[20]

1309 Words
Nasa isang unit si Uno at Dos at nagmumuni-muni. Hindi sila diretsong umuwi kundi doon muna sa unit na binili nilang tatlo kasama si Joseph bilang Tres. Tinitignan ni Dos ang isang Swiss knife na nabili niya kani-kanina lang. "Ang ganda. Bagong-bago. Sobrang talas" aniya habang pinagmamasdan ito. "Tumahimik ka nga. Your obsession with knives is annoying" sabi sa kanya ni Uno at umirap. Inip na inip na siya habang naghihintay. Itinago ni Dos ang Swiss knife at inirapan din si Uno. "Ang sunget mo talagang lalake ka. Lalake ka ba talaga?" tanong ni Dos. "Tumahimik ka nga!" ani Uno kaya't tinikom na ni Dos ang kanyang bibig. Alam na ni Dos ang mangyayari kung badtrip na nga si Uno at palalalain niya pa. Kaya't minabuti na lang niyang tumahimik. "Uno, nakita ko si Tres sa haunted house. Nakapag-usap pa nga kami eh. Siya yung sumugod kay Danielle tapos may dala siyang axe" "Hm" tugon ng walang pakealam na Uno. Napairap ulit si Dos. Maya-maya lang ay may pumasok sa bintana nila. Hindi na nagulat si Uno pero napangiti si Dos. "Tres! Ano? Nalito mo na ba yung mga pulis?" tanong sa kanya. Tumango naman si Joseph kay Dos. Hindi nakinig si Uno sa kanilang dalawa. Iniisip niya kasi yung insidente noong bata siya. Nahanap na niya. Nahanap na niya yung babaeng nakaligtas noon sa laro niya. "Uno? Uno!" sigaw ni Dos. Nawala sa ulirat si Uno at napatingin sa dalawang kasamahan niya. "Anong plano natin?" tanong sa kanya ni Tres. "Edi ipagpatuloy ang laro" aniya at ngumisi. *** Diane's POV Nakatulala na naman ako sa hangin. Nagtuturo ang guro sa harapan pero halos lumilipad kung saan-saan ang utak ko. Pero alam kong hindi lang ako yun ganun. Karamihan sa amin ganun. Bumalik sa labing-apat ang bilang namin. Nabawasan kami ng dalawa. Dead on arrival si Raniel pagdating sa ospital. Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon. Gusto kong makalimutan to. Gusto kong makalimutan ang lahat. Pero hindi ko alam kung kaya ko. Gusto kong makalimutan ang mga kababalaghan na nangyari. Ang mga mukha ng mga kaklase kong patay. Pero ayaw kong kalimutan ang mga masasayang alaala kasama namin. Natapos na ang buong klase pero bago umalis ang guro ay may sinabi siya. "Class, I almost forgot. Your fieldtrip is just a day away. Don't forget to pack tonight. You'll be staying at some place for 3 days" Binigyan niya kami ng ngiti at tsaka umalis. "My gahd! Fieldtrip na naman? Please, I hope it won't turn out like our other field trip" ani Pres at yumuko. Napatingin si Tiara sa akin at nakakunot ang noo niya. Alam kong kinakabahan siya. Pumasok ang adviser namin. "Class, nainform na ba kayo about sa fiel trip niyo?" tanong niya sa amin. May mga tumango. "Okay. About sa field trip. Magkaiba ang field trip niyo sa ibang estudyante at ibang seksyon. Dahil nga sa mga naranasan niyo, we decided na sa isang resort kayo magfi-field trip for 3 days. Okay ba yun, class?" Nakangiting tanong niya. May mga sumigaw sa tuwa habang yung iba ay tahimik lang. Resort? Sana kumpleto na pati sa swimming pool. "We'll be leaving for the van the day after tomorrow kaya't magready na kayo ha?" Tumango kami at nagbigay ng ngiti si ma'am bago umalis. "Swimming! Swimming!" tuwang-tuwa na sabi ni Tiara. "Sus. Makikita lang namin yung bilbil mo eh" biro ko at napatawa sila Dominic. Tinignan naman ako ng masama ni Tiara at binelatan. Habang nagtatawanan sila at nagbibiruan ay napatingin ako sa ilabas ng bintana. Nagulat ako nang makakita ng isang taong naka-hood. Malayo siya sa amin kaya't di ko maaninag ang mukha niya. Kumunot ang noo ko nang parang may kinukuha ito sa likod niya. Inilabas niya ang isang.. patalim? Nanlalaki ang mata ko habang tinitignan ko na paikot-ikutin niya ang patalim sa kamay niya. Tinanggal niya ang kanyang hood kaya't nakita ko ng mabuti ang mukha niya. Malayo dahil nasa mataas kami