Diane's POV
Napalingon ako sa kanan nang makarinig ako ng putok ng baril.
"Baril? N-na naman?" gulat na sabi ni Jamie.
"Tara, puntahan naten" sabi ko at tumakbo papunta sa pinanggalingan ng baril. Nagaalinlangan pa sila nung una pero sumunod rin sila sa akin.
Lumalabas na ang araw kaya nagkakaroon na ng ilaw ang pasilyong dinadaanan namin.
Nakikita ko na ang dinadaanan namin. Yung kaninang madilim na paligid ay lumiliwanag na.
Nabigla ako nang pagliko namin ay may nakabanggaan ako. Napaupo ako sa sahig dahil sa lakas ng pwersa. Tumambad sa akin ang mukha ni Ara.
Umiiyak siya habang nakasalampak sa sahig ang mga duguang kamay niya. "Ara! Buhay ka?!" gulat na tanong ko at niyakap siya.
"D-diane..." Napahagulgol siya habang niyayakap ako pabalik.
"Anong nangyari? Bakit.. duguan ka?" tanong ko habang ako na mismo ang nagpupunas ng mga luha niya.
"M-may humabol sa akin na killer.. tapos may naramdaman akong mabigat sa ulo ko. Doon ako nawalan ng malay.." Napatigil siya at huminga ng malalim.
"P-pagkagising ko.. nasa isang kwarto ako. Madilim.. sobrang dilim at wala akong makita.. Pero nalaman kong nakatali ako sa isang upuan.." Napatingin siya sa mga kamay niya. Namumula at duguan ito.
"Sinubukan ko ang lahat para tanggalin ang sarili kong kamay sa tali.. bago dumating yung killer. Sa oras na natanggal ko na, nagmamadali na akong lumabas.. Hindi niya ako naabutan" Bigla siyang ngumiti na para bang guminhawa ang pakiramdam nya.
Nginitian ko siya. "Buti na lang at ligtas ka" sabi ko at itnayo na siya.
"Teka. Ano nga palang gagawin natin?" tanong ko sa dalawang kasama ko.
"Sinusundan natin yung putok" sagot ni Jamie kaya't napalo ko ang noo ko. "Oo nga pala." bulong ko at nagsimula ng maglakad.
Sa malayo, narinig ko ang kumpulan ng mga tao kaya't nagmadali ako papunta doon.
Pagkaliko ko sa kaliwa ay tumambad sa akin ang isang grupong nagtutulakan. Sila Dominic?
"Uy! Si Diane oh!" sabi ni Dominic nang nakita niya ako. Napatigil din sila sa pagtutulukan. Napakunot ang noo ko. "Anong ginagawa niyo?" tanong ko sa kanila.
"Dito kasi namin narinig yung putok ng baril. Di lang namin mapagkasunduan kung sino ang magbubukas ng pinto" sabi ni Rizialen at itinuro ang pintuang katapat nila.
Lumapit ako sa pintuan at idinikit ang tenga ko dito. Bumibilis na naman ang takbo ng puso ko na halatang kabado ako sa kung anong mayroon dito sa loob ng pintuang ito.
"Diane!" Narinig kong sigaw ni Ara. Napatingin ako sa kanya at may itinuturo siya habang nanlalaki ang mga mata niya.
Napalingon ako sa ibaba ng pintuan kung saan may nakita akong mga bahid ng dugo sa sahig.
Bubuksan ko na sana ang pinto nang marinig ko ang sirena ng mga pulis. Napalitan ng masayang ekspresyon ang mukha ko. Nandyan na ang mga pulis?
Napalingon ako sa mga kasama ko na parang nabuhayan rin nang marinig nila yung sirena.
"Tara na!" sabi ni Trixie at nauna na silang bumaba ni Ara, Jihannah, Jaimarie at Anna. Naiwan kami dito ni Dominic, Robert, MJ at Rizialen.
Tinikom ko ang mga labi ko habang nakatingin sa kanila. "Bubuksan ko ba?" tanong ko sa kanila.
Napatango naman sila. Huminga ako ng malalim at binuksan ang pintuan.
Para akong masusuka ng oras na iyon. Lumantad sa harapan namin ang isang babaeng nakatali sa isang upuan. Warak ang mukha nito at kahit titigan mo ng mabuti ay hindi mo na siya makikilala.
Nagkalat sa sahig ang dugo at pati sa pader ay may mga bakas ng dugo doon.
Pero hindi ako doon nagtaka.
Maliban sa babaeng yun ay may dalawang katawan na nakahandusay sa sahig. Parehas na duguan. Parehas na hindi kumikibo.
Napatingin ako kina Rizia na parang maiiyak na.
"S-sino tong mga to?" bulong ni Dominic pero rinig ko pa rin.
May narinig kaming mga yapak na papaakyat na ng hagdanan. Tumalikod na kami at dapat na aalis na nang biglang sumigaw si MJ.
"Waah! Tulong! Tulong!!"
Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin kay Jeravem na itutok ang isang patalim sa leeg ni MJ. Nanginginig ang mga kamay ko nang makitang idinikit na niya ang patalim na hawak sa leeg niya.
