Mula sa kadiliman, lumabas ang babaeng di kapani-paniwala na pumapatay.
"Jera...vem" bulong ni Trixie sa sarili niya. Nakakakilabot ang ngiti niya habang may hawak-hawak na chainsaw.
"T-teka... chainsaw?" Naalala agad ni Trixie ang putol-putol na katawan ng kaklase nilang si Carl na natagpuan sa isang ref ilang mga araw lang ang nakakaraan.
"Ikaw ang pumatay kay Carl!" ani Trixie sabay turo sa kanya. Nababaliw at nakakasindak na tawa ang pinakawalan niya.
"A-ako nga" Nabitawan ni Jeravem ang hawak na chainsaw at hinayaan itong mabagsakan ang paa niya. Imbwes na humaluyhoy sa sakit, ay wala siyang naramdaman.
"N-naranasan niyo bang magkaroon ng sirang pamilya? Y-yung mga magulang mo... away dito, away doon" Parang bumalik sa katinuan si Jeravem habang inaalala ang mga masasamang alaala ng pamilya.
"Y-yung kapatid ko na lang ang mayroon ako. Ang anghel na kapatid ko na walang ibang ginawa kundi pasayahin ako..." Humikbi siya at nagpatuloy sa pagkwento.
Unti-unting nawawala ang depensa ng tatlong magkakaibigan habang pinapakinggan ang kwento niya.
"P-pero... kailangan niya pang kunin ang kapatid ko!" Nag-alab sa galit ang mga mata ni Jeravem pero patuloy pa rin siyang magkwento.
"Ginawa ko ang lahat ng gusto niya.. maibalik nya lang sa akin ang kapatid ko.." Patuloy na umiyak si Jeravem.
"P-pero.. nalaman ko na lang na pinatay niya ito! Pinatay niya ang kapatid ko! Ang kapatid kong dahilan kung bakit kahit sirang-sira na ako ay ginagawa ko pa rin ang makakaya ko para mabuhay ako! Pero ngayon? Wala na siya! Wala na akong rason pa para mabuhay!"
Napatulala lang sila habang nakatingin sa kaklase nilang umiiyak. Hindi nila alam na ganun katindi ang pinagdadaanan ng kaklase nila. Wala silang alam. At wala rin silang balak na alamin.
Nagulat yung dalawa nang mapansin nilang lumapit si Bren kay Jeravem. Pilit nilang pinipigilan, pero hindi siya nagpapigil.
Nagtatakang nakatingin lang si Jeravem kay Bren na kusang loob na lumapit sa kanya. Ang sumunod na ginawa niya ay mas lalong hindi kapani-paniwala.
Yakap-yakap niya, pilit na pinapatahan.
"Alam mo.. hindi naman ibig sabihin na p-patay na ang kapatid mo ay.. wala ka ng rason para mabuhay. Wala na bang ibang tao para mabuhay ka? Wala ka bang minamahal na tao?" tanong ni Bren gamit ang matamis na boses niya.
Gumagana na ang pagpapatahan ni Bren, kaso isang maling tanong at muling bumalik ang pagkasira sa ulo ni Jeravem.
"Si Renz.. patay na rin. Pinatay niyo siya.. PINATAY NIYO SIYA!"
Hindi napansin ni Bren ang patalim na inilabas ni Jeravem at ang balak niyang saksakin siya sa likod.
Bago pa man nila mapigilan si Jeravem ay huli na ang lahat.
Napabitaw si Bren habang tinitiis ang sakit sa likod niya. Gusto niya mang magsalita, ngunit may kung anong pumipigil sa kanya.
Sa oras na binuksan niya ang bibig niya ay umagos doon ang napakaraming dugo. Nagsimula na siyang mahirapan huminga at naninikip na ang dibdib niya.
"Bren! Bren!" Nilapitan agad siya ni MJ at niyakap. Napaurong siya nang maramdaman niyang nagalaw nito ang patalim na nakatanim sa likod niya.