pero sigurado akong si Joseph ang nakita ko! "Guys.." tawag ko sa kanila habang nakatingin pa rin kay Joseph na di umaalis sa pwesto niya. Kinalabit ko si Tiara at panandaliang tinignan siya upang ituro si Joseph pero pag tingin namin sa labas ay wala na siya. "Ano yun Diane?" tanong niya sa akin. "N-nakita ko si Joseph kanina" sabi ko sa kanya ngunit bulong lang. Kumunot ang noo niya. "Saan?" Itinuro ko ang lugar kung saan siya nakatayo kanina. Dyan lang sa harapan namin. "Sus! Wala naman Diane eh! Siguradong naprapraning ka lang. Alam mo, kailangan mo na talagang mag-relax. Gusto mong mag-mall tayo mamaya?" tanong niya. Umiling ako. "Nako wag na, Tiara. Wala akong pera panggastos" sabi ko at tumayo. Iniikot ko ang mata ko sa classroom at nakita ko si Ara na nagsusulat sa isang maliit na notebook. Lumapit ako sa kanya. Sumilip ako sa likod niya upang makita kung ano ang sinusulat niya pero gumuguhit pala siya. Itinaas ko pa ng kaunti ang ulo ko para makita ang sinusulat niya kaso napansin niya ako. Agad niyang tinakpan ang notebook. "Diane! Anong ginagawa mo dito?" tanong niya sa akin pero hindi gulat ang ekspresyon niya. Nakangiti siya sa akin. "Wala. Wala kasi akong magawa eh. Tapos nakita kong busyng-busy ka" sabi ko at nagkibit-balikat. Umupo ako sa tabi niya. "Sige. Para may magawa ka, magkwentuhan tayo. Uhm.. may tanong ako. Sa tingin mo, dito sa buong room, sino ang killers?" Pinagmasdan ko ang buong room. Busy sa sarili nilang mundo. Una akong napatingin kay Jihannah. "Hindi kaya si Pres? Kasi nananakit siya ng tao, diba? Siguro kaya niya ring pumatay. Pero opinyon ko lang to ah!" mabilis kong dugtong sa sinabi ko. Napatawa naman siya. "Sige. Ako uhm.. si Jason. Nakakatakot mukha niya eh. Mukha talaga siyang killer" Sabay kaming tumawa. "Paano kaya kung si Robert? Diba namatayan siya ng pusa? Mahilig pa naman siya sa mga pusa" saad ko. "Eh? Imposible. Unang pinatay ng killer yung pusa. Alangan si Robert yung pumatay sa pusa?" sabi niya. "Oo nga noh" pagsang-ayon ko. "Si Dominic kaya? Diba na-trauma siya? Baka naman naalog yung utak niya?" sambit niya. "Pwede. Si Anna kaya? Baka may tinatagong sikreto yung babaeng yun" sabi ko at humalukipkip. "Pwede ring si Tiara. Pwedeng si Jaimarie. Pwedeng ako. Pwedeng ikaw. Lahat ng tao na nasa loob ng classroom na ito ay pwede eh. Lahat tayo ay may kakayahan na makasakit at makapatay" aniya at yumuko. Binigyan ko siya ng tipid na ngiti. At ngumiti naman siya pabalik. "Clues. Wala bang clues dito? Ano ba yung mga ginamit ng killer sa pangpatay? Una, baril. Meron ring palakol doon kay Rachelle. Lalo na ang kutsilyo. Baril, palakol, kutsilyo. Tingin ko si Joseph na ang gumagamit ng palakol. Sino dito sa atin ang mahilig sa baril at kutsilyo?" Tumingin ako sa kanya at nagkibit-balikat naman siya. Napailing na lang ako. "Hindi ko alam. Wala akong kilala na mahilig sa ganun. Hay! Wala rin tong patutunguhan kung sakali. Kung buhay lang sana si Angela eh" sambit ko. Napatingin siya sa akin. "Anong meron kay Angela?" tanong niya. "Ang sabi nila Dominic, halos kilala daw ni Angela ang mga kaklase natin. Pati tayo. Alam niya lahat ng paborito nating kulay, pagkain at iba pa. Ang nakakatakot, alam niya rin lahat ng ginawa nating masama. Alam niya kung sino yung mga may baril na naka-display sa bahay. Mga impormasyon ng mga bata pa tayo at kung nasangkot ba tayo sa mga krimen. Alam niyang lahat ng yun. Nakakatakot nga dahil parang mas alam niya pa tayo kaysa sa mga sarili natin" mahabang sabi ko. Tumingin ako sa kanya at kita kong nakayuko siya. "Alam niya lahat..?" Ngumiti siya bigla. "Grabe naman yun. Pati mga ilegal na ginawa natin alam niya. Maganda ba yung patay na siya ngayon?" tanong niya sa akin. "Uhm.. siguro may magandang idinulot rin" sabi ko at nagkibit-balikat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD