Diane's POV "Opo. Opo... po? Ah, opo! Opo. Opo. Ha? Opo. Sige po. By-- opo! Bye ma!" sabi ko at agad na ibinaba ang telepono. Napabuntong-hininga ako. Andami talagang sinasabi ni mama once na nagkausap kami sa telepono. Nagpaalam ako sa kanya na aalis kami at mawawala ng tatlong araw. Malungkot siya kasi hindi na nga kami nagkakausap ng maayos tapos mawawalan pa kami ng koneksyon ng tatlong araw. Ang pagkakaalam ko kasi ay bawal muna ang gadgets doon sa pupuntahan namin. Napatingin ako sa backpack na dala ko. Medyo malaki siya pero kumpleto na ang mga gamit at damit na dadalhin ko doon. Humiga ako sa kama at napatulala sa kisame. Maya-maya lang ay dahan-dahan na akong pumupikit at tuluyang nakatulog. *** "Gusto niyo bang maglaro?" tanong ng isang bata sa amin. Napatigil ako sa pa

