“DID YOU PLAN this?” tanong niya kay Jesse nang nasa sasakyan na sila. “Akala ko’y mamamasyal lang tayo sa strawberry field?” “Which we already did. Nagkaroon lang ako ng ideya nang makatulog pauwi si Twinkle.” “Ah, I see.” “I would like to take you to a special dinner, Andie. Hindi naman sa gusto kong pangunahan ang balak mo para sa gabing ito. Pero naisip ko, pag-uwi ay ihahatid kita sa inyo. You would eat dinner alone at ako naman ay ganoon din since tulog na si Twinkle. So why don’t we dine together? Do you mind it?” “Not really. Medyo nagulat lang ako kanina.” “I’ll take you to a special place, Andie. I’m sure, magugustuhan mo doon.” “Talaga?” interesadong tugon niya. “Talaga,” nangingislap naman ang mga matang sabi nito sa kanya. Ilang minuto lamang ang naging biyahe nila. A

