Diane's POV
Naiinip ako habang inaantay ko si Renz na lumabas sa House of Mirrors. Bawal naman akong umalis sa pwesto ko dahil bawal kong iwan ang buddy ko.
Katabi ko si Anna at Trixie na hinihintay rin si Raniel na lumabas ng House of Mirrors. Magkasama kaya ang dalawang yun?
Sus. Baka naglalampungan na. Hahaha.
Napalingon ako doon nang marinig ko ang malakas na pagbagsak ng mga salamin. Mukhang nabasag yung mga salamin sa loob!
Nagkatinginan kami nila Trixie. Pare-parehas kaming nag-aalala sa dalawang kaibigan naming nasa loob ng House of Mirrors.
Napatayo ako nang makita kong mahinang-mahina si Renz nang lumabas siya.
Sugat-sugat ang kanyang mukha at punit-punit ang mga damit niya. Mabilis ko siyang dinaluhan at inakay papuntang bench.
"Anong nangyari? Si Raniel na saan? Kasama mo ba?" tanong ko sa kanya.
"S-si Raniel.." Lumapit ang mga mukha ni Trixie at Anna sa kanya upang marinig ang kanyang sasabihin. "Nabagsakan ng mga salamin"
Napatingin ako sa mga staff na tulungan sa pagbubuhat ng mga salamin sa loob. Lumapit kaming tatlo at iniwan si Renz na sugatan sa may bench.
Umiiyak na ngayon si Trixie. Nang makalapit kami ay kita namin na kinakaladkad nila paalis ang isang katawan na duguan at punong-puno ng mga bubog.
"Raniel.." bulong ko nang nakita ng maayos ang kanyang mukha.
Tagos-tagos sa mukha niya ang mga bubog ng mga salamin. Ang sabi ng mga staff ay siya lang ang nasa loob nang magbagsakan ang mga salamin.
"Ano to?! Ha?! Bakit alam niyong delikado pero pinatayo niyo pa rin!?" sigaw ni Trixie sa isa sa mga staff.
"Sorry po. Pero ngayon lang po ito nangyari. Matibay po ang pagkakagawa ng mga salamin na to" sabi sa kanya.
"Anong matibay?! Kung matibay ba yan ay mababagsakan ba ang kaklase ko?! Gusto mo bang mag-reklamo ako tungkol sa lugar na ito?!" Dinaluhan siya ni Anna at agad na pinapakalma.
Namatay si Raniel. Hindi. Pinatay siya.
Wag pakampante. Di pa tapos.
Iniisa-isa pa rin kami.
Bumalik ako kay Renz na nakatulog na doon sa bench. Umupo ako sa tabi niya at hinayaan siyang matulog doon. Para akong nawalan ng gana. Dahil meron na namang kinuhang buhay.
Kailan ba mangyayari na walang namamatay sa paligid ko?
***
Maaga kaming bumalik ni Renz sa van. Sumunod sa ospital si Anna at Trixie dahil sa pag-aalala sa kanilang kaibigan.
Dapat ay pupunta ring ospital si Renz upang makita kung may bumaon ba na bubog sa kanya kaso ay ayaw niya kaya dito kami sa van dumiretso.
Binigyan na lang siya ng adviser namin ng first aid.
Maya-maya ay dumating na sina Tiara kasama si Dominic, Jaimarie, Ara, Pres, at MJ. Napansin kong kulang sila.
"Diane.." Umiiyak si Tiara ng pumunta siya sa akin.
"A-anong nangyari?" kunot-noo kong tanong sa kanila.
"Pinatay si Danielle ng isa sa mga unknown staff doon sa haunted house. Nakakapagtaka kasi wala daw dapat manghahabol sa amin sa loob. Hindi nila kilala kung sino yung killer" sabi ni Dominic at tumabi sa akin.
Malulungkot ang mga mukha nila.
Napatingin ako sa adviser namin na malungkot. Akala niya ay makakalimutan na naman ang tungkol doon sa patayang naganap. Pero hindi pa rin pala tapos.
Hangga't di namin nakikilala kung sino ang killer, papatay at papatay sila hanggang sa maubos kami.
Maya-maya lang ay nagsibalikan na ang mga natitira naming kaklase at nagpatuloy na kami sa pag-alis.
"Asaan si Raniel at Danielle?" rinig kong tanong ni Rizialen sa likod.
Tahimik kaming lahat. Gaya ng nasa classroom kami ay hindi kami nagkikibuan. Nang walang sumagot kay Rizia ay tumahimik na lang siya.
Sobrang saya namin nung una kaming makatapak ng amusement park. Pero may makukuha pa rin palang buhay. Hindi kami ligtas. Magtago man kami, hindi kami ligtas.
