Diane's POV
Pagkatapos ng ilang minutong pananahimik namin, pinunasan ko ang luha ko at tumayo. "Ano pang tinatambay niyo diyan? Tara na!" sabi ko.
Lahat sila ay napatingin sa akin, may pagtataka sa kanilang mga mukha.
Nginitian ko sila. "Walang mangyayari kung iiyak lang tayo dito. Kailangan natin gumawa ng paraan. Kaya tumayo na kayo diyan dahil wala tayong patutunguhan kung magmumukmok lang kayo"
Maya-maya ay nagsitanguan na rin sila sa sinabi ko. "Tama. Wala ngang mangyayari kung iiyak tayo. Pero bago yan, Diane.. samahan mo kong mag-cr"
Napataas ang kilay ko kay Ara. Akala ko naman kung anong speech na yung sinasabi niya, gusto lang palang magpasama sa cr.
"Tara na nga. Oh, sinong sasama? Sumama na" Inakbayan ko si Ara at inakay ko siya paakyat sa madilim na eskwelahan.
Sumama sa amin si Pres, Angela at Rizia. Sumama rin si Renz para mabantayan niya kami. O-oy, di naman namin siya papapasukin sa loob ng cr. Ano siya, sineswerte? Tss!
"Dyan ka lang sa labas ah? Sa oras na pumasok ka habang di pa kami tapos, papatayin kita" banta ko sa kanya. Itinaas niya ang dalawang kamay niya.
"Hindi naman ako ganong tao tapos isa pa, may makikita ba ako?" nakangising tanong niya.
Sinipa ko siya sa paa. Ang kapal ng mukha! Argh!
"Bwiset!" sigaw ko at napatawa lang siya ng malakas.
Pagpasok namin sa cr ng girls, sobrang dilim. Lalo na nung kailangan pa naming isarado dahil baka may MANILIP dyan!
"Sige, mauna na kayo. Magbabantay na muna ako" sabi ko sa kanila at nginitian.
"Diane, pahawak naman nung pintuan na to, ayaw sumara eh" sabi ni Ara. Sumang-ayon ako kahit nakakapagtaka. Bakit kailangan niya pang isara eh madilim naman at puro babae kaming lahat.
"Eww.. what's that smell?" rinig kong reklamo ni Pres.
"Oh my god! What's this sticky thingy?" sigaw naman ni Rizia. Napangiti na lamang ako. Hay nako.
Pagkatapos nila ay tsaka kami naghandang lumabas.
Kaso nagulat na lang ako nang biglang bumukas ang pintuan. "Renz? Ikaw ba yan?" tanong ko kahit kinakabahan na ako. Iba ang pakiramdam ko.
Madilim pero nakita kong may hawak na patalim yung pigura ng tao.
"Takbo!" sabi ko nang biglang sumugod sa amin. Hinawakan ko ang pulso ng killer kung saan nandoon yung patalim para hindi niya ito maigalaw.
Nang masigurado kong nakalabas na sila Ara, ay tsaka ko sinipa sa ibaba yung killer at napabitaw siya sa akin.
Agad-agad akong tumakas kaso bigla niyang hinila ang buhok ko.
Napadaing ako sa sakit. Sinubukan kong tumakbo kaso mas hinihigpitan niya pa ang hawak sa buhok ko. Pakiramdam ko ay dudugo na ito sa sobrang sakit.
"Tama na.. Please.." sabi ko. Di ko namalayan na umiiyak na pala ako.
Naramdaman ko na lumambot ang hawak niya kaya't kinuha ko na yung tsansang iyon para tumakas.
Hinaltak ko ng malakas ang ulo ko dahilan para mabitawan niya ang hawak niya sa buhok ko. Pero naiiyak pa rin ako sa sakit sapagkat hindi niya binitiwan ng tuluyan ang buhok ko kaya't nakalas ang ilang buhok sa ulo ko.
Kumikirot ang anit ko habang naglalakad na paalis.
"Diane!" Narinig kong sigaw ng isang babae.
Napatingin ako kay Angela na mabilis na humarang resulta para siya ang masaksak ng killer. Muling naluha ang mata ko.
Nasaksak siya. Nagpasaksak siya... para lang maligtas ako?
"Angela.." mahina ang boses ko.
Tumingin pa siya sa akin bago tuluyang pumikit. May humila sa braso ko para alalayan akong tumayo.
"Tara na Diane! Natatakot na ako!" Nasa magkabilang kamay ko si Jihannah (Pres) at si Rizia.
Mabilis kaming bumaba para matakasan ang killer, pabalik kina Dominic na naghihintay sa amin.
Para akong tinakasan ng hininga nang may marinig akong sumigaw. Yung boses na yun..
"Ara!!" Nilabanan ko ang mahihigpit na hawak nila sa akin pero sobrang nanghihina na ako sa mga nangyari.
"Bakit iniwan niyo si Ara?! Pinangako kong poprotektahan ko siya.. pero anong nangyari?!" Hindi ako matigil-tigil sa pag-iyak.
Nilapitan kami nila Dominic nang makita kami.
"Anong nangyari?! Asan sila Renz?!" nanlalaki ang mata ni Dominic habang niyuyugyog ako.
Si ..Renz? Siya yung nagbabantay sa amin bago mangyari ang lahat ng yun. Pero nawala siya. Hindi niya nasabi. Ibig sabihin ba nun.. siya ang inunang patayin ng killer?
