Kakapa-kapa sa paligid si Dominic at Jaimarie dahil hindi sila makakita ng maayos. Balak nilang hanapin ang balkonahe kaso may nakita pa silang isang pintuan na hindi pa nila napapasukan. Nagkatinginan silang dalawa, nagdadalawang isip kung papasukin ba ang pintuan. Pero sa huli ay binuksan nila ang pintuan. Tumambad sa kanila ang ilan pang hagdanan at muli silang nagkatinginan. Nauna si Dominic sa pag-akyat sa hagdanan. Dinala sila ng hagdanan papunta sa rooftop ng resort. Pagbukas nila ng pintuan ay humangin agad ng malakas. Lumabas sila at nakita ang magandang tanawin sa harap nila. Kaso kung gaano kaganda ang tanawin na nakikita nila, ganon naman kapanget ang sitwasyon nila ngayon. "Uy! Baka may signal!" ani Jaima at inilabas ang kanyang cellphone. Naglibot-libot siya sa itaas upan

