Diane's POV
Lahat kami ay nakatingin lang sa labas kung saan galing ang sigaw ni Pres. Matagal na katahimikan ang namalagi sa amin na para bang naghihintay kami sa susunod na mangyayari.
Rinig ko ang malakas na kabog ng dibdib ko sa sobrang kaba.
Nabigla ako nang narinig ko ang mabibilis na yapak ng isang tao sa hagdanan sa likod namin.
Dahil sa takot, nagsigawan ang mga kaklase ko at nagtakbuhan sa iba't ibang direksyon. Dahil sa pagpapanic nila ay di ko maiwasang mapahawak sa katabi ko.
Akala ko si Tiara yung nahawakan ko kaso hindi pala.. si Renz.
"Takot ka ba?" pang-aasar niya sa akin habang nakahawak pa rin ako ng mahigpit sa kanya.
Binitiwan ko na ang kamay niya at narinig ko na sobrang lapit na ng mga mabibilis na yapak ay nagtago ako sa likod niya.
Bigla niluwa ng kadiliman si Pres na hingal na hingal na umakyat sa hagdanan.
Para akong nabunutan ng tinik sa nakita ko. Nawala lahat ng kaba ko. Kaso nang iginala ko ang paningin ko ay nagtaka ako kung bakit kaming magbabarkada na lang ang magkakasama.
Nako, asan na yung iba? Ang OA naman kasi nila. Si Pres lang naman yung umaakyat ng mabilis pero nabigyan ng maling konklusyon kaya ayun, nagsitakbuhan.
"Pres! Bakit ka sumigaw?" tanong ko sa kanya.
Nagpahinga pa siya ng ilang sandali bago punasan ang pawis niya at tumingin sa amin. "W-wala. Natakot ako kasi wala na pala akong kasama sa baba"
"Luh! Takutin ka pala?" pang-aasar ko. Bigla niya akong inirapan at umismid.
"By the way, asan na yung iba?" tanong ni Pres at hindi na tumingin pa sa akin.
"Yung kuting!" biglang naalala ni Robert at tuluyang pumasok sa madilim na kwarto. Sinubukan kong buksan ang lightswitch kaso hindi ata naka-on ang generator kaya hindi gumagana.
Gamit ang flashlight, tinignan ko ang bawat sulok ng kwartong pinasukan namin.
"Uh guys. Dito lang ako sa labas. Natatakot ako" sabi ni Tiara.
"Ako rin. Sasamahan na kita, Tiara" nanginginig na sabi naman ni Danielle.
Tumingin ako sa kanila sa huling beses bago pumasok sa loob ng kwarto. "Hellloooo~?" pataas na tono na tanong ko.
Puro kadiliman lang ang nakikita ko. Kahit may flashlight kaming gamit, sobrang dilim pa rin. Nagsimula na kaming maglibot-libot sa kwarto.
Ngunit nabigla kaming lahat nang bigla naming narinig ang malakas na pagkakasara sa pintuan. Dahil sa takot, agad akong tumakbo papunta sa pintuan at kinalabog ito.
"Tiara! Danielle! Anong nangyayari!?" malakas na sigaw ko.
"Diane! Diane! Sumara ang pintuan! Hindi namin mabuksan!!" sigaw ni Tiara sa kabilang dulo. Mukhang naiiyak na rin siya.
"Ok, Tiara! Makinig ka sakin! Si Ara to! Umalis kayo at humingi ng katulong sa iba nating kaklase! Hanapin niyo sila! Sabihin niyong nalock kami dito! Calm down, okay? Ngayon, bilisan niyo na!" sabi ni Ara.
"S-sige. Hayaan mo Diane. Babalik rin kami agad. Hintayin mo kami" huling mga sinabi ni Tiara bago sila umalis ni Danielle.
"Argh! What dahell is happening!?" rinig ko ang pagkagalit ni Robert sa pangyayari. Si Rizia naman ay tinutulungan siyang kumalma.
"Ayoko dito. Huhuhu!" madramang sabi ni Pres at sumandal lang sa isang pader malapit sa pinto.
Napailing-iling na lamang ako at napahawak sa teacher's table upang sumandal. Kaso nabigla ako nang naramdaman ang malagkit na likido.
"R-robert.. yung flashlight, pakitapat dito" Nanginginig ang boses ko nang sinabi ko iyon.
