si Tanya sa lalakeng mahigit walong taon ang tanda sa kaniya,bata pa siya at masyadong mapangahas sa mga bagay na hindi muna ping-iisipan kaya nangyari ang hindi inaasahan.Nabuntis siya ni Tyrone at basta na lamang siyang iniwan na gulong-gulo ang kaniyang isipan..

Ngunit,makalipas ang mahigit limang taon ay muling bumalik ang lalakeng minsan ay kaniyang inibig.

Anong kahihinatnan ng muli nilang pagkikita lalo na at kasama nito ang anak sa muli nitong pagbabalik.

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
Makailang ikot muna ang ginawa niya sa salamin upang masigurado na maganda siya sa kaniyang suot na white sleeve less blouse na tinernuhan niya ng pink skirt at ang kaniyang paboritong puting sapatos.Hmmm...bagay na bagay sa kaniya ang suot,kunsabagay kahit ano naman ang kaniyang isuot ay lahat naman bumabagay sa balingkinitan niyang katawan.Saka marami din naman nagsasabi na magaling siyang magdala ng damit,siya ang tinaguriang fashionista sa kanilang classroom. Ngunit hindi pa ito tuluyan nasiyahan sa hitsura kaya naglagay pa ito ng liptint at blush on sa mukha at hindi pa nakuntinto pinintahan pa ang kilay ng eye liner na kinuha lamang niya sa bag ng kaniyang Ate Samantha.Nakasirintas ang alon-along buhok na bumagay sa kaniyang hitsura. "Ayan,perfect!"natutuwang bulalas niya ng masiyahan sa kinalabasan ng pag-aayos sa sarili. Pakendeng-kendeng pa itong bumaba ng hagdan.. Nadatnan niya ang kaniyang ama't ina na naghihintay na sa kaniya sa sala. "Ano ka ba naman bata ka,napakatagal mo,aba'y mahuhuli na tayo sa ating pupuntahan." Napasimangot siya ng sambitin na naman ng kaniyang ina ang salitang 'bata'ilang beses ba niyang sasabihin na hindi na nga siya bata.. Seventeen years old na siya at hindi na bata,ang kulit talaga ng kaniyang Nanay.Palagi nalang kapag imemention siya nito ay may karugtong na 'bata'..pwede naman sa pangalan na lang nito ang banggitin..Hays! "Nay,hindi na nga ako bata,tingnan nyo naman oh?"aniya sa ina na itinuro ang kaniyang labi na medyo mapula sa inilagay niyang liptint at nagpipinkish na pisngi gawa ng blush on. "Hay!ano ka ba?kababata-bata mo pa nagmimake-up ka na,kailangan ka pa natutong maglagay niyan sa mukha mo?" Umikot ang eyeball niya sa sinabi ng ina,para naman itong sirang plaka na paulit-ulit,bakit ba pinagpipilitan pa rin ng kaniyang ina ang bagay na iyun..May bata pa ba na nagkaroon na ng menstruation...teen na siya,nasa kalagitnaan na siya ng pagdadalaga,subalit ang kaniyang ina pilit pa ring tinatawag siya na bata...nakakairita! Bahagya natawa si Maximo sa kaniyang mag-ina lalo na sa kaniyang bunsong anak na si Bella,sa hitsura kasi nito ay hindi maikakailang seventeen pa lamang ang edad dahil talaga naman kung titingnan ay isa na itong ganap na dalaga... "Naku!hayaan muna kasi Mang,dalaga na ang anak natin..." "Anong dalaga ang pinagsasabi mo diyan,Maximo...kahit nga panty niyan hindi pa magawang malabhan.." "Nay..." "Oh!ay bakit?totoo naman hindi ba?tapos kung makapaglagay ka ng kolorete diyan sa mukha mo.." Tuluyan na siyang napabusangot ng mukha sa tinuran ng ina,mabuti na nga lang at ang kaniyang Tatay lamang ang nakarinig,paano pala kung may ibang tao na nakarinig ng pinagsasabi ng kaniyang ina,oh di nakakahiya!.. "Oh!huwag muna intindihin ang iyung ina,papangit ka nyan.."pag-aalo ni Maximo sa kaniyang anak ngunit pabulong lamang iyun."para sa akin isa ka ng dalaga." Napangiti siya sa ama,kakampi talaga niya ito sa lahat ng oras kaya naman mas sa ama pa siya naglalambing kesa sa kaniyang ina..kahit wala rin naman siyang masabi sa pagiging isang mabuti at mapagmahal nitong ina sa kanila