Mapupungay ang mga mata ni Joseph habang nakatingin sa kawalan. Hinihingal at pinagpapawisan na siya.
Hirap na hirap siyang tanggalin ang patalim na nakasaksak sa paa niya dahil tagos buto ito at nakatanim sa kahoy na sahig.
Hindi niya mapigilan ang dugong umaagos mula sa sugat niya.
Napatingin siya sa babaeng kapapasok pa lang ng kwarto.
"Tres! Anong nangyari?" gulat na tanong ng babae at lumapit sa kanya. Napadaing sa sakit si Joseph nang maapakan niya yung paa nito.
"Hala, sorry! Teka, tatanggalin ko lang" sabi ng babae at yumuko para makitang mabuti yung patalim.
"Tiisin mo na lang. Siguradong masakit to" saad niya bago hawakan ang hawakan ng patalim at buong lakas na hinila ito.
Di mapigilan ni Joseph ang mapasigaw sa sakit na nararamdaman niya.
Nang sa wakas ay wala na ito sa paa niya, itinali ng babae ang isang panyo sa sugat niya.
"Sigurado ka bang kaya mong maglakad?" tanong sa kanya ng babae at nakakunot ang noo.
Pinahid ni Joseph ang pawis niya at ngumisi. "Bakit hinde? Sugat lang naman to. Sige, umalis ka na"
Napailing habang nakangiti naman yung babae bago tuluyang umalis na sa paningin ni Joseph.
"Ingat.. dos" mahinang bulong niya.
***
Diane's POV
Nakasunod lang kami kay Tiara na naunang pumasok sa kantina.
Nabigla ako nang maabutan kong may nakatutok na kutsilyo sa leeg ni Tiara pagkapasok na pagkapasok namin.
"H-hoy! Bitawan niyo siya!" Nanlalaki ang mga mata na sinabi ko.
Sila Levitha... nandito pala. Kasama niya sina Genevieve, Eugene, Jason at.. at si Joseph ba yun?
"Levitha, ibaba mo yung kutsilyo mo. Wala kaming ginagawang masama" sabi ko at dahan-dahang tinatanggal ang kamay niya na nakapulupot sa leeg ni Tiara.
"So, nandito pala kayo" sabi ni Raniel at tinitignan isa-isa ang mga nasa loob ng kantina.
"S-sorry.. nagulat lang kami nang may biglang sumugod. Akala namin... uhm wala" ani Levitha at yumuko.
"Akala niyo sino?" kunot-noong tanong ko.
"Akala namin yung killer" pagtatapos ni Genevieve na humakbang paharap papalapit sa amin.
"Dito kami nanatili dahil alam naming kumpleto kami sa kagamitan. Except sa tutulugan namin, of course" aniya at pinapasok kami sa loob at ini-lock ang pinto.
"Si Joseph ang nagsabi sa amin tungkol sa mga nangyayari ngayon. Alam na naming may gumagalang mamamatay-tao dito sa eskwelahan. Buti na lang at may mga armas kami dito upang protektahan ang sarili namin" sabi naman ni Jason na umupo sa sahig katapat ko.
Tumango naman ako sa kanya.
Matalino rin sila. Dapat pala dito rin kami pumunta. May pagkain na nga, may armas ka pa.
"Eto, bagong luto lang. Kuha na kayo" sabi ni Joseph na may hawak na isang tray na puno ng mga mangkok na may lamang lugaw.
"Wow! Ang bango naman~" ani Tiara na mukhang natatakam sa inihain na pagkain ni Joseph.
"Uy, salamat!" sabi naman ni Raniel at kumuha na ng isa.
Napansin ko naman na hindi nabigyan si Eugene. "Oh eto. Sayo na lang" sabi ko sa kanya sabay ngiti. Mukha namang mas gutom pa siya kaysa sa akin.
"A-ah.. salamat" sabi niya at nginitian din ako pabalik.
Pinanood ko lang silang kumain at maya-maya'y humiga sila sa sahig at natulog. Humikab rin ako bago mahiga sa malamig na sahig at tuluyang nakatulog.
Hindi ko man lang napansin ang sugat sa paa ni Joseph at ang pigura ng isang tao na lumapit sa akin.
***
"Ayos. Tulog na ang lahat. Anong nilagay mo dito tres?" tanong niya kay Joseph na nakangisi habang pinagmamasdan na natutulog ang mga kaklase niya.
Napatingin siya sa lalakeng katabi niya at tinaasan ng kilay. "Malamang pampatulog. Anong akala mo, pampagising?" sarkastikong sagot niya bago ibaling ang atensyon sa mga kaklase niya.
Umirap naman yung lalake bago bumulong. "Pasalamat ka, kailangan kita kundi kanina pa kita sinaksak nito" aniya habang nakatingin sa isang tinidor na mahigpit na hinahawakan niya.
"Hui! Wag nga kayong mag-away diyan!" galit na sabi naman ng babae pero muling napatingin sa maamong mukha ni Diane.
Napangiti siya habang hinahawakan ang buhok nito.
Tumayo yung lalake at malakas na pumalakpak. "Okay! Oras na para maglaro!" aniya habang nakangiti sa dalawang kasamahan niya.
***
Dominic's POV
Nakakunot-noo lang ako habang naglalakad. Bigla kasi akong may naamoy na masangsang. Mabaho. Pero pamilyar ang amoy na iyon.
"U-uhm.. ano yun?" tanong ni Jihannah habang nakaturo sa isang pintuang ngayon lang namin nakita at nakabukas ng onti.
"Tara, tignan natin!" sabi ni Jaimarie at nauna ng pumasok sa loob ng pintuan.
Nagkatinginan muna kaming lahat bago sumunod kay Jaima na nasa loob na. "Sigurado ba kayong papasok pa tayo? Masama ang kutob ko" saad ko sa kanila.
"Tara na. Curiosity kills." sabi naman ni Jihannah at sumunod kay Jaimarie.
Pagpasok ko sa loob, napatakip agad ako ng ilong ko. Mas malakas ang amoy dito sa loob kaysa sa labas.
Nagulat na lang ako nang matagpuan ang duguan na katawan ni Emil.
Di ko maiwasang mapamura ng mahina. "Dito lang ako sa labas" sabi ko nang nakita ko silang papasok pa sa iisang kwarto.
"Hui! May susi oh!" sabi ni Jaima at pinaglaruan ito. Binato-bato niya ito pataas hanggang sa nagalit si Jihannah.
"Please stop acting like a child! Can't you just be mature for once?! Geez!" sabi ni Jihannah at tinampal sa kamay ni Jaima ang susi dahilan para pumasok sa bibig ni Emil.
Nanginig ako at nandiri habang pinagmamasdan yung susi. Muling nabaling ang atensyon ko sa kanila na umiikot sa loob ng kwarto.
"S-si Rachelle!" gulat na sabi ni Jaima habang nakatingin sa isa pang katawan na walang buhay na nakahilata sa sahig.
Si Rachelle? Patay na din?
PInunasan ko ang luhang nagbabadyang tumulo mula sa mga mata ko. Hindi na ako iiyak.. kailangan kong magpalakas. Para sa kanila. May tiwala akong makakalabas pa kami dito ng buhay.
Pero yung ideyang lalabas kami dito ng buhay samantalang may mga kaklase kaming hindi pinalad at pinatay ay hindi gaanong masaya, di tulad ng inaasahan ko.
Yung pakiramdam na kahit wala akong kasalanan sa pagkamatay nila, pero yung simpleng pamumuhay mo habang namatay sila, parang madaya. Dahil ikaw buhay pa, pero sila hindi na.
Nabigla ako nang may isang malakas na tunog ang narinig ko. Napatingin ako sa pintuang nasa harapan ko na ngayo'y nakasarado na.
Nakita ko sa maliit na bintana ang nagpapanic na mga mukha ni Jaima at Jihannah. Nakikita ko rin si Rizialen at Robert na nagulat sa nangyari.
Pumunta ako sa pintuan at sinubukang buksan kaso ayaw nitong bumukas.
"Doms! Doms!" sigaw ni Jaima. Malabo ang pagsasalita niya dahil napagtatakpan ng pintuang huamharang sa aming dalawa, pero rinig ko pa rin siya.
Umiiyak na ako ngayon. Ako na lang mag-isa. Anong gagawin ko?
Nararamdaman ko ang pagpapanic ng sarili kong sistema.
"Susi!" Muli akong napatingin sa kanya. Nanlalaki ang mga mata ko.
"Susi!" sabi niyang muli.
Napatingin ako sa susi sa bibig ni Emil. Huminga ako ng malalim at lumunok. Ngumiti ako ng pilit at dahan-dahang naglakad papunta sa katawan niya.
***
Jaimarie's POV
Kinakabahan na nakatingin lang ako kay Dominic na naglalakad papunta kay Emil.
"Dominic! Bilisan mo! Ang baho!" sigaw ni Pres habang kinakalabog ang pintuan.
"Kasalanan mo to! Kung hindi mo sana sinarado ang pinto, hindi sana tayo mala-lock sa loob!" sigaw ko sa kanya.
Napatingin siya sa akin at tumaas ang kilay.
"Sinarado? Kung hindi mo sana ako tinulak, edi hindi ko masasarado ang pintuan!" sigaw niya pabalik.
"Ano ba!? Pwede bang tumigil na muna kayo?! Mamaya na kayo magbangayan please?"
Napatingin kami kay Rizialen na galit na nakatingin sa amin. Parehas kaming napayuko at nag-iwas ng tingin.
Maya-maya lang ay narinig ko ang pag-click ng pintuan. Dali-dali ko itong binuksan at tumumbad sa harapan ko si Dominic na hawak-hawak ang susing puno ng dugo. Binitawan niya ito at ipinunas sa damit ko.
"Kadiri kayo, alam niyo yun?" galit na sabi niya sa amin.
Nginitian ko lang siya. "My hero~!" sabi ko at madramang niyakap siya.
Tinulak naman niya ako. "Tss.. baliw" mahinang bulong niya at lumabas na ng kwarto.
***
Mabilis na umalis sa clinic yung tatlong magkakaibigan.
"Hindi ako makapaniwala! Aksidente lang yun diba? Diba guys?" umiiyak na tanong ni MJ sa dalawang kaibigan niya na nakatulala lang sa kawalan.
"Wala akong kasalanan diba? Diba?" Paulit-ulit na kinukumbinsi ni MJ ang sarili niya pati ang mga kaibigan niya.
Naramdaman niya na may humawak sa balikat niya at nakita niya si Bren na nakangiti sa kanya at pinapatahan siya. "Oo. Wala kang kasalanan MJ. Kaya tahan ka na okay?" ani Bren habang hinahaplos ang likod nito.
Napatigil silang tatlo nang makarinig sila ng isang malaking bagay na nahulog sa gitna ng katahimikan.
"A-ano yun?" nanlalaki ang mga mata ni MJ habang tumitingin sa kapaligiran.
"Shh!" suway sa kanya ni Trixie na mariing pinapakinggan ang paligid.
Nabigla siya nang may narinig siyang isang bagay na gumugulong papalapit sa kanila. Madilim pa ang paligid kaya't di nila makita kung ano ito.
"Bola?" mahinang bulong ni Trixie sa sarili niya.
Ang akala nila'y bola ay isa palang pugot na ulo ng isa sa mga kaklase nila.
Napako sila sa kinatatayuan nila habang takot na takot na nakatingin sa ulo na mistulang nakatingin rin sa kanila. "J-jethrix.."