Napahagulgol ako. Sumisikip ang dibdib ko sa pinag-iisip ko.
"Hindi ko alam... hindi ko alam.." paulit-ulit na sabi ko.
Nagbago ang ekspresyon nila sa mukha at mukha silang naaawa sa akin. Si Renz.. si Ara.. Si Angela...
Nabawasan agad kami... Hindi ko to inaasahan...
***
Dominic's POV
Nakakaawa si Diane. Nawalan siya ng kaibigan. "Teka, hindi ba delikado kung nandito lang tayo? Diba nasa itaas yung killer kanina? Kailangan nating gumalaw" sabi ko.
Sumang-ayon sila sa akin at tinulungan nilang patayuin si Diane na ayaw pa ring tumigil sa pag-iyak.
"Teka. Si Angela na saan?" Tanong ko nung mapansin kong wala rin si Angela.
"Diane, si Angela?" Napatingin ako sa kanya. Tahimik lang silang lahat. Bigla akong niyakap ni Jaimarie. "Calm down, Doms" aniya.
Tumulo ang mga luha ko ng walang kahirap-hirap.
Pakshet. Ganito na pala kalala ang sitwasyon namin. Nanghihina ako bawat hakbang na ginagawa ko.
"Alam niyo naman ako, mahilig manghalungkat ng files tungkol sa klase naten lalo na't nagkakapatayan na tayo dito."
Sinabi ni Angela yan.
At sigurado akong may alam si Angela tungkol sa p*****n na nagaganap ngayon. Pero ngayong wala na siya, wala akong clue kung sino ba ang posibleng pumapatay ngayon.
Tuloy-tuloy lang kami sa paglalakad sa madilim na pasilyo. Bawal kaming manatili sa iisang lugar dahil siguradong mahahanap kami pag ganun.
Napalingon ako sa likod at nakita kong nakayakap si Rizialen kay Robert. Napangiti na lang ako. Ang sweet naman ng dalawang yun.
May sumundot ng tagiliran ko kaya't tinignan ko ng masama ang katabi.
"Ayiee~ inggit na yan. Nandito naman ako eh!" natatawang sabi ni Jaimarie at inilahad ang mga kamay niya.
"Tumigil ka nga!" nakitawa na ako at tinapik paalis ang kamay niya.
"Uhm guys.." Napatigil kaming lahat ng biglang magsalita si Anna.
"Ano yun, Anna?" Tanong ko sa kanya at nagtataka dahil parang hindi siya mapakali.
"Si Diane.. nawawala"
***
Diane's POV
Humiwalay talaga ako sa kanila. Ayoko munang sumama sa kanila. Kapag kasama ko sila, di ko maiwasang maisip na ako ang dahilan kung bakit nabawasan kami ng tatlo.
Kung hindi ko sana pinayagan si Ara na mag-cr kasi nanganganib ang buhay namin ngayon. Kung hinayaan ko sana na buksan ang pintuan para masiguradong ligtas rin si Renz. Kung hindi sana ako tatanga-tanga at nagmadali para hindi na sinakripisyo ni Angela ang buhay niya.
Kahit anong anggulo ko tignan to, ako pa rin ang may dahilan. Konektado pa rin ako sa pagkamatay nila.
Tumakbo ako ng tumakbo. Palayo sa kanila. Papalapit kung saan namin nakasalubong yung killer. Lumiko ako sa kanan papalayo sa cr.
Habang tumatakbo, nakarinig ako ng mga yapak na papalapit sa akin. Agad akong nagtago sa madilim na sulok at hinayaang daanan lang nila ako.
"Grabe.. sobrang dilim talaga dito. Napakaimposible naman. Wala bang ilaw?" sabi ng isang boses.
"Walang ilaw kasi bawal tayong pumasok sa loob ng eskwelahan! Diba nga dapat magcacamping lang tayo? Duh." sabi ng isa pa.
"Pwede bang manahimik muna kayo? Kanina pa kayo satsat ng satsat!" Nakilala ko agad ang boses na iyon. Lumabas ako sa pinagtataguan ko at niyakap siya.
"Diane! Omygod! Tinakot mo ko!" sabi ni Tiara pero maya-maya ay nagyayakapan lang kami dito.
Napatingin ako sa mga kasama niya. Si Danielle, Raniel at Jeravem, mga tauhan ni Pres.
May hawak na kahoy si Raniel at halatang takot na takot sa akin at may patalim naman si Jeravem. Kaso baligtad yung pagkakahawak niya.
Napabitaw ako sa kanya. "Kalma nga kayo. Hindi ko kayo sasaktan" sabi ko at ngumiti.
"Diane, bakit ikaw lang mag-isa? Asan na sila Robert?" tanong niya sa akin.
"Wala na si Ara.. si Angela at s-si.. Renz" mahinang sabi ko. Nagulat na lang ako nang bigla akong sinugod ni Jeravem.
"Walang hiya ka! Bakit mo hinayaang mamatay ang mahal ko! Aish!!" sabi niya habang sinasabunutan ako.
Napakibot ako dahil naramdaman ko na naman ang hapdi sa anit ko. Di ko maiwasang sipain siya sa dibdib para tumigil na siya.
"Ahh! O my god! Sinaktan niya ako! Huhuhu!" Napairap ako. Ang OA ng babaeng to. Bangasan ko to eh.
Di ko namalayan na unti-unti na pala akong nanghihina at biglang nadilim ang paligid.