Sa kabilang kwarto naman ay naroon ang isang lalake kasama ang isa sa mga tulog na kaklase niyang nagngangalang Eugene.
Tinurukan niya ito ng pampagising dahil gusto niyang buhay ang biktima niya kapag pinapatay.
Napaupo si Eugene habang hinihingal sa oras na maturukan siya ng isang iniksyon. Nabigla siya nang pagkabukas niya ng mga mata niya ay wala na siyang makita.
"Gising ka na ba?" malalim at nakakatakot na boses ang narinig ni Eugene kaya't di niya mapigilang kabahan.
"A-asan ako? At bakit hindi ako makakita?" aniya nang kakapain na sana niya ang mata niya.
"Ah.. yun ba? Wala na eh. Natanggal kanina. Sorry, aksidente lang" sabi ng lalake at ngumisi.
Mas natakot si Eugene. Nang kapain niya ang mata niya ay wala siyang nakapa. Para siyang batang naagawan ng kendi habang umiiyak para sa mommy niya.
Nagulat siya nang maramdaman niya ang patalim sa tenga niya. Hindi niya mapigilang sumigaw ng sumigaw dahil sa sakit at takot. Hawak-hawak niya ang tenga niya habang umaagos ang dugo mula dito.
"Ang pinakaayaw ko, ay yung batang iyakin! Tulad mo!" ramdam ni Eugene ang galit sa bawat salitang binibitiwan ng killer. Pero hindi niya kaya ang sakit. Gusto niya lang na sumigaw ng sumigaw hanggang sa mawala ang sakit na mararamdaman niya.
Napailing na lamang yung lalake habang tinignan ang sumisigaw at umiiyak na kaklase niya.
Inis na inis na siya dahil ayaw nitong tumahimik.
Dahil nasa isang supply closet sila aya nakita niya ang barbed wire na nakatago sa sulok ng mga kahon. Napangiti siya sa ideyang nabuo.
"Please.. please.. pakawalan mo na ako..." ani Eugene habang humahagulgol.
"Pakawalan? Bakit naman kita pakakawalan e nagsisimula pa lang ang laro?" bakas sa tono ng boses ng lalake ang inis dahil sa sinabi.
"Ano bang kailangan m-mo? May pera ako! K-kung kailangan mo ng pera.. mabibigay ko! Please lang.. p-pakawalan mo na ako.."
Napatawa ng malakas yung lalake. "May pera rin ako. Anong gagawin ko sa pera mo?"
Kinuha niya yung barbed wire sa sulok at ipinulupot ito sa leeg ni Eugene. Pakiramdam niya ay sinasakal siya, pero mas masakit ito.
Tumusok sa ilang bahagi ng leeg niya ang mga tulis ng alambre at nawawalan na siya ng boses dahil hindi siya makahinga at sa mga sugat na natamo niya.
Mas idiniin pa ng lalake ang alambre sa leeg at tsaka ito inikot-ikot.
Napaiyak na lamang si Eugene habang kumakaskas at pinupunit ng alambre ang balat niya sa leeg. Sinubukan niyang sipain ang salarin.. pero maya-maya'y nawalan na siya ng lakas para gumalaw.
Ngumiti ng matagumpay ang killer bago hayaang mahulog sa sahig ang di gumagalaw na katawan ng kaklase niya.
"The civilian is dead" ani ng lalake bago tumayo. Kinuha niya ang t-shirt sa gilid ng maliit na lamesa at tsaka nagpalit ng damit.
***
Diane's POV
"Laro tayo!"
T-teka.. nananaginip na naman ba ako?
“Sige! Matagal pa naman yung meeting ng teachers eh!”
Tinignan ko ang paligid.
Tama. Eto yung classroom na lagi kong napapanaginipan. Nandito ako sa unahan ng classroom.
Bakit kaya mas malinaw na ngayon ang panaginip ko? Kitang-kita ko ang bawat detalye ng classroom.
“Ano naman ang lalaruin naten?” nakita kong tanong ng isang bata.
Bakit pamilyar na pamilyar sa akin ang eksenang ito?
“Ah! Ako! May alam akong laro! Lagi kong nakikita ang mga kapatid ko na nilalaro ito eh! Kaso
ayaw nila akong isali...” sabi ng isa namang bata at lumungkot ang mukha.
“Killer-killer ang pangalan ng larong ito”
Lumaki ang mata ko sa narinig. Killer-killer?
N-nagkataon lang to diba? Tsaka...panaginip lang naman ito eh.. Pero bakit parang... totoo ang lahat ng ito?
Tinignan kong mabuti ang mga bata. Unti-unti silang nawawala. T-teka! Hindi pa tapos ang panaginip ko!
“Diane? Diane..."
Napadilat ako ng mata nang naramdaman kong may gumigising sa akin. T-tiara?
"Si Trixie to.. Diane.." sabi niya kaya't napakurap pa ako ng ilang beses bago ko siya makita ng maayos. Napatingin ako sa paligid ko.
Nasa kantina pa rin ako. Pero ako na lang mag-isa dito. A-asan na yung ibang mga kasama ko? Si Tiara? Si Danielle? Asan na sila?
"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko sa kanila habang tinutulungan nila akong tumayo. Kasama niya si MJ na ngayo'y inaalalayan na ako habang nakatayo.
