Diane's POV
Isang araw sinuspende ang pasok sa school dahil hindi pa rin sila tapos sa paghahakot ng mga patay na kaklase namin.
Nanatili lang ako sa kwarto ko, nagmumukmok. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Tapos na ba talaga?
Nahuli na si Jeravem at Joseph. Nakitang tumatakas si Joseph ng madaling araw habang pinapauwi na kami.
Ikinulong silang dalawa. Sa isang espesyal na kulungan. Kailangan daw silang ihiwalay sa iba dahil baka may mapatay pa silang iba.
Pero ang pinagtataka ko ay bakit hindi ito nababalita. Hindi ba dapat ipapasarado na nila ang school dahil ganito ang nangyari? Bakit parang walang alam yung mga estudyanteng nag-aaral sa school namin?
Paano yung mga magulang na nawalan ng anak dahil sa m******e na ito?
Gulong-gulo na ako. Kailangan ko ng sagot.
Habang nasa nag-iisip ako ng malalim ay may biglang pumasok sa loob ng kwarto ko. "Yo!" bati ni Tiara at umupo sa kama ko.
Napairap ako. "Wag ka ngang manggulat! Anong kailangan mo ngayon?" tanong ko sa kanya.
"Wala lang.. natatakot kasi akong matulog mag-isa. Na-trauma na ata ako sa mga nangyari, tabi tayo please?" sabi niya habang nagpupuppy-eyes.
"Gahd, Tiars! Yan ba yung mukhang na-trauma? Sabihin mo lang, girl crush mo ko kaya gusto mo kong katabi!" panunukso ko.
Napatawa naman siya kaya't napataas ang isa kong kilay. Problema ng babaeng to?
"Okay. Nahuli mo ko. Oo, girl crush nga kita. Tara't matulog na tayo, crush!" sabi niya at bigla akong dinaganan.
Napasigaw na lang ako habang tumatawa. "Ambigat mo Tiara! Di tayo kasya sa kama!"
It's nice to laugh once in a while. Buti na lang nandito may mga kaibigan ako na nandito para sa akin.
***
Sumunod na araw ay nakakapanibago ang katahimikan sa classroom namin.
Yung mga ibang estudyante, maayos naman ang kalagayan nila. Masasaya. Mga nabitin sa maikling bakasyon.
Pagpasok ko sa loob, di ko maiwasang bilangin kung ilang kaklase ko na lang ang naroroon.
12..13..14.
Labing-apat na lang kami. Kung dati-rati'y, dalawampu't siyam kami, ngayon ay labing-apat na lang.
Ang dami. Sobrang dami ang nabawasan sa amin.
Dumaan sa harapan ko si Tiara na malungkot ang ngiti. "Uy. Lungkot mo ngayon ah?" sabi niya ng pabiro kahit siya mismo ay nahihirapan na sa sitwasyon.
"Daming absent ngayon ah! Bakasyon pa rin ba?" pambibiro rin ni Ara habang nakangiti. Pero hindi umaabot sa mga mata niya ang ngiting pinapakita niya.
Pinagmasdan ko ang buong classroom. Di ko maiwasan na isipin na buo pa rin kami. Na walang nawala.
Nakangiti ako habang nagkukunwari na nandyan pa rin sila. Yung mga ordinaryong bagay na bumubungad sa akin pagkapasok na pagkapasok ko dito.
May mga nambubully.
May mga nag-aaral.
May mga nang-aasar.
May mga nagP-PBB teens.
May mga nangungulangot.
Nabigla ako nang may tumapik ng balikat ko. "Diane, bakit ka umiiyak?" tanong sa akin ni Tiara.
Pinunasan ko ang tumulong luha na hindi ko alam na tumulo pala. "S-sorry. Nakakapanibago lang" sabi ko at tumawa. Di ko man lang namalayan na umiiyak na pala ako.
Naramdaman ko ang paghaplos sa likod ko. Napalingon ako sa likod at nakita ko si Rizia na malungkot na nakangiti sa akin. "Tahan na. Babalik din sa dati ang lahat"
Pumasok na ang guro kaya't nagsibalikan na kami sa mga upuan namin.
Parang may kumukurot ng puso ko habang tinitignan ko na kulang-kulang ang mga upuan.
Sa mukha ng guro, naninibago rin siya habang tinitignan kami isa-isa.
"C'mom now! Don't be sad! Turn that frown, upside down!" pilit na pinapangiti kami ng guro namin. Pero hindi ko kaya. Hindi ko kayang ngumiti dahil sumasakit ang puso ko.
Nakuha din ng guro na wala kami sa mood para makipaglaro kaya't nagpatuloy na lang siya sa pagdi-discuss.
Nang sumapit ang uwian ay nagkumpol-kumpol ang klase namin. Balak kasi namin pumunta sa ospital ngayon. Nalaman kasi naming buhay pa ang isa sa mga kaklase namin.
Si Christian.. yung kapatid ni Jamie. Pero hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya pag nalaman niyang patay na ang kapatid niya.
"This is ridiculous. Don't expect me to go. I have more important things to do" sabi ni Pres at nagmamadaling pumara ng tricycle.
Napatingin ako sa kanila. "Sige. Ganito na lang. Kung sino ang gustong sumama, sumama na. Pero kung ayaw niyo, pwede na kayong umalis" sabi ko sa kanila.
Hindi na ako nabigla nang kaming dalawa na lang ni Tiara ang natira.
