“I WISH I could tell you what I really feel right now, Andie,” sabi sa kanya ni Jesse nang matapos nilang pagsaluhan ang hapunan. Umalis na ang dalawang waiter na nagsilbi sa kanila habang kumakain. Ang naiwan doon ay dalawang kristal na baso at wine na nakalubog sa yelo. “You don’t have to, Jesse. Marami namang ibang bagay na puwede din nating mapag-usapan.” “But that’s something that I want us to talk about. It’s about you and me. And Twinkle also. Hindi siguro uubrang mawawala sa usapan nag anak ko.” Inabot nito ang kamay niya at pinisil iyon. “Mabait ka sa anak ko, Andie. I appreciate that.” “Now that you’ve mention about Twinkle… Jesse, baka nadadala ka lang ng nakikita mo sa amin ni Twinkle.” “Alam mo ba na mayroon talagang pagkakataon na naisip kong mag-asawa muli para na lang s

