Takot na takot si Jihannah habang naghihintay sa isang kwarto. Alam niyang malapit na ang katapusan niya. Pero hindi niya mawari kung paano siya mamamatay. Narito siya sa isa sa mga storage room, ang kwarto kung saan pinatay ang isa sa mga kaklase niya. Hindi siya makatingin sa kaklase niyang kung saan-saang direksyon nakalagay ang mga buto. Alam niyang masusuka lang siya kung tinignan niya ito ng matagal kaya’t minabuti niyang wag na lang. “Sinong tao? Pakawalan niyo nga ako!” sigaw ni Jihannah habang sinusubukan niyang makaalis sa upuan kung saan siya nakatali. Mahapdi na ang kamay niya dahil sa ginamit na pangtali sa kanya. Ngunit sa gitna ng pagwawala niya ay may narinig siyang tumawa. “S-sino ka?!” sigaw ni Jihannah pero mas takot ang mukha niya. Kitang-kita niya ang buong kwart