Napabuntong-hininga ako. Ayoko mang isipin na masyado silang makasarili para hindi bumisita, pero alam ko rin sa sarili ko na ayaw ko ring pumunta. Dahil ayaw kong magbigay ng nakakalungkot na balita.
Pagdating namin sa ospital, dumiretso agad kami sa kwarto ni Christian.
Naabutan namin siyang kumakain ng noodles at nanonood ng tv. Napansin niya kami kaya't pinatay na niya muna yung tv.
"Oh! Nandito pala kayo? Kumusta naman? Tsaka, nakita niyo ba yung panget na ate ko? Dalawang araw na akong nandito pero hindi pa rin bumibisita. Tss, wag mong sabihing nagui-guilty siya?" Nakangiti si Christian habang nagkwe-kwento.
Lumapit ako sa kanya.
Kumunot ang noo niya nang napansing tahimik kaming dalawa. "Bakit ganyan kayo makatingin?"
"Si Jamie.. wala na siya. Hindi siya nakaligtas sa massacre.." sabi ni Tiara nang hindi ako makapagsalita.
Namuo ang luha sa mata ni Christian pero nakangiti pa rin siya. "A-ano?! Hahaha, di magandang joke yan! Of course nakaligtas siya! Ano bang pinagsasabi niyo?" pilit siyang tumatawa.
"Totoo ang sinasabi namin. Poison ang pumatay kay Jamie. Libing niya ngayong Saturday, kasama ang iba pa nating mga kaklase na namatay" mahinang bulong ko.
Natigilan siya at parang nanlilisik ang mga mata. "Lumabas na kayo" Nagbago ang boses niya.
"P-pero.." Hindi na naituloy ni Tiara ang sasabihin nang bigla siyang sumigaw. "Lumabas na kayo! Ano ba?!"
Kahit gusto namin siyang patahanin ay hindi namin magawa, kasi pinapaalis na kami. Wala kaming nagawa kundi ang umuwi na lamang sa sarili naming condo unit.
"That.. didn't turn out like it was supposed to be" bulong ni Tiara. Napatango na lang ako bilang pagsang-ayon.
***
Dumating ang araw ng libing, at nandito ang buong klase. Ang mga nakaligtas.
Tahimik ang lahat. Walang kumikibo. Walang gumagalaw.
Napatingin ako sa mga kaklase kong nakaupo habang tinitignan ang mga kabaong na nasa harapan namin.
Natigil ang pagmumuni-muni ko nang sumulpot ang pari.
“Nandito tayo ngayon upang sariwain ang mga alaala ng mga yumaong estudyante. Bago tayo magsimula, tinatawagan ko ang mga kaibigan at kaklase nila upang magbigay ng saloobin.”
Tumayo si Jihannah.
“Hindi po ako naging mabuting pinuno sa klase namin. Inaamin ko po ako pa mismo ang nagsisimula ng gulo, ng pambubully. Hindi man lang po ako nakahingi ng tawad sa kanila bago sila.. mawala. Alam kong nasa akin dapat ang responsibilidad na bantayan sila. At nabigo ako.."
Napatingin ako sa malayo at hindi nakinig sa mga sinasabi niya.
Naiinis ako. Naiinis ako kasi kailangan pa daw sariwain ang mga alaala. Nababaliw na ba ang pari na yan? Kita ng nahihirapan kami sa sitwasyon ngayon.
Ang kailangan namin gawin ay mag-move on na. Kalimutan ang lahat. Kalimutan na nangyari ang mga ito at magpatuloy na lang sa sarili naming buhay.
***
Natapos na ang libing, at nandito ang 10-Neon at nagkumpulan sa tabi ng mga puntod.
"Guys, ang daya niyo naman eh. Akala ko ba sabay-sabay tayong ga-graduate? Bakit hindi pa kayo umabot? Naalala niyo pa ba ng una tayong nagkakilala? Walang pakialamanan diba? Kahit hindi tayo masyadong nag-uusap, nagkakasundo naman tayo kapag kinakailangan"
Napasimangot na lamang ako habang pinapakinggan ang mahabang speech ni Dominic.
"Tama na nga ang iyak! Parang hindi niyo naman kilala ang seksyon naten eh. Hindi ba't pagtatawanan lang nila tayo pag nakitang umiiyak tayo dito na parang mga bata?" sabat ko.
"Nasaan ang hustisya?!" sigaw ni Tiara na muntik ko ng mabatukan.
"Kahit anong mangyari, nandito lang kayo sa puso namin. Salamat sa masayang alaala, hinding-hindi ko kayo malilimutan" sambit ni Rizia na umiiyak.
Bakit ba ang da-drama nitong mga kaklase ko? Hay.
"Neon fighting!" sigaw ni Ara at ngumiti.
***
Pagkatapos mag-sialisan ng mga tao sa puntod ay humiwalay ang isang babae at isang lalake sa mga kaklase nila.
"Ano ba yang si Tres! Pinatakas na nga natin, nahuli pa? Ang bobo talaga ng lalakeng yun!" inis na sabi ng babae habang nagpapadyak.
"Hayaan mo na. Alam naman nating dalawa na kaya niyang tumakas mag-isa diba? Magkakasama rin tayo ulit. At uubusin na natin sila" nakangisi ang lalake habang nakasandal sa isang malaking puno.
Napatango yung babae. "Ano ng plano, uno?" tanong sa kanya.
"Next destination. Maghintay na lang tayo" sagot ng lalake at ngumiti.