Nahihirapan ng idilat ang mata niya, dahan-dahan na niya itong isinasara.
"Bren! Bren, please wag kang matulog! Please..." Napahagulgol si MJ habang nasa kamay niya ang nag-aagaw buhay na kaibigan niya.
"W-wag ka m-munang matulog a-ah?" panimula niya. Hindi niya mapigilan ang panginginig ng boses niya.
"A-ang aga-aga pa eh... D-diba sabi mo sabay p-pa tayong tatanda? Maga-awting kasama a-ang mga sarili n-nating p-pamilya? M-magkasama tayong p-pipikit habang pinapanood a-ang mga apo natin na naglalaro?" pilit na ngumiti si MJ nang tuluyan ng ipikit ni Bren ang kanyang mga mata.
Mas lumakas ang hagulgol niya habang yakap-yakap ang di gumagalaw na katawan ng kaibigan niya.
Hindi siya makapaniwala na mawawala na lamang ng isang iglap ang kaibigan niyang pinapahalagahan niya.
Nanghihina na siya nang bigla syang hinila ni Trixie. "Tama na sa pag-iyak, MJ. Kailangan na nating makaalis dito" Mabigat man sa puso ni Trixie ang umalis, alam nilang kailangan pa nilang masabi ito sa iba pa nilang kaklase.
***
Trixie's POV
Hinihila ko na paalis si MJ habang tumatawang mag-isa si Jeravem sa isang gilid. Napailing na lamang ako. Nababaliw na siya.
Medyo malayo-layo na kami pero hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak si MJ. Humarap ako sa kanya at niyugyog siya. "Ano ba MJ! Please, tumigil ka na ok?! Alam kong mahirap pero kailangan nating gumawa ng paraan para mabalaan natin ang iba nating kaklase kundi, hindi lang siya ang mamamatay! Baka.. tayong lahat na" saad ko.
Parang bumalik sa katinuan si MJ at pinunasan ang natititrang luha niya at pilit na ngumiti.
"Tama... kailangan na natin silang balaan" aniya kaya't nginitian ko siya.
Napasigaw ako sa sakit nang maramdaman ko ang matalim na kutsilyo na biglang bumaon sa braso ko. Napatingin ako sa likod at nakita si Jeravem na nakangiti at dahan-dahang sumusunod sa amin.
Dahil sa sugat ko ay parang nabawasan ako ng lakas para makatakbo ng maayos. Umaagos na ang dugo mula sa sugat kaya't di ko mapigilan na mapasigaw sa bawat hakbang na gagawin ko.
"MJ tulong.." hirap na hirap na sabi ko sa kanya.
Inakay niya ako at sabay kaming tumakbo papalayo sa babaeng nasa likuran lang namin.
Ngunit hindi na kinaya ng lakas namin. Ibinaba muna ako ni MJ upang magpahinga habang pumasok siya sa isang classroom at iniwan ako doon sa labas.
Lumalakas ang pintig ng puso ko habang papalapit na siya at hindi pa rin lumalabas si MJ.
"MJ.. tulong.. please.." bulong ko sa sarili ko.
Nanginginig ako sa takot habang nakatingin sa babaeng nasa harapan ko. May hawak siyang isang ballpen na balak niyang isaksak sa mata ko.
Ngunit mas mabilis si MJ sa kanya. Nahampas niya ito ng kahoy na mula sa isa sa mga upuan sa loob ng classroom at agad na humilata sa sahig ang walang malay na katawan ni Jeravem.
Doon lang ako nakahinga ng malalim. Kumakalma na ang puso ko at umaayos na ang paghinga ko.
May inilabas na panyo si MJ. "Huhugutin ko to. Magtiis ka" aniya habang hawak na ang hawakan ng kutsilyo.
