Diane's POV
Dalawang linggo na ang nakakalipas pagkatapos ng bangungot. Hindi ko alam kung kaya ba ng utak ko na maproseso ang lahat ng to. Hindi ko alam kung natanggap ko na ba o hinde ang nangyari.
"Diane? Uy!"
Napatingin ako kay Tiara at napansing nakatingin lahat ng barkada sa amin. "H-ha?" tanong ko at pilit ngumiti.
At kapag sinabi kong barkada ay si Tiara, Rizialen, Robert, Ara, Dominic, Renz, Jaimarie, Anna at Danielle. Nakisali lang talaga si Dominic, Jaimarie at Anna sa amin dahil kahit papano ay naging mas malapit kami nung panahong nangyari....yun.
Simula nang matapos ang nangyari ay bumalik na ang pakikitungo ni Jihannah sa amin. Siya na yung dating presidenteng masungit at walang pakialam sa iba. Dahil nasa kulungan si J-jeravem at wala na sa panig niya si Danielle, silang dalawa na lang ni Raniel ang natira.
Kaso dahil ayaw atang mapagiwanan si Trixie at MJ ay sumasama na sila kay Pres.
Hindi ko pa ata nababanggit pero natagpuan si Renz na walang malay sa harapan ng cr ng girls kung saan namin siya huling nakita.
Naglabas ako ng buntong-hininga. Masaya ako ng nalaman kong.. buhay siya.
"Huy Diane! Ano ba? Bakit ba lagi ka na lang tumitingin sa malayo?" Tinignan ni Tiara ang tinitignan ko at yun ay ang.. blackboard. Hay nako! Napapatulala na naman ako!
Tumingin siya ulit sa akin at nakataas na ang kanyang kilay. Nakahalukipkip siya at seryoso ang kanyang mukha.
"U-uhm.. wala. Ah.. sa tingin niyo ba, kailangan nating pag-usapan ang laro?" Hininaan ko ang boses ko.
Hindi naman sa itinatago ko ito sa iba kong kaklase, dahil alam na rin naman nila, pero natatakot akong baka may makarinig. Napra-praning na naman ako.
"Diane naman, tapos na ang lahat. Bakit kailangan pa nating pag-usapan?" Kunot-noong tanong ni Robert.
Kinibit ko ang balikat ko. "Diane, stop being so paranoid. Tapos na. Nahuli na nila sila" sabi ni Dominic at binigyan ako ng ngiti.
Kung sana nga. Sana nga tapos na ang lahat. Sana wala ng kasunod ang mga ito.
"Oo nga! Lagi ka na lang nakatulala! Di ako sanay na ganyan ka, crush. May bumabagabag ba sayo?" Tinignan ko ng masama si Tiara pero ngumiti lang siya.
"Crush mo si Diane, Tiars? Haha! May kilala pa akong may crush sa kanya eh!" sabi ni Ara at nginusuan yung lalakeng nakatalikod sa akin.
Kinalabit nila si Renz na naka-earphones kaya nagulat nang may kumalabit sa kanya. "Bakit?" tanong niya sa kanila na nakangiti.
Napatakip na lang ako ng mukha.
"Ayiee! Ikaw ha! Crush mo pala si Diane!" sabi ni Rizialen at ginulo-gulo pa ang buhok ng kapatid. Inis na tinanggal niya ang kamay ng ate niya pero halata ang pamumula ng pisngi niya.
"Bakit ka namumula? Sus! Kung kinikilig ka, itago mo!" pangangatyaw ni Dominic at sabay-sabay silang natawa. Napangiti na lang ako.
Hindi pa ako nakakakita ng lalakeng kinikilig. Nakakatuwa.
Habang nagpapatuloy sila sa asaran ay may pumasok na dalawang lalake sa loob ng classroom.
Napatingin ako sa kanila at mukhang ako lang ang nakapansin. Naka-cast ang isang kamay nI Christian habang inaalalayan siya ni Jason na maglakad.
Natagpuan si Jason, isa sa mga kaklase namin, na walang malay sa isang classroom. Sugat-sugat ang braso niya dahil mukhang pinangsasangga niya iyon sa kung ano man ang pinangpapalo sa kanya.
May malaking sugat sa ulo niya. Sobrang lalim na kailangan itong itahi.
Sabay siguro sila nakalabas ni Christian sa ospital. Nakita kong nilapitan din ni Renz at Robert ang dalawa upang makaupo sa classroom.
Dahan-dahan akong lumapit kay Christian.
"Bakit kayo nandito? Hindi ba't parang maaga pa para lumabas kayo?" Ang dapat sa kanila ay may ilan pang araw o linggo para manatili sa ospital.
Nagkibit-balikat si Christian. "Ang sabi ng doctor, pwede na daw akong lumabas. Nagulat ako nang pati si Christian ay pwede na" sagot ni Jason na katabi naman ni Christian.
"Dapat mas matagal kang mananatili sa ospital, Christian. Di pa magaling yung kamay mo. Di ko nga alam kung kaya mong maglakad ng maayos eh" kunot-noo kong sabi.
