Diane’s POV Kinuha ni Renz ang buhok ni Dominic at itinayo siya. Kahit nahihirapan ay tumayo pa rin si Dominic upang hindi na mahila pa ang buhok niya. Tinutukan niya ng baril ang pisngi niya. Masamang tingin lang ang tanging naiganti ni Dominic. “Ikaw. Ikaw yung babaeng nakatakas hindi ba? Ikaw yung babaeng hindi ko napatay” tanong ng seryosong Renz kay Dominic na ngayo’y nanggagalaiti sa galit. “H-hindi ko alam ang pinagsasabi mo” sagot ni Dominic. “Wag kang magsinungaling!” Mas idiniin ni Renz ang ulo ng baril sa pisngi ni Dominic. Napakunot ako ng noo. Siya? Si Dominic ba? Dominic Perez hindi ba? Dahil ba pangalan niya ang Dominic kaya siya na agad? Paano naman ako? Perez ang apelyido ko diba? Bakit hindi ako? Napapikit ako habang nilulunod ang mga nag-iingay sa paligid ko. Kaila