ng kaniyang Ate Samantha,iyun nga lang mas ini-spoil siya ng kaniyang ama.. "Anong pinagbubulungan ninyong mag-ama?"tanong nitong napakunot-noo. "Sssshh.." Senyas sa kaniya ng ama tanda na huwag siyang maingay at tiyak na pati ito ay pagbabalingan rin ng kaniyang ina.. Napahigikhik na lamang siya,saka kumindat sa ama. Sakto lang naman ang oras ng pagdating nila sa okasyon na kanilang dadaluhan sa tingin naman niya ay kasisimula palang ng party..Inilibot niya ang tingin sa loob ng function hall at may pagkadismayang bumalot sa mukha niya ng makitang halos may edad na ang mga bisitang naroroon..Aba!siya lang ata ang pinakabata. Naku naman!kung alam lamang niya na ganito ang okasyon na kanilang pagdadaluhan hindi na sana siya nag-effort pa na magpaganda.. "Nay,ano ba itong okasyon dinaluhan natin?parang ako lang naman ang pinakabata,saka tingnan nyo naman oh?"turo niya sa mga halos kasing edad lang nang kaniyang Inay at Itay ất bukod tanging siya lang nga ata ang pinakabata doon. "Sino ba ang may sabi saiyong okasyon ang pupuntahan natin." "Eh!ano?" "May patawag si Don Ramon kakausapin daw yung mga may ari ng lupa malapit sa danawan.." "Ho?"bulalas niya. Gustong magpapadyak ng mga paa sa sinabi ng kaniyang ina.Ibig sabihin hindi naman talaga okasyon ang pinuntahan nila..Eh!ano naman ang kinalaman niya kung nagpatawag ng meeting si Don Ramon.Anu naman ang magagawa niya sa bagay na iyun,eh!wala nga siyang kaalam-alam tungkol sa lupa,basta ang alam niya may lupa silang pagmamay-ari na malapit sa danawan at iyun lang yun..At bakit kailangan pa siyang isama ng ama't ina sa usaping iyun eh!ano ba naman malay niya.. "Gusto mo ba ng juice?kumuha kana lang dun"itinuro ang nasa mahabang mesa na may mga box ng Juice...at may kasama na rin sigurong biscuit and sandwich samantalang yung iba nga eh!nag-uunahan pa sa pila para kumuha,tapos siya uutusan pa ng ina na pumunta doon para kumuha,ano makikipila din siya?huwag na no!nakakahiya... Sa pormahan niyang iyun sa pameeting lang pala ni Don RAmon ang pupuntahan nila,ang buong akala pa naman niya isang okasyon na talagang mag-eenjoy siya at makakakita ng mga cute na guys,iyun pala mga matatandang makukunat na ang balat. "Nay,naman.."pagmamaktol niya.."bakit ninyo pa ako isinama dito,sayang lang yung outfit ko!at saka maboboring lang ako dito,anong gagawin ko ang makinig ng sasabihin o paliwanag ni Don Ramon.Ano naman malay ko." "Eh! bakit ba nagrereklamo ka diyan,dati-rati naman kasakasama ka namen ng Itay mo sa mga ganitong patawag.." Ahhh!gusto na talaga niyang maglupasay sa kaniyang kinauupuan.Noon yun,bata pa siya,yempre gusto niya palaging sumama sa mga ito dahil nakakaalis siya ng bahay..nakakagala siya,tapos pagpasok niya ng school may maipagmamalaki siya sa mga kaklase na gumala siya kasama ang kaniyang INay at Itay na kahit pa abutin ito ng tatlo o apat na oras sa mga ganuon pagpupulong ay okay lang sa kaniya kasi busy rin naman siya maglaro sa mga pinupuntahan nila.Nawiwili siyang magmasid sa paligid pero hindi na ngayon,iba yung noon na na masaya at eneenjoy pa niya ang pagsama-sama ngayon ay nakakabagot na ang bawat oras,nakakaboring! Saka lang naman niya narealize iyun nitong mga huling pagsama-sama na sa kaniya ng kaniyang Itay at Inay dahil wala naman siyang ginagawa kundi ang maupo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
103.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.0K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
29.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.5K
bc

The naive Secretary

read
69.6K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook