“TYPICAL guy,” tudyo niya kay Jesse nang gabing kumatok na naman ito sa kanya. Porma ngang manliligaw sa gayak nito. At may roses and chocolate pa! “Magandang gabi, Andie,” he said with a grin in his lips. Nagkatitigan sila at saka biglang nagkatawanan. “Pumasok ka na nga,” natatawa pa ring sabi niya at tinanggap din ang dala nito. “Ano ba iyan? Kinikilabutan ako sa kakornihan mo.” “Don’t say that,” sagot nito sa kanya. “Mukha namang mababasted ako kapag ganyan.” “Ayaw mong mabasted?” “Siyempre, ayaw,” mabilis na tugon nito. At namayani ang katahimikan sa pagitan nila. “Andie,” anito sa kanya. “I’m serious about you. But the truth is, hindi ako marunong manligaw. Nakakahiya mang aminin, but it’s true. I would like to win your heart. For some days now, I imagine waking up with you ne

