Diane’s POV Malapit na ang pinakahihintay naming araw. Pero bago iyon ay narito na naman ako sa sementeryo. Araw-araw na akong bumibisita dito simula ng makaalis kami sa resort na iyon. “Kanina pa kita hinahanap, Diane!” Napalingon ako kay Tiara na nakahalukipkip sa likod ko. “Hindi ka pa nakabihis pero nandito ka na naman!” aniya at tumabi sa akin. Parehas kaming napatingin sa puntod na nasa harapan namin. “Siya na naman. Ano ba, teh! Move-on din pag may time!” sabi ni Tiara at ginulo ang buhok ko. Ilang buwan na rin simula nang binaril niya ang sarili niya. Hindi ko maintindihan kung bakit. Bakit binaril niya ang sarili nya kung nasa harapan niya naman ako? Masaya akong tatanggapin ang balang sa kanya nakalaan. “Siguro hirap na hirap na siya. Naguguluhan siya, Diane. Naguguluhan si
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


