Tiara's POV
Nakasimangot ako sa condo unit habang may pinirito na ulam. Saturday kasi ngayon kaya wala masyadong ginagawa.
Ang tagal naman ni Diane magising! Dati naman, siya ang unang nagigising para ipagluto kaming dalawa ng breakfast! Tsk. Bahala na sya kung sunog ang kakainin namin. Kasalanan niya to.
Nagpatuloy lang ako sa pagluluto ng itlog at hotdog nang marinig kong bumukas ang pintuan niya sa kwarto. Nakangiti akong bumaling sa kanya pero kumunot agad ang noo nang nakita kong nakabihis siya.
"Saan alis, Yan?" tanong ko sa kanya na dahan-dahang naglalakad patungong pinto.
"Uhm.. may gagawin lang ako kasama si R-renz" sabi niya. Nanlaki ang mata ko.
"OMG! Magdi-date kayo? Improvement, Diane! Thumbs up! Teka, san kayo magkikita?" Ang laki ng ngiti ko habang nakatingin sa kanya.
Naku! Nagkakadevelopan na si Renz and Diane. Lovebirds!
"Hindi kami magdidate! Tiara naman! Sa school kami magkikita" sagot niya.
"Edi anong gagawin niyo kung hindi kayo magdi-date, aber?" tanong ko habang nakangiti ng wagas at nakataas ang isang kilay.
"Ewan! Oh sige na. Alis na ko. Bye!" sabi niya at lumabas na ng pinto. Nako. Dalaga na bestfriend ko!
Doon ko napagtanto na iniwanan niya ko.
Napatingin ako sa sunog na hotdog at itlog. "Hala! Argh! Diane naman eh!" sigaw ko dahil sa inis at pinatay ang gas.
***
Diane's POV
Rinig ko ang sigaw ni Tiara dito sa labas. Napahagikgik na lang ako. Baliw na babaeng yun.
Nagulat na lang ako nang may bumukas na pintuan sa harapan ko at nagkabungguan kami ng lalakeng galing sa loob.
Doon ko lang natandaan, kapitbahay lang pala namin sila Rizia at Renz!
Sa kasamaang palad, si Renz pa ang nakabangga ko. "Sorry! Diane, ikaw pala!" Para siyang natuwa nang nakita ako.
"Aalis na sana ako papuntang school, pero nakalimutan kong magkatabi nga pala units naten" sabi niya at tumawa. Napangiti naman ako. Parehas pala kami.
Tumayo siya at nag-abot ng kamay. Kinuha ko naman ang kamay niya at tinulungan niya akong tumayo.
"Saan nga pala tayo pupunta?" tanong ko.
"Gala tayo. Boring sa condo. Ikaw lang gusto kong makasama eh" sabi niya at hindi tumingin sa akin.
Grabe naman tong mokong na to! Napaka-effortless magpakilig!
Naglakad kami patungo sa isang parke na madalas kong puntahan kapag wala akong ginagawa. Maraming tao dahil weekend ngayon at siguradong gaya namin ay gagala sila.
Nakakita kami ng isang malaking puno na pwede naming upuan ang ilalim upang gawing lilim. Nauna na akong umupo upang hindi kami maagawan.
Buti na lang at malambot ang lupa kaya ang sarap upuan.
"Bakit ako yung.. naisipan mong yayain?" tanong ko. Tahimik lang kasi kami at hindi ko kayang hindi magsalita.
"Kasi gusto ko" simpleng sabi niya.
"Bakit hindi na lang yung kapatid mo? O si Dominic? O si Jaimarie?" tanong ko ulit. Hindi ako titigil hangga't wala siyang matinong sagot.
"Kasi nga gusto ko. Komportable ako pag kasama kita. Hindi ako nababaliw at kumakalma ang sistema ko"
"Nababaliw?" Nanlalaki ang mata ko habang tinatanong sa kanya.
"Oo, baliw sa kaka-internet. Mahilig ako sa internet games. Pero pag ikaw kasama ko, nawawala lahat ng yun sa isipan ko" sabi niya.
Hindi niya alam kung paano nagkakaroon ng paru-paro sa tiyan ko dahil sa mga sinasabi niya. Talaga bang ganito siya? Straightforward and direct?
Humihilig siya sa balikat ko na mas lalong ikinabaliw ng mga paru-paro. Nakasandal ang ulo niya sa balikat ko!
Hindi ko alam kung bakit hindi ako makahinga. Ano bang nangyayari sa akin? Unang beses kong maramdaman ang ganito.
Hinayaan ko na lang na tahimik kami. Mas nakakarelaks ang kapaligiran habang tahimik lang kaming nagmumuni-muni.
Napaupo siya ng maayos nang marinig ang tunog ng isang kampanilya. Nahagip ng atensyon niya ang taga-benta ng dirty ice cream.
"Uy! Bili tayo!" sabi niya at parang bata na nagmamadali na pumunta dito. Hindi ko alam kung bakit. Pero bakit nakyu-kyutan ako sa kanya?