Magsasalita pa sana siya nang biglang tumunog ang cellphone ko.
Parang naubusan ako ng dugo nang nakita ko ang text.
Fr: 09xxxxxxxxx
Carl- civilian
Hans- doctor
Rachelle- civilian
Emil- civilian
Angela- civilian
Jamie- civilian
Bren- doctor
Jethrix- civilian
Levitha- civilian
Eugene- civilian
Genevieve- judge
Wag kayong pakampante, 10-Neon. Hangga't di nauubos, di pa tapos.
Nanlalaki ang mga mata ko. Naninikip na naman ang dibdib ko.
Tinignan ko silang lahat. Lahat kami, hawak-hawak ang mga cellphones namin, at kakabasa pa lang ng text.
Para kaming nakakita ng multo dahil sa mga hitsura namin.
Wag pakampante. Di pa tapos.
"What the hell?!" umalingawngaw sa buong classroom ang malakas na sigaw ni Pres. Halatang naguguluhan siya sa nangyari.
"Oh my god" Narinig kong sabi ni Rizialen at naluha na naman. Lumapit naman si Robert upang daluhan siya.
"Ok! This is seriously f****d up guys! Pwede bang itigil niyo na to?!" sigaw naman ni Dominic at galit na galit ang kanyang mukha.
"Ayoko na.. ayoko na.." paulit-ulit na bulong ni Anna sa kanyang sarili.
Tinignan ko silang lahat. Sira na kami. Sirang-sira na. Ano bang magagawa ko?
Tumayo ako at isinama ko ang bag ko. Tumayo rin si Tiara. "Diane? Saan ka pupunta?"
"Sandali lang to" sabi ko at nagmamadaling umalis.
Pupuntahan ko siya. Pupuntahan ko ang babaeng nakita kong nagsulat at nagpunit ng mga pangalan para sa larong yon.
Hindi ko maintindihan. Nasa kulungan na si Joseph. Siya lang naman yung killer diba?
....o may iba pa?
***
Ilang minuto lang ay nandito ako sa harapan ng kulungan ni Jeravem.
"Ok na po ako dito" sabi ko sa babaeng tumulong sa akin at umalis na siya. Napasulyap ako sa dalawang nagbabantay ng kulungan niya at tsaka ako lakas-loob na pumasok sa loob.
"Jeravem" Naabutan ko siyang nakatulala sa ibaba.
Napatingin siya sa akin at napangiti. "O, Diane! Napabisita ka?" Kung makaasta siya ay parang wala siyang ginagawang masama.
"I am here to know the truth and nothing but the truth" sabi ko at umupo malayo sa kanya.
Nakatali ang parehas na kamay niya pati ang mga paa. Talagang hindi siya makakatakas kung ganito at kung lagi niya siyang babantayan.
"Sabihin mo sakin, may kinalaman ka ba sa mga pagpatay?" diretsuhan kong tanong sa kanya.
Parang nagbago ang sarili niya dahil biglang nagkakulay ulit ang mata niya. Para bang naging ibang tao ang nasa harapan ko ngayon.
"Wala. Wala talaga pramis. Hindi ko itensyon ang pumatay. Nadala lang siguro ako dahil sa.. pagkawala ng kapatid ko" Umudlot siya na para bang ayaw niyang maalala iyon.
"Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Lagi akong nabablack-out. Pero pagkagising ko, duguan na ako. At may patay sa harapan ko. Hindi ko mapigilan, Diane.." Napaiyak siya.
Hinayaan ko lang siya na umiyak. Ayokong lumapit. Baka magbago ang katangian niya.
"P-pero, wala talaga akong plano pumatay. Nang nakita ko ang mga patay na kaklase naten, akala ko ako na ang pumatay. Nabigla ako nang pati si Joseph ay nakulong" Pagtatapos niya.
"Gusto kong malaman, diba ikaw ang nagsulat at nagpunit ng papel kung saan tayo bumunot? Ilan ang killers na isinulat mo?" Umupo ako nang maayos nang dumungaw ang isang guard sa loob. Nagtaas ako nang kamay para sabihing sandali na lang.
"T-tatlo.. si Joseph ang bumulong. Tatlo daw para masaya"
Tumayo na ako at nagmamadaling umalis. "Sige Jeravem, sana maging maayos ka na. Kailangan ko ng umalis. Salamat sa oras" sabi ko at lumabas na. Malungkot na ngumiti siya sa akin.
Naglakad na ako palabas ng espesyal na ospital at pumara ng taxi.
Tatlo.
Ibig bang sabihin ay tatlo ang killers?
Paano kung coincidence lang ang lahat?
Paano kung nagsisinungaling si Jeravem?
Kailangan ko ng mga sagot sa mga tanong ko...
Nagulat na lang ako nang biglang tumunog ang cellphone ko.
Fr: Renz <3
Nanlalaki ang mga mata ko. Bakit nandito ang number ni Renz sa cellphone ko?! Siguro si Tiara na naman ang may kagagawan nito!
Free ka ba bukas? Meet tayo sa school, 9 am. I'll wait.