"J-jeravem.." bulong ko.
Si Jeravem? Buhay pa sya?
"Kumalma ka please.." sabi ni Dominic na ikinabigla naming lahat. Mahina at malambot ang pagsasalita niya.
Ngunit mapupungay ang mga mata ni Jeravem habang nakatingin sa amin.
"Kayo.. Kayo! Wala na kayong ibang ginawa kundi kunin ang mga mahal ko sa buhay! Ano bang ginawa ko sa inyo!? Ha?! Diba wala! Sabihin niyo sa akin kung dapat bang mangyari ang mga to sa akin!" Umiiyak siya pero mahigpit ang hawak niya kay MJ na takot na takot na sa mga nangyayari.
"Walang may gusto nito, Jeravem. Hindi tayo ang nagpla-plano kung sino ang namamatay at kung sino ang nabubuhay.." panimula ni Dominic.
"Wala sa atin ang karapatan para planuhin ang mga buhay na dapat kinukuha. Pero hindi rin natin kasalanan. Kung nagpasiya na Siya na kunin ang buhay ng isang tao, wala tayo sa posisyon para magreklamo" pagpapatuloy ko.
Napapansin ko na unti-unti na siyang kumakalma.
"Ang dapat lang nating gawin ay ang tanggapin na lamang ito.. at patuloy na mabuhay" sabi ni Rizialen.
Napatigil sa pag-iyak si Jeravem.
Unti-unti niyang pinakawalan si MJ na nanghihina na. Pero bago pa man makaalis si MJ sa hawak niya ay hinila niya ito pabalik at sa isang iglap, pinutulan ng buhay.
Nanlalaki ang mata ko habang pinapanood ko lang siya na kitilin ang buhay ng aking kaklase.
Wala akong magawa.. hindi ko siya mailigtas.
Napatawa siya ng malakas. "Walang kwenta... walang kwenta ang mga pinagsasabi niyo!" sigaw niya at muling tumawa.
Nakatulala lang kami sa kanya hanggang sa dumating na ang mga pulis at hinawakan ang magkabilaang pulso niya. Tinanggal rin nila ang patalim sa kamay niya at hinila na paalis.
"Bitiwan niyo ako! Bitiwan niyo ako!" sigaw nito habang tinatanggal ang mahihigpit na hawak ng mga pulis sa kanya.
Napatingin ako kina Rizialen na umiiyak dahil sa nasaksihan. Lumapit ako sa kanya at niyakap.
"H-hindi man lang natin siya pinigilan.." aniya habang patuloy na humahagulgol.
Nabaling ang atensyon ko sa mga taong inalalagay ang katawan niya sa stretcher at binubuhat paalis.
Tapos na ang lahat.. Napangiti ako kahit sumisikip ang dibdib ko.
Tapos na ang bangungot na ito.. ligtas na kami.
***
Nasa ibaba na silang lahat. Ngunit may isang babaeng humiwalay sa grupong iyon at muling umakyat sa taas kung saan sila nanggaling.
Lumapit siya sa di-gumagalaw na katawan ni Joseph at niyugyog ito.
"Uy.. uy Tres. Gising na. Tapos na ang show. Stop acting, geez" Napairap na lamang yung babae habang patuloy na niyuyugyog ang balikat ni Joseph.
Napaupo si Joseph dahil nainis na siya. "Wag mo nga akong hawakan! Masakit!"
Napansin ng babae yung tama ng baril sa balikat niya at nanlaki ang mga mata niya. "Binaril mo ang sarili mo?" gulat na tanong ng babae.
Si Joseph naman ngayon ang napairap.
"Oo. Para hindi nila ako mapaghalataan. Malay ko bang nag-aacting lang rin yung baliw na babaeng yun" inis na sabi ni Joseph.
"Sino? Si Jeravem?" tanong ulit ng babae at tumango naman si Joseph bilang sagot.
Nakarinig siya ng mga yapak na papalapit. "Sige na, tumakas ka na bilis!" sabi nito kay Joseph.
Muling napatango si Joseph at tumayo. Basang-basa ng dugo ang kanyang damit dahil puno rin ng dugo ang sahig na hinigaan niya.
May mga dumating na pulis kung saan nakita nila ang babae na nakatayo.
"Miss? Ano pong ginagawa niyo dito? Doon na po kayo sa baba. May mga damit po doon at mainit na kape" sabi ng isa.
Ngumiti naman ng tipid yung babae.
"Salamat po kuya. Sige po, mauuna na po ako" sabi ng babae at umalis na.
Habang tumatakbo papaalis si Joseph ay nakabungguan niya ang isa sa mga kasamahan niya.
"O, tres! Paalis ka na? Wag ka dyan sa likod kasi may mga nagbabantay na pulis. Dyan ka sa may gilid dumaan" sabi sa kanya ng lalake at ngumisi.
"Geh.. una na ako, Uno." sabi ni Joseph bago nagpatuloy sa paglalakad.
Tumango yung lalake kay Joseph bago nagmamadali ng umalis.