[10]

1395 Words
Diane's POV  Napangiti ako nang may humawak na kamay sa pisngi ko. "Ma.." mahinang bulong ko. Nakapikit pa rin ako at dinadama ang init ng kamay. Pero ilang sandali lang ay naging malamig na ito. Napakunot ako ng noo at dahan-dahang binuksan ang mata ko. Napakurap pa ako sandali habang tinitignan ng maigi ang paligid ko. Nanigas ako sa takot nang nakita ang mga batang duguan. Mga batang nag-iiyakan at nagsisigawan. Napatingin ako sa taong humawak sa pisngi ko. S-siya.. yung killer! Napasigaw ako ng malakas. "Lumayo ka! Lumayo ka sa akin!"  "Tulong.. Tulungan mo kami.." rinig kong sabi ng isa sa mga batang malapit ng maubusan ng hininga. Nagulat ako nang may humawak sa isa sa braso ko. Duguan ang kamay niya at nawawala ang isang mata niya. "Tulong.."  "Lumayo kayo sa akin! Ahh!" Sinipa-sipa ko sila palayo.  Ayoko na.. ayoko na.. "Diane! Gising!!" Ramdam ko ang malakas na pagyugyog sa akin.  Napadilat ako at nagising na hinihingal. Tumumbad sa harapan ko si Tiara at bakas sa mukha niya ang pag-aalala.  Pinakalma ko muna ang sarili ko bago umupo. "O-okay lang ako.." sabi ko at ngumiti ng tipid. "Anong nangyari? Nightmare?" Napatingin ako sa katabi ko. Si Raniel pala. "Oo. Kaso matagal na akong binabangungot kaya medyo sanay na ako" Okay. Sinungaling. Hindi ako nasasanay. Kapag napapanaginipan ko ang tungkol dito, mas lumalala. "Okay ka na ba ngayon?" tanong ni Danielle kaya't tumango ako sa kanya. Napansin ko naman na umirap si Jeravem kaya't di ko na siya pinansin. Tumayo ako. "Asaan tayo?" Bigla silang nagsingitian. Napataas ang kilay ko. Ano namang binabalak nitong mga to? "Nasa canteen tayo. Tara sa loob!" excited na sabi ni Tiara. Napa-facepalm ako. Tiara naman, wag mo ngang pairalin ang pagiging patay-gutom mo. Hay.. *** Dominic's POV  Nakaupo ako sa gilid habang pinagmamasdan ang mga kasamahan ko na matulog. Mag-uumaga na pero madilim pa rin ang langit. Napabuntong-hininga ako. Mukhang uulan ngayon. Akala ko, mag-eenjoy ako ngayon dahil malayo na ako sa maingay na pamilya ko. Makakasama ko pa ang mga kaibigan ko. Pero magiging ganito lang pala. Parang isang bangungot ang mga nangyayari. Para kaming naglalaro ng tagu-taguan dahil dito. Hindi namin alam kung kailan susulpot ang killer. Killer-killer. Doon ba talaga nagsimula ang lahat? O isang paraan lang ito para may rason ang mga 'killer' na ilabas ang kanilang totoong kulay? Gusto ko ng makalabas dito. Pero.. nakalock ang gate. Nanganganib ang buhay ng lahat ng mga kaklase ko.  Hindi dapat kami naghiwa-hiwalay. Dahil dito, mas madali kaming patayin isa-isa.  Nasaan kaya ang iba naming kaklase ngayon? Nakakapagtataka dahil halos wala ng tao dito.  Hindi kaya..napatay na niya lahat? Bigla akong napailing. Hindi. Imposible. Mygod, Dominic! Wag ka ngang mag-isip ng ganyan! Nang lahat kami ay gising na at may lakas na ulit upang halughugin ang buong eskwelahan, nagsimula na ulit kaming maglakad. Sobrang tahimik lang namin, ngayong anim na lang kami. "Nakatulog ka ba ng maayos, Doms?" tanong sa akin  ni Jaima kaya't napatango ako kahit ang totoo ay halos hindi ako makatulog dahil sa takot ko. Tuloy-tuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa maabot namin ang dulo ng pasilyo.. *** Trixie's POV   Matamlay na naglalakad ako sa kadiliman. Ilang oras na ba kaming naglalakad dito? Bawat akyat, kanan, kaliwa at baba namin ay parang hindi kami nakakaalis sa dinadaanan namin.  Mukhang paikot-ikot lang kami dito. "Gaaahhhd! Gusto ko ng magpahinga!" angal ni Bren, isa sa mga nakasama ko nang biglang magsitakbuhan ang mga kaklase namin. "Teka.. yun yung clinic natin diba?" nakangiting tanong ni MJ nang mahagilap niya ang puting pintuan sa gitna ng kadiliman. "Tama ka. Yun nga yon! Tara! Gusto ko ng matulog" sabi ko at nagmamadali kaming magsitakbuhan patungong sa pintuang ito. Natigilan kami nang may marinig kaming umiiyak. Mukhang nanggagaling ito sa loob ng kwarto. "Uhm.. nevermind. Tara na guys! Hehehe.." sabi ni MJ at paalis na sana kaso hinila ko siya pabalik. "Siguradong wala lang to. Wag nga kayong matakot" sabi ko at hinawakan ang doorknob. "Sino ba yung sinasabihan mo? Kami o ikaw?" pambibiro ni Bren pero hindi ko siya pinansin. Pinihit ko na ang hawakan at dahan-dahang binuksan ang pinto. Yung babaeng nasa loob ay mukhang nagulat rin ng makita niya kami. Medyo maliwanag na kaya't nakilala ko agad siya. "Jamie! Anong nangyari sayo?" nanlalaki ang mga mata ko nang maabutan namin siyang umiiyak sa isang gilid. "Y-yung kapatid ko.."  *** Jamie's POV  "Hoy panget. Saan naman tayo pupunta?" tanong ng kapatid ko sa akin. Yung matabang, panget na kapatid ko. Tss!  Bastusing bata rin eh! Kita ng mas matanda ako sa kanya, pero hindi ako ina-ate! Halos magkasing-edad na rin naman daw kami. Halos eh mas matanda ako sa kanya ng isang taon! "Makalait ka ah! Alam mo namang magkamukha tayo, mas mataba ka lang!" sabi ko at binelatan siya. Balak ko kasing pumunta ng rooftop. Baka sakaling makita namin sila kapag doon kami nagpunta. Tumingin siya ng masama sa akin. Ano ka ngayon? Hahaha. "Tss. Hindi ako mataba, malusog ako! Malnourished ka lang kasi eh. Bleh!" binelatan niya rin ako pabalik. Napatawa na lang ako at hinampas siya.  Nakarating na kami sa rooftop at umihip ang isang malamig na hangin.  "Uhm.. Christian. Kung pumasok ka kaya muna, baka mahulog ka dyan" sabi ko dahil nagmamadali siyang lumabas at para siyang bata na tuwang-tuwa. "KJ! Lumabas ka nga dyan!" sabi niya at nagpatuloy na tumingin sa ibaba. Papalabas na sana ako nang makita kong may isang lalakeng sumulpot sa likuran niya. "Wag!" Napasigaw ako ng malakas nang bigla niya itong itulak. Walang kamalay-malay ang kapatid ko ng mangyari yun. Hindi ko mapigilan ang pagluha ko at pagsikip ng dibdib ko. Y-yung kapatid ko... Bigla kong naramdaman ang pag-alab ng galit. Napatingin ako ng masama sa killer. Kahit na alam kong kaya niya akong patayin, mas nangingibabaw ang galit ko sa kanya.  Napansin ko ang patalim na inilabas niya galing sa hoodie na suot niya. Kinabahan ako, pero hindi pa rin nawawala ang galit ko. Buong lakas kong sinipa sa ibaba dahilan para mabitawan niya ang hawak na patalim at mapadaing sa sakit. Kinuha ko na ang tsansang iyon upang makatakas mula sa kanya. Nagmamadali akong bumaba ng hagdanan pero hindi ko alam na tumalon pala siya mula sa itaas kaya't dinaganan niya ako. Naipit ako at napasigaw dahil sa bigat niya. Nahilo ako dahil bigla niyang hinawakan ang buhok ko at malakas na inihampas ito sa sahig. Naramdaman ko ang pagtulo ng dugo mula sa sugat na natamo ko.  Tinipon ko ang natitirang lakas ko at itinulak siya. Patakbo na sana ako paalis nang maaninag ko ang mukha niya.  Natigilan ako. "J-joseph? Ikaw ang killer?" Nanlalaki ang mga mata ko habang gulat na tinitignan siya. Hindi ako makapaniwala.. mga kaklase niya kami! Paano niya kami nagagawang patayin ng ganun na lamang?! Ngumisi lamang siya sa akin.  Yung pinakatahimik sa klase namin.. nakakayang pumatay. Nasa loob ang kulo. Kaklase ko.. kaklase ko ang pumatay sa kapatid ko. Nandilim ang paningin ko. Hindi ko namalayang siniko ko siya kaya't napahakbang siya patalikod. Sa mata ko siya tinamaan kaya't sigurado akong hindi na gagana pa ang paningin niyang iyon. Nakita ko ang patalim na nakakalat sa sahig kaya't agad ko iyong pinulat at buong pwersang isinaksak ito sa paa niya. Isang malakas at nakakakilabot na sigaw ang lumabas mula sa kanya. Mabilis akong tumakbo papalayo sa kanya. Kailangan ko silang masabihan... kailangan naming mag-ingat... *** Trixie's POV  Nagtinginan kaming lahat ng matapos ang kwento niya.  "U-uhm.. eto, uminom ka ng tubig" sabi ni MJ at binigyan siya ng isang basong tubig.  Kinuha ni Jamie ang baso at ininom ito ng isang lunok. Nagulat kami nang bigla siyang umubo. "J-jamie.. okay ka lang?" Nanlalaki ang mga mata ko habang pinapanood siya. Lumaki ang mata niya at parang hindi sya makahinga sa lagay niya. Pinalo niya ng pinalo ang dibdib niya at tumingin sa amin, nanghihingi siya ng tulong. Pero nakatulala lang kami doon, gulat dahil hindi namin alam ang gagawin namin. "A-anong pinainom mo sa kanya?!" galit na tanong ko kay MJ na naiiyak na sa mga pangyayari. "Y-yung basong nakalagay dito.." sabi niya at itinuro ang mesang malapit lang sa amin.  Kinuha ko yung basong pinag-inuman niya at inamoy ito. "Pakshet MJ, hindi siya tubig!!" sabi ko. Gulat kaming nakatingin sa hindi gumagalaw na katawan na nakahiga sa paanan namin. A-anong ginawa namin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD