Student’s POV
Unti-unti akong nagigising. A-anong nangyari?
Tatayo sana ako kaso biglang sumakit ang ulo ko. Napadaing ako at hinawakan ito. Mukhang may bukol pa ata..
Iginala ko ang paningin ko at nalamang nasa isa akong classroom. Kakaibang classroom siya dahil sira-sira ang dingding nito at pati ang mga upuan ay parang winasak. Pati ang blackboard ay butas.
Nasa eskwelahan pa rin ako.
Akala ko nananaginip lang ako. Hindi pala. Para kaming nasa isang horror movie.
“AHHH! TULONG! TULONG!”
Nanlaki ang mata ko nang marinig ang boses na iyon. Si Rachelle! Pakshet, kasama ko nga pala siya kanina!
Akala ko naman nakatakas na! Ako na nga naunang nawalan ng malay, tapos nahabol pa rin siya!
“TULONG!!” Pinilit kong tumayo kahit nanghihina na ako.
Iika-ika akong naglakad sa pintuan kung saan nanggaling ang ingay. M-mukhang ang pintuan na ito ay papunta pa sa isang kwarto. Bakit hindi ko to alam? May ganito palang kwarto sa school?
Nakarating ako sa pintuan at sinilip ang bintana nito.
Para akong naubusan ng dugo sa nakita ko. May isang taong nakamaskara at nakasuot ng P.E. t-shirt namin. A-at.. may hawak siyang palakol.
“Tulong! Tulong!” Naiiyak na paulit-ulit na sigaw ni Rachelle habang sinusubukang buksan ang pintuan.
Bigla niya akong nakita na nakasilip at lumapit sa akin. “Emil! Emil! Tulong!!”
She looked horrible. May natuyong dugo sa ulo niya at sobrang gulo ng buhok niya. May mga pasa siya sa katawan at punit-punit ang damit na suot niya.
Sinubukan niyang sirain ang pintuan na namamagitan sa amin pero ayaw pa ring bumukas ng pintuan.
Kumuha ako ng isang kahoy na galing sa isa sa mga sirang upuan at sinubukan ding sirain ang pintuan kaso parang gawa sa bakal ang pintuan dahil ayaw pa rin nitong masira. Ni isang gasgas ay hindi ko magawa.
“Emil.. Emil..” Umiiyak na siya at nagmamakaawa.
Parang pinipiga ang puso ko habang pinapanood siya. Nagulat na lang ako nang biglang nanigas siya sa kinatatayuan niya.
Napatigil siya sa pag-iyak. Ngunit dilat na dilat pa rin ang mata niya. Biglang may lumabas na dugo sa bibig niya.
“Rachelle? Rachelle!!” Napaluha na rin ako sa nakita ko kahit gusto kong masuka. Ang kaklase ko... pinatay mismo sa harapan ko.
Dahan-dahang natumba si Rachelle at mas napahagulgol na lamang ako nang nakita ang dahilan ng paninigas niya.
May palakol na nakabaon sa likod ng ulo niya.
Hindi namin napansin.. natulungan ko sana siya!
Lumapit ang taong nakamaskara at kumaway pa sa akin. Hindi ko maiwasang mapamura sa ginawa niya.
Hinawakan ng tao yung palakol at pinilit na tanggalin yung palakol sa ulo niya. Kaso mukhang nakabaon talaga ito sa ulo niya.
Sumuko na lamang siya at sinipa ang katawan ng kaklase kong dating kasa-kasama ko lang.. pero ngayo’y wala na.
Nagulat na lang ako nang may inilabas na susi yung nakamaskara at ngayo’y binubuksan na ang pintuan na namamagitan sa amin.
Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko. Pakshet, kailangan ko ng makalabas dito!!
Sinubukan kong pihitin at sirain yung isa pang pintuan na daan ko para makalayo dito. Pero nabigo ako.
Nakapasok na ang salarin at ngayo’y nakatutok na sa akin ang isang baril.
“Please.. please.. Maawa ka..” Umiiyak na sabi ko.
“Awa? Wala ako nun.” Yung tono ng boses ay para pang namamangha habang pinapanood akong nagmamakaawa ako sa kanya.
“Please..”
Hindi ko maiwasang maisip ang mga pangarap ko pa sa buhay. Ang mga gusto kong gawin, mga gusto kong makasama.. ang pamilya ko.
“The civilian is dead”
Narinig ko ang malakas na putok ng baril at ako’y unti-unting nauubusan ng hininga.
“Tss.. walang kwenta” sabi ng salarin bago ako tuluyang mawalan ng lakas at nagdilim ang paningin.
***
Di kalayuan ay narinig sa buong eskwelahan ang putok ng baril.
Dominic’s POV
Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko yung baril. Para akong tinakasan ng lakas nang marinig ko yun.
“A-ano yun? Bakit narinig ko ang putok ng baril?” Nanlalaki ang mata ni Jaimarie habang tinatanong yun.
Kinabahan ako at nagsimula ng matakot.
“P-putok? Imposible.. Sinong kaklase naten ang magdadala ng isang baril?” sabi ko kahit naluluha na ako sa sobrang takot.
“Uhm guys.. s-sino yun?” Nanginginig ang boses ni Anna habang nakatingin sa pinakadulo ng pasilyo.
“Wala naman ah?” tugon ni Angela habang sinusubukang tignan ng mabuti ang dulo ng pasilyo.
Tinignan kong mabuti at nagulat nang makita ko ang gumagalaw na pigura ng isang tao. “Guys.. calm down..” Bulong ko sa kanila dahil parang naaninag rin nila yung pigura.
“Pagbilang ko ng isa... tatakbo tayo, okay? ISA!”
Tumakbo kaming lahat papalayo. Para kaming nakikipagkarerahan sa lagay namin na to. Sumisikip na ang dibdib ko dahil sa pagod pero dahil sa takot ay di ko makayang tumigil sa kakatakbo.
Bigla na lamang nahulog ang flashlight na dala namin. Mas dumilim ang paligid dahil nawalan na kami ng ilaw.
“D-domin..”
“Takbo lang! Wag kayong titigil!” utos ko sa kanila.
Nagulat na lang ako nang may mga pigura pa kaming nakita sa harapan namin. Napatigil kami sa kakatakbo at napako ako sa kinatatayuan ko.
Naiiyak na ako sa mga nangyayari.
“Dominic?” Napatigil ako sa pag-iyak at napatingin sa grupong nasa harapan ko.
“D-diane..”
***
Diane’s POV
Hindi na kami nagpaligoy-ligoy pa at naghanap ng mga paraan para makalabas sa kwartong ito.
“Teka nga. Subukan kong sirain” sabi ni Robert at sinipa ng napakalakas yung pintuan. Kaso nagasgasan niya lamang ito.
“Ok ka lang ba?” tanong ni Rizia nang dumaing sa sakit si Robert.
Napairap ako. Grabe talaga tong dalawang to. Nandito kami at baka mamamatay na at naglalampungan pa rin sila.
Nakita ko ang isang bakal na galing sa isang sirang upuan at kinuha ito.
“Tabi!” sabi ko sa kanila. Napatingin naman silang lahat sa akin at tumabi nang nakita nila akong may hawak na bakal.
Buong lakas kong sinugod ang pinto at hinampas dito ang bakal.
Nagulat na lang ako nang nabutas ko ang pintuan pero nananakit parin ang kamay ko dahil sa pwersa. “Diane! Nagawa mo!” natutuwang sabi ni Ara at niyakap ako. Napangiti na lamang ako.
Lumapit si Renz sa pintuan at inilabas ang kamay niya sa butas at pinihit ang doorknob. Napabuntong-hininga kami nang sa wakas ay bumukas na ang pintuan.
“Halina kayo! Bilis!” sabi ko at lumabas na kami.
Nakahinga ako ng maluwag nang sa wakas ay nakalabas na rin kami.
Kinuha ko ang flashlight kay Robert at naglakad na. Hindi ko alam kung saan kami papunta, oo. Pero determinado akong mahanap ang iba naming kaklase para masabihan sila na mag-ingat.
Bigla ko na lang narinig na humuhuni si Ara habang naglalakad kami sa dilim. “Ara? Di ka ba takot?” tanong ko sa kanya.
Saludo na ako sa babaeng to. Wala atang kinatatakutan eh. Hanggang ngayon, nakangiti pa rin.
“Wala! Bakit naman ako matatakot eh mga tao rin naman sila? At isa pa. Nandito ka naman eh!” sabi niya kaya’t napatawa ako.
“Sige. Poprotektahan kita” sabi ko.
“Alam ko naman yun eh!” nakangiting sambit niya. Napailing na lamang ako habang nakangiti.
Napatigil na lang kami nang narinig namin ang mabilis na mga yapak na papalapit sa amin. Doon ko naaninag sina Dominic na takot na takot.
“Dominic?” Napatingin siya sa akin na umiiyak.
“D-diane..”
Kumunot ang noo ko at niyakap siya. “Tahan na.. anong nangyari?”
“Somebody was chasing us! Nakakatakot siya, alam mo yun? He or she was wearing a hoodie and nakita ko ring may hawak siyang knife!” kwento sa akin ni Jaimarie na halatang nagpapanic na.
“Calm down guys. Kaya naten to, okay? Magpahinga na muna kayo tapos ay mamaya, sabay-sabay tayong mag-iisip ng paraan para makaalis dito, okay?”
Natahimik sila pero sumang-ayon naman sa plano ko.
Pagkatapos ng ilang minuto ay nagpatuloy na kami sa paglalakad. Kinwento sa amin ni Dominic kung paano nila narinig ang putok ng baril at nakakita ng pigura ng isang tao.
Fudge. Kinikilabutan na ako sa mga nangyayari.
“T-tumawag kaya tayo ng pulis?” sabi ni Rizia. Bigla kong nasapo ang ulo ko. “Oo nga noh! Bakit hindi ko naisip yun?”
Kinalikot ko ang bulsa ko para sa cellphone ko kaso.. wala doon.
“Guys. Wala sa akin ang cellphone ko” sabi ko.
Kinapa rin nila ang bulsa nila para sa cellphone nila kaso lahat kami ay wala. May kumuha ng mga cellphones namin.
“Sa Principal’s Office! May telepono doon diba?”
Para kaming nabigyan na naman ng bagong pag-asa. Kaya namin to. Makakalabas kami ng buhay dito.
“Guys! Lock yung pintuan! May alam pa ba kayong ibang way para mapasok to?” kunot-noong sabi ni Ara nang pihitin niya ang doorknob.
“Sandali. Subukan ko. Tumabi kayo” sabi ni Robert. Nagulat na lang kami nang bigla niyang sinugod ang pintuan.
Malakas ang pwersa ng tulak niya. Kaso hindi gaanong kalakas para mapatumba ang pintuan.
“Aray!” daing ni Robert. Napabuntong-hininga na lang ako.
“Okay. May iba pa bang ways?” tanong ko.
Biglang lumapit si Renz kay Jaima at tinanggal ang clip nito sa ulo. “Tabi” sabi niya kaya umatras kaming lahat.
Kinalikot niya yung doorknob gamit yung clip. Teka, marunong sya niyan?
“Grabe Renz! May future ah?” pambibiro ko.
Ngunit inarapan nya lang ako. Tss! Ang sunget!
Nagulat na lang kami nang bumukas ang pintuan. Marunong nga siya! Nakakapanghinayang.
“Tara na.” sabi niya. Sabay-sabay kaming pumasok sa loob ng office. “Hanapin niyo yung telepono na ginagamit ng mga staffs” ani President at nagsimula na kaming maghanap.
Medyo mahirap maghanap kasi sobrang dilim at halos wala na akong makita.
“Nakita ko na!” sabi ni Dominic at agad kaming nagsilapitan sa kanya.
Di-nial namin ang numero ng police station at naghintay habang nagriring. Oo, nagriring siya. Talagang nabuhayan kami dahil dito.
[Hello? Sino to?] Mas nabigyan kami ng pag-asa nang sumagot ang kabilang linya.
“Kuya! Kuya! Tulong! Nakulong kami dito sa eskwelahan namin tapos may pumapatay! Please send help!” sabi ni Dominic na maluha-luha na.
Natahimik ang kabilang linya. Kinabahan ulit ako ng walang dahilan. May mali.
Biglang tumawa yung tao sa kabilang linya. [Anong problema doon miss? Lahat naman tayo namamatay. Excited na ba kayo? Hintayin niyo na lang. Malapit na]
Naputol ang linya at nakatayo lang kami doon at nakanganga.
“I cannot believe this! Pakshet!” Naghi-hysterical na si Pres dahil sa narinig.
“Calm down, Pres..” sabi ko habang hinahaplos ang likod niya. Para akong nawalan ng lakas pagkatapos ng usapang iyon.
Akala namin makakalabas na kami. Pero.. hindi pa rin pala. Plano to ng killer. Pinlano niya to. Siya yung kausap namin kanina.
Unti-unti akong napapaluha. Talaga bang mamamatay na kami?
“Shh.. tahan na. Wag ka ng umiyak” bulong ni Renz sa akin. Nagulat na lang ako kasi binigyan niya ako ng panyo. Nginitian ko siya at nagpasalamat.
Gusto ko ng makalabas. Ayoko na dito.
Wala na bang paraan para makalabas dito?