Hay Diane! Nababaliw ka na rin! Nahawaan ka ata ni Jeravem!
Tumakbo na rin ako papunta sa kanya nang bumili na siya. Pagdating ko ay humarap siya sa akin at ibinigay ang isang kono ng sorbetes.
"Salamat" sabi ko at ngumiti.
Bumalik na kami sa puno kung saan kami umupo at doon inubos ang ice cream namin. Mahilig pala siya sa tsokolate.
"Sarap talaga!" sabi niya at napangiti.
Sumandal na naman siya sa balikat ko pagkatapos niyang ubusin ang ice cream niya. Pero habang tinitignan ko ang paligid, nakita kong magkasama si Raniel, Trixie at Anna sa parke.
"Uy, Renz. Tignan mo oh. Magkasama silang tatlo" sabi ko at ngumuso sa kanila.
Napatawa si Renz kaya't kumunot ang noo ko. "Anong nakakatawa?"
"Yung nguso mo. May ice cream" Tumawa ulit sya pero siya na ang nagpunas ng nguso ko. Napaismid na lang ako.
"Oo nga. Magkasama nga sila. Ang alam ko, magkakaibigan sila dati. Pero nagkaaway. Nagkabati-bati na siguro" sabi niya at nagkibit-balikat. Muling sumandal siya sa balikat ko.
Di ko namalayan na nakatulog pala kami.
Nagising kami pagkatapos ng trenta minuto. Muling nabored si Renz kaya't naglakad-lakad kami sa loob ng parke.
Di nagtagal ay tumigil kami sa isang babaeng nagbebenta ng iba't ibang alahas. May nakita akong bracelet na gawa sa pinagtagpi-tagping maliliit na heart.
Napansin ni Renz na piangmamasdan ko yun ng mabuti kaya't kinuha niya at binili. "Uy! Ano ba yan, bibilhin ko nga eh!" pag-iinarte ko.
Napatawa na lang siya. "Binili ko para sayo. Kamay" Napangiti ako at kunwaring nahihiyang itinaas ang kamay ko.
Sinuot niya ang bracelet doon. "Gift ko na lang para sayo. Thank you sa pagsama sa akin" sabi niya at ngumisi.
Muling nagsiliparan ang mga paru-paro sa tiyan ko. "W-walang anuman" sabi ko at binigyan rin siya ng ngiti.
"Tara" sabi niya at hinila ako.
"T-teka! May pupuntahan pa tayo?" tanong ko pero tahimik lang sya at kinaladkad ako patungo.. sa pupuntahan.
***
"Mall? Anong gagawin natin dito, Renz?" tanong ko sa kanya.
"Movies tayo? My treat" sabi niya at hinila na naman ako. Ano ba tong lalakeng to. Halata naman atang may paa ako pero kailangan pa akong kaladkarin.
"Depende kung may maganda. Pero dahil ikaw naman magbabayad, sige na nga" sabi ko at bumungisngis.
Nakita ko na showing ngayon ang 'Must be Love' ng KathNiel kaya iyon ang pinili ko. Wala akong pakialam kung hindi niya magustuhan. Siya na ang nagsabi na libre niya daw eh.
***
"Ang sweet, sweet talaga nila! Gusto kong panuorin ulit!" sabi ko nang natapos na ang movie. Halos maiyak ako pero kanina pa nag-iingay si Renz na ayaw na daw niya kaya't di ako makapag-concentrate.
"Tss.." Napairap naman siya. Halatang ayaw niya talaga nung movie. Pero no choice. Siya na nagsabi.
Kinukulit ko pa siya nang makasalubong namin sina Tiara kasama si Robert at Rizialen.
"Oh Diane! Hello!" sabi ni Tiara na may pekeng ngiti. Galit siguro to dahil iniwan ko siya kaninang umaga.
"Oh? Bakit naging third wheel ka na sa date ni Robert at Rizia?" tanong ko habang nakangiti.
"Ikaw! Sunog yung pagkain ko kasi umalis ka! Bwiset ka talagang babae ka! Kailangan ko tuloy sumama sa dalawang to para may kasama ako dito sa mall para makakain! Tapos ikaw nakikipag-date ka lang dyan sa Renz mo? Tss!"
Napangiti si Rizia. "Uy. Nag-date sila ni Renz. Musta naman bro?" tanong ni Rizia kay Renz.
"Pinilit niya akong panuorin ang romance movie. Tss!" sabi niya at umirap. Aba, mas mataray pa ata to sa babae!
Napatawa naman si Rizia. "First time ah? Ikaw lang ang unang nakapagpapayag sa kanyang manood, Diane! Bilib na ko sayo!" sabi niya.
"Nice bro" sabi ni Robert at malabirong sinutok ang balikat niya.
Nakita ko naman ang mahinang pamumula nya. "Luh. Kinikilig na naman ang pwet niya. Tara na nga Diane! Gutom na ko!" angal ni Tiara at hinila na ako pauwi.
Buti naman kahit isang araw lang ay nakalimutan ko ang tungkol sa lahat. Sana magpatuloy pa to.