Hinatid na kami pauwi isa-isa. Malungkot ako habang naglalakad patungong unit namin at agad na sinarado ang pinto pagdating sa kwarto ko.
Nakakapagod ang araw na ito. Halo-halo ang emosyon ko. Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko.
I just hope everything gets better soon.
***
"Class dismissed" sabi ng teacher at lumabas na.
Bago pa may makalabas sa amin ay pinigilan kami ni Jihannah.
"Wag muna kayong lalabas. May kailangan akong sabihin sa inyo" Seryoso ang mukha ni Pres ngayon na minsan ko lang makita sa kanya.
**"I have bad news guys"
Nang biglang may pumasok sa classroom na isang taong nakamaskara at may dalang chainsaw. Nagpanic ang buong klase. Isinara na ng taong nakamaskara ang pintuan ng classroom at inilock ito upang makasiguradong walang makakalabas.
Pinaandar niya ang chainsaw na dala niya at lumapit sa mga estudyanteng nasa isang sulok ng kwarto. Nagkumpulan silang lahat sa isang tabi at kita mo ang panginginig ng kanilang katawan.
Lumapit pa lalo ang nakamaskarang lalaki at tumakbo naman sa ibang lugar ang mga estudyante. May mga sumubok buksan ang pintuan pero gaya ng ginawa ng lalake ay nakalock ito.
Ang tanging nagagawa nalang nila ay humingi ng tulong. Ngunit parang walang nakakarinig sa kanilang mga sigaw.
Hinablot ng lalake ang buhok ng isang babae at dali-daling pinutulan ito ng ulo. Nagsitalsikan ang madaming dugo.
Lalong lumakas ang sigawan.
**
Dumating na ang mga pulis. Sinuri nila ang ang classroom kung saan naganap ang p*****n.
Nagbabasakali silang may ligtas sa mga nakahalandusay na katawan ng estudyante ngunit wala silang nakita. Kinulong na rin nila ang lalaking nakamaskara...na si Jigsaw.
**[A/N: Joke lang! Lol. Umiiral na naman kabaliwan ko! Happy SOBRANG LATE April Fools XD]
"I have bad news" sabi ni Pres at tinignan kami isa-isa sa mata. Tumagatak ang pawis ko habang hinihintay ang susunod niya na sasabihin.
Sana lang ay hindi malala ang 'bad news' niya.
"Nakatakas daw si Joseph"
Mas lumala ang tensyon sa hangin. Si Joseph, yung killer na halos patayin na kaming lahat, nakatakas?
Hindi ko to inaasahan. Akala ko matatapos na. Naluha ang mata ko.
"Ano?! Bakit?! Mga walang kwenta pala ang mga pulis ngayon!" sigaw ni Dominic sa inis.
Pero mas nangingibabaw sa amin ang takot. Nakatakas si Joseph. Malaki ang tsansa na hahabulin niya ulit kami. At may dala siyang kutsilyo.
"Hinahanap na siya ng mga pulis ngayon. But the thought of a murderer on the loose? Our lives could be in danger right now. So I'm requesting all of you na mag-ingat lalo na sa pag-uwi. He could attack from there." Mas lalo kaming natakot sa sinabi niya.
"Yun lang" pagtatapos niya at tsaka lumabas ng room.
Lumapit sila Tiara sa akin.
"Ano kaya sa tingin niyo ang pakay ng killers?" tanong ni Rizia sa amin.
"Pumatay, obviously" sagot ni Ara at nagkibit-balikat.
"Hinde. I mean, may rason kaya kung bakit tayo ang napiling isa-isahin. Hindi ba nila alam na gusto pa nating mabuhay? Gusto ko ng umalis ng school na ito. Pero hindi nagsasalita si mommy at daddy tungkol dito. Para bang wala silang alam tungkol sa nangyayari dito" sabi ni Rizialen at nangalumbaba.
Para saan ba sila pumapatay? Para lang ba sa kasiyahan? Para sa laro? O may mas malalim pang rason?
Ayoko ng ganito. Gusto ko ring magpalipat ng school. Kaso may naghahatak sa akin na manatili lang dito. Manatili lang dito at alamin kung ano ang mga nangyayaring kababalaghan sa school.
Nangyayari din ba ito sa ibang estudyante? O kami lang ba talaga ang pakay ng mga killers?
Gusto kong malaman ang totoo.
"Natatakot ako, Diane. Ayoko pang mamatay" sabi ni Tiara.
"Bawal pa akong mamatay. Gusto ko pang makapunta sa South Korea at makilala ang mapapangasawa ko" ani Jaima at sumang-ayon naman si Dominic.
"Wala tayong magagawa. Kailangan na lang nating mag-ingat.." sabi ko at yumuko.