Napasigaw ako sa sakit nang tuluyan na niya itong nahugot at agad na nagsilabasan ang napakaraming dugo. Binilisan niya ang paghihigpit sa panyo upang matigil ang pag-agos ng dugo.
Tumayo na siya at pinagpag ang sarili niyang damit. Maya-maya'y inilahad niya ang kamay niya sa akin.
"Tara na. Kailangan nating mahanap ang iba.." aniya at tinulungan akong tumayo.
***
Masaya ang isa sa mga killer nang inalapag ng dalawa niyang kasamahan ang isa sa mga kaklase nila sa isang mesa.
"Salamat! O sige na, mauna na kayo. Dito na muna ako!" nakangiting sabi niya at nakakakilabot ang boses niya.
"O sige dos.. iiwan ka na namin" saad ng isa sa mga lalake at parehas na silang lumabas.
Masaya siya habang pumipili ng kutsilyo na gagamitin niyang pangkatay sa kaklase niyang nagngangalang Levitha.
"Eto! Matalim at mukhang bago! Malaki pa!" aniya at kinuha ang pinakamalaking kutsilyo sa kusina.
Pinunit niya ang damit ng babaeng kaklase at pinagmasdan ang makinis na katawan nito.
"Sayang naman yung balat mo. Maputi.. makinis. Pero mamaya, puno na ng dugo.." aniya habang itinatapat ang matalim na tulis ng kutsilyo sa may tiyan niya.
Binaon niya ito ng kaunti at lumabas ang dugo mula sa maliit na sugat.
"Naalala mo pa ba nang k*****y natin ang palaka last month? Diring-diri ka doon diba? Ngayon, mararanasan mong maging palaka!"
Nagsasalita siya kahit wala naman talaga siyang kausap. Nakangiti habang pinapanood ang balat niya na bumukas at tumulo ang dugo mula dito.
Mas idiniin niya ang patalim ng kutsilyo at muling idinaan ito pababa ng tiyan niya. Nagsitalsikan ang dugo at may tumalsik rin sa mukha niya.
Pero hindi niya iyon pinansin. Bagamat, mas napangiti pa siya. "Naku. Ang kalat naman" Napatawa siya.
Kumuha siya ng tinidor na nakita niya sa gilid at tinusok-tusok ang lamang loob nito.
Pinagmamasdan nya ang puso nitong pilit na tumitibok upang mabuhay siya pero ilang sandali lamang ay sumuko na ito. Napangiti siya nang makitang tumagal pa siya ng ganon katagal bago tuluyang nawala.
Gusto niya pa sanang paglaruan ang mga lamang loob nito kaso ay may nagpatigil sa kanya.
"Kadiri ka, dos. Tama na nga yan.."
***
Diane's POV
Nanlalaki ang mga mata ko habang pinapanood ang malupit na nangyayari sa harapan ko.
Hindi ko alam kung bakit pero parang ayaw kong tumayo upang tulungan ang kaklase kong kinakatay sa harapan ko.
Alam kong gusto rin nyang humingi ng tulong, kung hindi lang sana sa tape na nakapulupot sa bibig niya at and blindfold sa mata niya.
Hindi ko makita kung sino yung pumapatay hindi dahil nakapikit ako para hindi ko mapanood ang nangyayari, kundi dahil nakamaskara siya. Isang payasong nakangiti ang ginamit niya.
Gusto kong magsuka. Kaso alam kong sa panahon na malaman niya na gising ako, ay magagaya ako sa kaklase kong parang palaka na ngayon.
Napatulala siya nang marinig niya ang katagang 'the civilian is dead' mula sa bibig ng killer.
Doon niya napatunayan na dahil nga sa larong Killer-killer kung bakit nandirito sila ngayon. Kung bakit iniisa-isa sila. Kung bakit pinapatay sila.
Muli kong pinilit ang sarili ko na makatulog, lalo na nang may maramdaman akong presensya sa likod ko.