[18]

1498 Words
Diane's POV  Tahimik ang buong klase habang hinihintay namin ang susunod na guro. Madalas ng tahimik ang classroom namin. Para kaming nawalan ng ganang makipag-usap sa ibang tao. Madalas na nakatulala ang mga tao sa loob ng silid. Muli kong binilang ang estudyanteng naririto. 14..15..16. Labing-anim. Nadagdagan dahil pumasok na ng isang araw si Jason at Christian.  Nilalaro ko ang mga daliri ko habang tahimik kaming naghihintay. Napalingon na lang ako sa harap nang bumukas ang pintuan at pumasok ang adviser namin. Lumungkot ang mukha niya nang nakitang sobrang tahimik namin at hindi nagkikibuan. "Class. Good news! Dahil mukhang malungkot kayo these past few days, pinagplanuhan namin ng Principal na wala muna kayong klase ngayon"  Nakuha niya ang atensyon ng iba kong kaklase maging ako. Walang klase? Parang mas malala ata yun. Mas maganda atang may klase upang yung atensyon namin ay nasa mga discussion at hindi sa bangungot na pangyayari. "Pero hindi ibig sabihin ay pwede na kayong umuwi. Get your things, because we are going to an amusement park!"  Mas nabuhayan kami sa sinabi niya. Amusement Park? One-day field trip? Maraming na-excite sa sinabi niya. Nagsimula na ang bulong-bulungan at maya-maya'y kwentuhan na tungkol sa gaganapin na field trip. "OMG! Rides! Excited na ako Diane!" masayang sabi ni Tiara at pinapalo-palo pa ako. Di ko maiwasan na tignan siya ng masama. Ang bigat ng kamay nitong babaeng to! "Gusto ko yan!" ani Rizia habang nakatingin kay Robert. Kung alam ko lang ay magdi-date lang ang dalawang to. Napangiti ang guro nang makita kaming excited para sa nasabing one-day field trip. "Ano pang hinihintay niyo, class? Tara na! Nasa labas na ang van!"  Nagdagsaan ang buong klase papuntang pinto upang makipag-unahan lumabas.  Tamang-tama lang ang medyo malaking van para sa aming lahat. Kasyang-kasya kami kasama ang driver at ang adviser namin. Pinagtabi nila kami ni Renz para asarin kami. "Ayiee!" Umiwas ako ng tingin at doon na lang sa may bintana bumaling. Mabilis lang ang biyahe patungong amusement park. Kung gaano sila kabilis magsilabasan sa room ay ganun rin sila kabilis umalis ng van. "Andaming rides! Gosh!" rinig kong sabi ni Jaimarie at nagtatatalon pa sila ni Dominic. "Tara na!" sigaw ni Tiara at muntikan ng sumugod nang hinarangan siya ng teacher. "Oops! Bago yan, kailangan niyo muna ng buddy ngayong araw. Pwedeng dalawahan o tatluhan, basta buong araw kayong magkakasama. Para hindi kayo mawala kung sakali" sabi niya at tinignan kami isa-isa. Tumingin ako kay Tiara ngunit nagulat nang kasama niya si Dominic, Jaimarie at Ara. Traydor! "Uy guys! Sali ako!" sabi ko sa kanila at lumapit. "Bawal masyadong marami, Diane. Sorry, apat na kami eh" sabi ni Tiara at binigyan ako ng ngiti. Halatang pinagplanuhan niya ito. Naghanap pa ako ng pwedeng maka-buddy basta hindi si Renz. Magkasama na si Robert at Rizia. Siguradong di pwedeng sumingit sa dalawang yan. Magkasama ang magbe-bestfriends na si Raniel, Trixie at Anna. MaO-OP lang ako. Ayokong sumama kay Pres na ka-buddy si Danielle at MJ. No choice siguro si Danielle dahil bawal ang sumobra sa apat.  Si Christian at Jason naman ang magkasama dahil kilala nila ang isa't isa. Hindi naman pwedeng makisingit ako dahil hindi ko rin sila kilala. Dahan-dahan akong napatingin kay Renz na nakatingin na sa akin. "Tara na! Ready na po kami!" sabi ni Tiara kaya't tumango na ang adviser namin. Nag-uunahan kami sa pagpasok sa loob. Nabayaran na pala kami ng school kaya't ride-all-you-can kami buong araw. Nung una ay nakikisama ako kina Tiara kaya't no choice si Renz kundi ang sumabay sa akin dahil ako ang buddy niya. "Rollercoaster muna tayo! Please?" sabi ni Tiara at tinuro ang rollercoaster na andaming paikot-ikot.  "Tara, sabay tayo sa kanila!" natutuwa kong sabi kay Renz at nagkibit-balikat lang siya.  Walang masyadong tao dito sa amusement park dahil hindi naman siya masyadong kilala at tsaka may pasok ang mga estudyante ngayon. Kaya't mga magkasintahan lang ang nandirito. "Excited na me!" sabi ni Tiara at umandar na ng biglaan ang sasakyaan.  Napahawak ako sa hawakan habang pataas ng pataas ang sasakyan. Nakita kong nasa harapan ng mga sasakyan ay si Jihannah at si MJ. Nasa likod nila si Tiara at Ara. Si Dominic at Jaimarie. At kaming dalawa ni Renz.  Nagulat ako nang pababa na kami ng coaster ay biglang sumuka si Pres. Yumuko ako upang hindi ako matamaan. May mga nanonood sa amin na mukhang naulanan ng suka kaya't napatawa ako bigla. Kadiri. "WOOOO!" malakas na sigaw ko habang hinahangin ang buhok ko. Sigawan ang mga kaklase ko habang tumataas ulit kami.  *** "Ang saya! Isa pa!" natutuwang sabi ko nang natapos na ang ride. Mukhang natuwa rin si Renz sa ride kasi nakangiti siya. Hinanap ng mga mata ko sila Tiara ngunit hindi ko na sila makita. Tumakas ba ang mga iyon sa amin para maiwan kaming dalawa ni Renz? Napatingin ako sa malaking ferris wheel kung saan naroon naman si Robert at Rizia at magkahawak ang kanilang kamay. Umudlot ako habang nakatingin sa kanila. Masyadong sweet. Hindi ako mahilig sa matatamis.  "Uy! House of Mirrors oh! Tara!" sabi ko at nagmamadaling pumunta roon. Narinig ko ang mga yapak ni Renz papunta sa akin. Pagkapasok ko ay sinalubong agad ako ng napakaraming salamin.  Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad nang bigla kong mabangga ang isang salamin. "Aray ko naman! Akala ko daanan!" sabi ko at natawa. Kailangan ko tuloy itaas ang dalawa kong kamay para makapa kung salamin ba o hinde ang nasa harapan ko. Di na ako nagulat nang makitang wala na si Renz. Siguradong nasa labas na ang lalakeng yun.  "Guys? Asan na kayo?" rinig ko ang isang boses. Parang kilala ko ang boses na iyon ah? "Aish! Paano ba makakalabas dito?" angal niya. "Raniel?" malakas na tanong ko. Hindi ko siya makita pero naririnig ko siya. "S-sino yan? Multo? Waaah!" Nagulat na lang ako nang may makabangga ako at parehas kaming tumama sa salamin. "Diane!" natutuwang sabi ni Trixie nang nakita ako. "Ikaw pala Trixie. Sabay na tayong lumabas. Hindi ko alam kung paano eh" sabi ko at kumunot ang aking noo.  Maya-maya lang ay nakalabas na rin kami ni Trixie. Nakita kong naghihintay sa labas si Anna. "Nakita mo ba si Renz?" tanong ko sa kanya ngunit umiling lang siya. Ano ba yan. Akala ko pa naman ay nandito na siya. Kailangan ko pa tuloy siyang hintayin. Umupo ako sa isa sa mga bench upang doon maghintay para sa kanya. Bumili rin ako ng hotdog para may makain habang hinihintay siya. *** Tiara's POV  "Uy guys! May haunted house daw dito! Tara punta!" aya ko sa kanila. Gustong-gusto ko talaga sa mga haunted house. Mahilig kasi akong mag-rate ng 1-10 tuwing pumapasok ako sa mga haunted  house. Limang haunted house pa lang ang napapasukan ko at ang pinakamataas ay 7. Di talaga siya nakakatakot eh. "Sige!" sang-ayon naman ni Dominic.  "Ayoko. Ayoko talaga, ples?" sabi ni Jaimarie na halatang takot pumasok sa loob. Hindi naman siya mukhang nakakatakot kapag tinignan dito.  "Mukhang masaya to!" sabi ni Ara at tumawa. Balak niya atang manakot ng ibang tao eh. Pagkalapit namin ay nakita namin sila Jihannah, MJ at Danielle na papasok rin. "Uy! Sabay-sabay na tayo guys!" aya ni Jaimarie. "Oo nga. The more, the merrier!" sabi ko at tumawa. "The scarier~" pananakot ni Dominic. Pinapasok na kami ni kuya at nagtaka ako kung bakit sobrang dilim. "Doms? Andyan ka?" tanong ko sa kanya.  "Oo! Aray, Jaima! Ang sakit mong mamisil ng kamay!" angal niya. "Natatakot ako!" iyak ni Danielle pero walang nakapansin. May bumukas na ilaw ngunit hindi ito masyadong lumiwanag. Mas nakikita ko na ang daan na tatahakin namin.  Napasimangot na lang ako nang makitang hindi masyadong nakakatakot ang paligid. May mga zombies na lumalabas sa mga kabaong. May kamay na biglang magsusulputan. May mga ulo na biglang mahuhulog. Hindi ko alam kung bakit takot na takot tong mga kasama ko. Nabigla ako nang biglang tumatakbo na sila. "Bilis! Bilis!" iyak ni Jaima. Yun pala ay may nanghahabol sa amin at may dalang axe. Nakamaskara siya at malaki ang kanyang katawan. Kakaway pa sana ako nang bigla niyang inihagis ang dala niyang maliit na kutsilyo sa akin. Buti na lang at agad akong nakaiwas. Gusto ko siyang pagsabihan dahil baka makasakit siya ng tao sa ginagawa niya.  Pero nagulat ako nang paglingon ko sa kanya ay ibinaba na niya ang malaking palakol sa sumisigaw na si Danielle. Sa leeg ito tumama kaya't agad na naputulan ng buhay si Danielle. Nanlalaki ang mga mata ko habang pinapanood ko siya na itaas at muling ibaba ang palakol. mas malakas ang kanyang pwersa at napaurong ako nang makitang humiwalay na ang ulo ni Danielle sa katawan niya. Agad akong tumakbo nang lumipat ang tingin niya sa akin. Humahapdi na ang mata ko dahil sa mga tumatakas na luha at malakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi ako makapaniwala. May namatay na naman sa harapan ko.  Hingal na hingal ako pagkalabas. Nagtataka sila Dominic nang nakita akong umiiyak. "Si Danielle... patay na" napapaos na sabi ko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD