Dominic Padilla's POV
Hello readers~ Dominic Padilla here. I only have one thing to say.
I'm soooo~ pretty! Why not? Long lost cousin ako ni Daniel Padilla noh! So magaganda't gwapo talaga ang angkan namin!
I'm having lunch here with my friends! I have to say, hindi man sila kasing pretty ko, super bestfriends ko naman sila sa sobrang bait nila!
"Eto na po ang pagkain niyo" matamlay na sabi ni Anna, one of my friends. Kagagaling lang niya sa counter dahil nilibre niya kami ng pagkain! Ang sweet noh?
"My gahd. Buti naman at dumating na ang pagkain! Gutom na gutom na ako!" And umirap pa si Angela bago hawakan ang tray na full of food.
"Wow ha. Ako na nga nanlibre, ganyan ka pa" sarkastikong sabi ni Anna kay Angela.
"Wag na wag mo nga akong matarayan dyan, Anna! Di bagay! Hmp!" sabat naman ni Angela kay Anna.
"Guys! Wag na kayong mag-away please?" pagmamakaawa ko.
Tinignan naman nila ako at tsaka napabuntong-hininga. "Kung di lang kita kaibigan.." narinig kong bulong ni Anna.
Haha! Sabi na nga ba at di nila ako matitiis eh!
"Hey guys! Imma back! Do you want to hear me sing??"
Napatingin lang kami sa bagong dating na si Jaimarie, ang isa pa sa bestfriends ko. Kaming apat ang Spice Girls! Nyahaha!
Lahat kami ay napatakip ng tainga nang magsisimulang kumanta si Jaimarie. Mukhang napansin nya naman kami kaya't napa-pout siya.
"You guys are so mean~" matampuhing sabi niya.
Umupo na rin siya sa bakanteng upuan at nangahalumbaba.
"No offense Jai, but your singing is horrible" prangkang sabi ni Angela. Mas gumusot naman ang mukha ni Jaima.
"She's still offended, Angela" sabat ko. Kawawa naman kasi si Jaima. Kahit papaano, bespren ko pa rin yan.
Angela smiled. "Oops. Sorry." pabirong sabi niya.
"Don't worry Jaima, kahit panget kang kumanta. Maganda ka pa rin" sabi ko sa kanya. Lumiwanag naman ang mukha niya.
"Guys! Kain na tayo" naiinis na sabi ni Anna.
Kinuha ko na ang soup na inorder ko kay Anna. Kumuha rin ako ng kutsara at hinalo-halo at hinihipan ang soup ko.
Sinalo ko ng kutsara ang kanina pang lumulutang na kulay puting bilog na gulay, ata? Teka, wala naman akong alam na kulay puti na gulay ah? Baka karne to.
Itinaas ko na ang kutsara ngunit nanlamig ang buong katawan ko sa nakita ko. Para akong tinakasan ng dugo nang mapag-alaman kung ano ang lumulutang na karne sa sabaw na kakainin ko.
"P-aksh--" Mukhang napansin din nila Jaimarie and dapat kong kainin at malutong na nagmura siya.
Nanlambot ang tuhod ko sa nakita ko at malapit na akong maiyak. "AHHHHHHHHHH!!!"
Nahanap ko na ang boses ko at sumigaw ng ubod ng lakas. Naagaw ko ang pansin ng ilang mga estudyanteng kumakain rin sa canteen ngayon.
Nanlalaki pa rin ang mga mata ng kasamahan ko. Pati ako ay hindi na mapigilan sa kakaiyak.
Napansin kong tumayo sa Jaimarie sa inuupuan niya at kinuha ang sabaw kung saan ko nakita ang isang mata.
"Miss!! What the hell!? Bakit may mata sa soup ng kaklase ko ha?! Pakshet, anong klaseng soup yun miss?! Special!? Sumagot kayo!!"
Natulala lamang ang tagaluto sa canteen kay Jaimarie. Halatang wala silang alam sa nangyayari. At lalong hindi nila alam kung saan nanggalin ang matang nakita ko.
Wala na akong nagawa kundi umiyak. This is it. I'm fcking traumatize. Ayokong makakita ng ganitong klaseng bagay sa buong buhay ko.
Hindi ko napansin na may sumigaw na naman sa isang parte ng canteen.
At may nagrereklamo kung bakit nakakita daw siya ng isang daliri sa pagkain niya.
"Anong nangyayari?"
"Kadiri! Ganito na pala ang pagkain naten ngayon?"
"I swear! Hindi na ako kakain dito kailanman!"
Rinig ko ang bulong-bulungan sa paligid lalo na ang mapanudyang komento ng mga estudyante sa mga tagaluto sa kantina.
***
Jaimarie Tresvalles' POV
Naaawa na ako sa kaibigan ko. Mukhang na-trauma na ata dahil sa lintek na mata sa pagkain niya.
Putakte! Sino ba kasing matinong tao ang maglalagay ng kung ano-anong putol na bahagi ng katawan ng tao sa pagkain namin??
Hindi ko alam na ganito pala ang mga tao dito. Nakakasuka sila.
"Pakshet!? Bakit may tainga dito!? Puta! Magpaliwanag nga kayo!!"
Pero.. sa tatlong taon namin dito sa eskwelahang ito. Ngayon lang ito nangyari. A-ano bang nangyayari? Unti-unting nagbabago ang school. Maraming lumilisan dahil sa mga namamatay na estudyante dito.
Tapos siguradong mas marami pa ang aalis at magrereklamo sa school na ito kapag nailabas ang issue tungkol sa nangyayari ngayon.
Lumapit ako sa kaibigan ko at hinawakan ang kanyang ulo. "Dominic.. wag kang mag-alala. Magiging okay rin ang lahat" bulong ko sa kanya.
Nakatulala na kasi siya sa kawalan. Na-trauma na ata ito. Nakakainis! Kasalanan nila to!
Kailangan nila ng paliwanag kung ayaw nilang isipin namin na yung mga namamatay na tao ang kinakain namin araw-araw at hindi sila makulong!!
***
Angela Reese Parker's POV
Nakita ko ang mga mapupungay na mga tingin ng mga estudyante sa mg tagaluto sa kantina.
"O? Ano pang tinatayo-tayo niyo dyan? Gusto namin ng eksplanasyon! Magsalita nga kayo!!" sigaw ng isang estudyante.
Napiling na lamang ako sa inaakto nila. Hindi naman ata tama na pagbintangan agad-agad ang mga tagaluto, hindi ba?
Paano kung nasangkot lang sila? Paano kung hindi pala sila ang may kasalanan?
Eto kasi mali ng mga tao eh. Pinangungunahan lagi ang katotohanan. Masyado silang judgemental. Pero, ano pa nga ba ang magagawa natin eh nasa katangian na yan ng mga tao?
Nakita kong nagpapanic na ang dalawang tagaluto ngunit napansin ko ang isang tagaluto na bangag at para bang kararating pa lamang.
Dire-diretso siya sa ref upang uminom ata ng tubig ngunit pagbukas ng pintuan ay may nahulog na sako.
Agad akong nakaamoy ng mabaho at masangsang.
Shet. Ano bang nakalagay sa sakong yun? Bakit amoy patay?
Nagtataka yung tagaluto ngunit mukhang wala pa rin siya sa katinuan kaya't bigla niyang binuksan ang sako at nagsilabasan ang putol-putol na katawan.. ng tao.
Maraming nasuka, nagulat at nagtilian sa biglaang pagkakita ng patay.
Maski ako ay nanlamig sa kinatatayuan ko. Walang kahit anong dugo ang tumalsik dahil siguradong tumigas na ito habang nasa loob ng ref.
Napatingin ako sa mga tagaluto sa canteen. Kinakabahan sila at halatang takot na takot sa pangyayari.
Langya ano bang nangyayari dito? Sila ba ang pumapatay?
Nagsipasukan ang pulis dahilan para magsialisan na kaming mga estudyante.
***
Diane's POV
"Woooh! Camping! Camping! Campi--"
Natigil sa pagsigaw si Tiara nang sumingit ako. "Guys. Hindi ba kayo nagtataka na hahayaan nila tayong mag-camping sa eskwelahan for 3 days? Na wala man lang guro or guard na kasama? Kahit isang tagaluto lang ng pagkain, wala rin?" seryosong tanong ko.
Napatingin naman sila sa akin.
"Ano ba yang mga iniisip mo Diane! Bakit ayaw mo na lang na magpakasaya diba?" panunumbat ni Tiara.
"Kaya nga Diane. Masyado mong iniisip. Ayaw mo bang mag-relax?" tanong naman ni Rizia.
"Kalma lang Diane! Mukhang masyado kang napaparanoid" sabi ni Danielle. Medyo ka-close na namin si Danielle ngayon. She's okay. Mabilis mo naman siyang makakasundo. Nahawa lang talaga siya sa kamalditahan ng mga kasamahan ni Pres.
"Wag mo ng isipin ang mga ganyan, Diane! Magpakasaya na lang tayo!" masiglang sabi naman ni Ara.
"Sang-ayon ako sa kanila" simpleng sabi naman ni Robert.
Napabuntong-hininga ako. "Oo na. Sige na. Magsasaya na lang tayo."
Hay.. siguro nga napapraning lang ako.
Oo nga pala. Andito kami ngayon sa van ni Robert. Sabay-sabay kasi kami pupunta sa school eh. Tapos yung kuting na nakita namin, dala namin. Si Robert yung nag-adopt sa pusa. Cat-lover siya eh.
Si Rizia ang may hawak ng pusa kasi diba, girlfriend siya. Haha.
"Paheram nga ng pusa, Rizia" Ngintian naman ako ni Rizia at ibinigay sa akin ang kuting. Aww.. ang cute naman!
"Anong pangalan?" tanong ko habang manghang hinahawakan ang ulo ng pusa.
"Len-len" simpleng sabi niya. Napatingin naman ako kay Rizia na biglang nag-init ang pisngi.
Waaah! Ang kyut naman!
"Andito na tayo." sabi ni Robert at pinark ang sasakyan niya malapit sa gate ng school.
Lumabas na siya ng van at pumunta sa likod upang ilabas ang mga gamit namin. Aww.. ang gentleman naman. Napaka-swerte ni Rizia.
Nauna na kami ni Ara sa pagpasok sa loob dahil nakuha na namin ang mga gamit na dala-dala namin. Nakita agad naming nagtatayo na sila ng mga tent.
Wala akong tent eh. Ang gagara naman nitong mga kaklase ko. Makikitulog lang ako sa tent ni Tiara eh.
Maghahapon na nung kumpleto na kaming lahat. Palabas na si manong guard at nilo-lock na niya ang gate.
"Kuya, ang OA naman. Kailangan talagang may kandado?" tanong ko.
"Sinusunod ko lang ang utos" sabi ni manong guard at tuluyan ng kinandado ang gate bago lumabas.
Napabuntong-hininga ako at napatingin sa kanila. "Boring" sarkastikong sabi ko bago umalis.
Tiara's POV
Nakatingin lang ako kay Diane na dire-diretso sa tent namin at humiga. Aba, matutulog agad ang babaeng yun? PSH.
"Laro tayong killer-killer!" Biglang sigaw ni Raniel sa gitna ng pagkakabored namin.
Agad nagsilapitan ang buong klase kay Raniel dahil siguradong interasado na naman doon sa laro. Pagka naririnig ko ang larong killer-killer, yung istorya about doon sa p*****n agad ang naaalala ko.
Pumaikot na kami at magsisimula na sanang maglaro nang tuluyan ng dumilim. Wala kaming choice kundi ang gumawa ng bonfire.
"O ayan! Maliwanag na! Magsimula na tayo. Kung ano ang nabunot niyo dati, ayun na yun" sabi ni Raniel at nagsimula na nga ang laro.
Tahimik lamang ang lahat habang nagtititigan kami.
"The civilian is dead" matamlay na sabi ni Rachelle, isa sa mga kaklase kong babae. Malamang duh.
Natigil lamang ang laro nang biglang may malakas na tunog sa likuran namin.
Nahulog pala ni Trixie ang mga dala niyang libro. "Hehe, peace" sabi niya sa amin. Tumayo ang iba para tulungan siya ngunit inirapan lang siya ni Raniel.
***
Diane's POV
Nagising ako sa tunog ng mga librong nahuhulog.
Lumabas ako ng tent at nakitang gabi na pala. Ngek. Ang tagal ko palang nakatulog. Ang boring naman kasi eh.
Naabutan ko silang naglalaro ng Killer-Killer. Ano ba yan. Hindi ba sila nagsasawa at natatakot sa larong yan? Kinikilabutan ako sa pinaggagawa nila eh!
"Ayun! Gising na si Diane! Simulan na ang laro!" masayang sabi ni Tiara.
Lumapit ang lahat ng kaklase namin sa apoy. "Maglalaro na po tayo ng habulan. Mas thrilling kasi pag gabi kaya hinintay ko na ang paglubog ng araw. At ngayo'y kumpleto na tayo, pwede ng magsimula ang laro. Lahat kasali. Walang kj" pagpapaliwanag ni Tiara sa lahat.
"At syempre para hindi tayo matakot, by groups tayo. Basta kaming magkakabarkada ang magka-grupo!" dagdag pa niya.
Natigilan kaming lahat nang nakarinig kami ng ungol ng isang pusa.
P-pusa.. Si Len-len!
Galing sa loob ng eskwelahan ang ingay kaya't nakita kong nagmamadaling pumasok sa loob ng eskwelahan si Robert. Wala naman kaming magawa kundi ang sumunod sa kanya.
Nakarating kaming lahat sa harapan ng isang kwarto na nakaawang ng kaunti ang pintuan.
Dahan-dahan, binuksan ni Robert ang pintuan ngunit wala kaming naabutan na kahit na ano.
Ngunit natigilan kaming lahat nang narinig namin ang malakas na sigaw ng isang babae. Si President.