Lumapit sa akin si Renz at otomatikong kumalma na ang buong sistema ko. Ano bang nangyayari sayo Diane?
Itinapat ni Robert ang kanyang flashlight sa teacher's table at nanigas ako sa kinatatayuan ko.
"L-len.." Nanlalaki ang mga mata ni Robert habang pinagmamasdan ang pusa niyang.... dinurog. Nasa tabi pa nito ang ang batong ginamit upang patayin ang pusa.
"O my god" Naluluhang sambit ni Rizia. Niyakap niya si Robert habang hinimas-himas naman ni Robert ang likod ni Rizia.
Napaiyak na ako sa nakita ko. "M-mama.. gusto ko ng umuwi!" Di maiwasang sabi ko.
Tumakbo ako sa isang gilid at umiyak.
H-hindi ako makapaniwala. Talagang nangyayari ito. Hindi siya panaginip. Kahit anong kurot pa ang gawin ko sa braso ko ay hindi ako gigising.
Natatakot ako. Natatakot akong mamatay. Gusto ko ng umuwi.
Dalawang biktima sa isang linggo... Ngayong tatlong araw kaming makukulong sa eskwelahang ito, hindi ako sigurado kung may matitira pang mabubuhay sa amin...
"TULONG!! TULONG!! TULUNGAN NIYO KAMI!!" pati si President ay nagwawala na rin.
"Guys! Guys! Pwede ba, kumalma muna kayo?!" Napatigil kaming lahat sa ginagawa namin dahil sa sigaw ni Renz.
"Alam kong natatakot kayong lahat! Pero hindi ito ang tamang oras upang magwala na lamang! Marami pa tayong kaklase sa labas na alam nateng nanganganib ang buhay! Kaya ngayon, mag-isip tayo ng paraan upang makalabas dito!" dagdag niya.
"Tama si Renz. Please, kumalma muna kayo. Kailangan nating magtulungan dito. Lahat tayo dito ay biktima. Wag na tayong magpaligoy-ligoy pa at gumawa tayo ng paraan. Kailangang kumilos tayo.. bago pa mahuli ang lahat.." Maluha-luhang sambit ni Ara.
Namalagi ang mahabang katahimikan hanggang sa narinig namin ang humahagulgol na si Rizia.
"Robert.. ayoko dito. Iuwi mo na ako please. Ayoko pang mamatay.." Humikbi siya habang nagpatuloy na umagos ang luha niya.
Naramdaman ko ang awa habang nakatingin sa kanya. Kagaya ko, ayoko ring mamatay. Pero tama rin si Renz at Ara, kung hindi kami gagawa ng paraan upang makaalis dito, baka mahuli na ang lahat.
***
Rachelle's POV
"Nasaan na tayo?" tanong ng kasama ko.
"Malay ko ba. Wala akong makita eh. Pwera na lang kung nakakakita ka sa dilim" sabi ko.
Naglalakad lang kami sa isang pasilyo. Kasama ko ang kaklase kong si Emil. "Bakit nga pala tayo nahiwalay sa kanila?"
Tumingin sa akin si Emil na nagtatanong ang mukha. "Nakita ko kasi silang tumakbo kaya't nakitakbo ako. Akala ko fun run. Tapos yun, kasama na kita"
"Akala ko naman naghahabulan tayo. Tss.. MAY TAO BA DYAN?? HUY!! NASAAN NA KAYO?!" pasigaw na sabi ko.
Napabuntong-hininga ako nang nag-echo lang sa dingding ang sigaw ko.
"Asan na kaya sila?" nag-aalalang tanong ni Emil.
"Tss.. Hoy Mil. Peram assignment mo sa Algeb. Diba next week na yun ipapasa? Alam ko namang masipag ka" sabi ko at nagpacute pa sa harapan niya.
"Ang tamad mo talaga! Yoko nga! Magdusa ka! Matuto ka kasing magsipag para hindi ka laging bagsak!" pangangaral niya sa akin.
Peste. Nagtanong lang ako ng assignment, dakdak na siya ng dakdak.
Biglang nagsitaasan ang balahibo sa braso ko. Napansin ko iyon at kinilabutan. Ibig sabihin nito.. may nakatingin sa amin.
Lumingon ako sa likod ngunit purong kadiliman lamang ang nakikita ko. Kahit na tumingin ako sa gilid-gilid ay ang kulay na itim lang ang nakikita ko.
Hindi ko na sinabi pa sa kasama ko dahil mukhang naramdaman na din niya. Kahit sobrang hina ay rinig ko ang isang tao na naglalakad sa likod namin. Kasabay namin siya.
Biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko at pinagpapawisan na ako. Ewan ko kung bakit pero.... natatakot ako. Ramdam ko na may mangyayaring hindi maganda.
Bro, patawarin niyo po ako sa mga kasalanan na nagawa ko. Kayo na po bahala kay mama at papa. Wag niyo po sana ibigay sa kapatid ko ang laptop ko. Pakisabi na lang po sa kanila na mahal na mahal ko sila.
OA na kung OA pero nagsisigurado lang. Malay mo... tama ang kutob ko.
Bigla akong nakaramdam ng hilo. Napatingin ako sa kasamang kong nanlalaki ang mga mata. Dahan-dahan akong napatumba sa sahig.
Napahawak ako sa noo ko at kahit malabo na ang paningin ko, kitang-kita ko ang pulang likido sa kamay ko.
"Rachelle! Tulong! TULON--"
***
Dominic's POV
"O my god guys! Natatakot ako! Protect me please! Takot talaga ako sa dilim!" sambit ni Jaimarie at sinubukang magtago sa likod.
Napangiti na lamang ako sa inasal niya.
Medyo maayos na rin ang pakiramdam ko ngayon. Matagal akong nag-absent upang magamot ang trauma ko. Pasalamat na lang ako dito sa mga kaibigan kong tumulong sa akin.
"Jaima! Ibigay mo na sa akina ng flashlight! Magulo kang humawak eh!" pabiro kong sabi sa kanya at inagaw ang flashlight.
Nagpatuloy kami sa paglalakad sa isang madilim na pasilyo.
"Asan na ba tayo?" tanong ni Anna pero halatag di-interasado sa kung anong nangyayari sa paligid. "Guys, nakakatakot talaga. Sana makabalik na tayo sa camp" sambit naman ni Angela na halatang kinakabahan.
Nakatingin lang ako sa harapan habang naglalakad. Unti-unti akong kinakabahan. Nakapanood kasi ako ng horror movie kagabi. Naalala ko bigla kaya eto, nagpapanic na rin ako kagaya nila.
Mahirap akong takutin. Pero dahil sa narinig kong dalawang kaklase namin ang pinatay ay natakot ako. Hindi mo kasi alam, baka kami na ang susunod. Iniisip ko pa lang, kinikilabutan na ako.
"Uhm.. ganito guys! Maglaro tayo! Who-knows-our-classmate-best!" nakangiting sabi ni Angela pero halatang kinakalma nya lang ang sarili niya para hindi matakot.
"Ako ang magtatanong! Ano ang paboritong pagkain ni Jason?" tanong niya.
"Mac n' Cheese!" sagot ni Jaimarie na mukhang nakisali na sa laro.
"Next question! Ano yung natanggap ni Trixie nung anniversary nilang magkakaibigan?"
"Libro!" sagot naman ni Anna.
"Ano yung average grade ni Bren nung Grade 5 sya?"
"90~!" sagot ko naman. Sabay-sabay kaming natahimik at maya-maya'y nagtawanan.
"Last question guys! Siguradong di niyo to alam! Ano yung ringtone ni Joseph?" tanong ni Angela habang nakangiti.
Biglang tumahimik ang paligid. "A-ano?" tanong ko sa kanya.
"Ano pa ba? Edi yung sikat na kanta! So what we get drunk? So what we smoke weed?"
"At paano mo naman nalaman yun, aber?" Nakataas-kilay na tanong ni Jaimarie kay Angela.
Ngumiti muli si Angela. "Research duh! Alam niyo naman ako, mahilig akong manghalungkat ng files tungkol sa klase naten lalo na't nagkakapatayan na tayo dito. Pero.. may isa pa akong nalaman mula sa kanya"
Sumeryoso ang mukha nya kaya't nagsimula akong kabahan.
"But.. Secret muna! Kekeke~" Pilyong tumawa siya habang nakatingin lang kami sa kanya..
Ano kaya yun?