Nahihilo pa rin ako dahil sa tagal kong nakahiga sa sahig. Namamanhid na rin ang isa kong braso dahil dito ako nakahiga nang nakatulog ako.
"Nagutom kasi ako eh. Tapos eto lang ang alam kong lugar na may pagkain. Akala namin ni MJ patay ka na. Buti na lang sinubukan kong gisingin kita" sabi ni Trixie at ngitian ako. Napansin ko naman ang braso niyang tinalian ng isang panyo.
Napunta rin ang tingin ni Trixie sa braso niya. "Eto ba? Nasaksak kasi ako eh. Buti na lang at nandyan si MJ"
"Y-yung killer.." panimula ni MJ. Tapos ay ikwinento nila sa akin ang tungkol sa kwento ni Jamie na si Joseph at si Jeravem na nabaliw dahil sa pagkawala ng kapatid niya.
Hindi ako makapaniwala. Lalo na yung tungkol kay Joseph.
A-akala ko ba magkaibigan sila ni Renz? Bakit siya pumapatay ngayon?
"Grabe. Hindi ako makapaniwala" sabi ko habang hinahawakan ang ulo ko. Nahihilo na naman ako.
Alam ko namang kaklase ko ang pumapatay sa amin eh. Pero kapag may nagpatunay na kaklase nga namin, kahit na expected mo na, para kang nawawala sa ulirat.
Siguro kasi ay umaasa akong hindi kaklase namin ang pumapatay. Kundi isang taong nakapasok lang dito sa eskwelahan namin. Umaasa ako. Pero nabigo ako.
Napatingin ako sa katawang nasa mesa lang noon, pero nabigla ako nang nawawala na ito doon.
Binalingan rin ng tingin nina MJ at Trixie ang tinignan ko at nagtaka sila.
"Ano yun, Diane?" tanong ni MJ.
Napayuko na lang ako at napailing. "W-wala.." Wala na ang katawan ni Levitha... Saan nila inilagay yun?
"M-may pumatay sa kaklase naten kanina... babae siya.." saad ko.
"Si Jeravem?"
Napailing ako. "Hindi ko alam.. pero mukhang hindi si Jeravem eh. Hindi niya kaboses" Pamilyar yung boses niya sa akin, pero hindi ko alam kung bakit hindi ko maalala kung saan ko narinig.
Napatingin ako sa bintana kung saan ipinapakita ang malakas na pagbuhos ng ulan.
"Bukas... makakalabas na tayo dito" Bukas ang huling araw ng camping namin. Isang bangungot. Isang araw na lang..
Makakaalis na kami.. makakaalis na kami sa impyernong ito.
***
Sa harapan ng Principal's Office ay unti-unting nagkakamalay si Jeravem.
Nakangiti siya habang tumatayo. Ramdam niya ang pagkauhaw niya sa dugo. Gustong-gusto niya pang pumatay.
Iika-ika siyang naglalakad papunta sa janitor's closet at binuksan ito. Madilim pero gumagana sa kadiliman ang paningin niya dahil nasanay na siya dito.
Kinuha niya ang isang martilyo na nakakalat at tsaka tumawa ng malakas. Napatingin siya sa paligid, naghahanap ng mabibiktima niya. Kaso wala siyang makita.
Sa inis niya ay tinapon niya sa pader ang martilyo at agad na nawasak ito.
Napatigil siya nang marinig niya ang paghagulgol ng isang babae. Sa sobrang tuwa ay pinulot niya ang martilyo niya at tinungo ang boses.
Napunta siya sa harapan ng isang pintuan.
Hindi niya pinansin iyon at biunuksan ang pintuan. Doon niya nakita sa gitna ng kwarto ang isa sa mga kaklase niyang nagngangalang Genevieve na nakatali sa isang upuan at nakablindfold ang mga mata.
Napatawa siya kaya't napatigil sa pag-iyak si Genevieve.
"H-hello? May tao ba diyan? Please! Kailangan ko ng tulong!" iyak niya.
Lumapit si Jeravem dito at hinawakan ang ulo. "Shh.. tutulungan kita.." sabi ni Jeravem kaya't napatigil sa pag-iyak si Genevieve.
Kahit hindi niya makilala ang boses ay sinubukang niyang pagkatiwalaan ang may-ari ng boses.
Itinaas ni Jeravem ang kanyang martilyo at buong lakas itong ibinagsak sa ulo ng biktima niya. Sa isang iglap, basag na ang bungo ng kanyang biktima at warak-warak na ito.
Parang pininturahan ng dugo ang maliit na kwarto dahil kulay pula na ito.
Napatingin si Jeravem sa kamay niya. Pati siya ay parang naliligo na rin sa dugo. Napatawa na lamang siya. Tuwang-tuwa siya sa nangyari. Kuntento siya sa ginawa niya sa biktima niya.
Pumasok sa loob ng kwarto si Joseph at nakita niya ang ginawa ni Jeravem sa dapat na biktima niya.
Galit na kinuha niya ang baril sa bulsa niya at ikinasa ito. Tapos ay itinapat niya ito sa tumatawang pigura at nagpaputok.
Bumagsak sa sahig ang walang buhay na katawan ni Jeravem.